AKALA ko noong una ay sa loob lang kami ng resort mag-uusap pero hindi pala. Nag-aabang ang kotse ni Luciel sa akin sa parking lot. Palihim akong pumasok doon at sinalubong agad ako ng ngiti niya. Naka-t-shirt lang ako at pants, hindi ko naman kasi inaasahan na lalabas pa pala kami para lang mag-usap. Huli na nang mag-text siya. “Saan tayo pupunta? Nakakahiya itong damit ko, baka hindi bagay sa pupuntahan natin,” saad ko. Kung titingnan ako ay sobrang plain ko lamang. Not that, may maganda akong ipapalit sa damit na ito pero kahit papaano man lang sana ay mas maayos dito. “You look good,” sabi niya at pinaandar na ang sasakyan. Nagpapalakas lang ba siya sa akin o totoo ang sinasabi niya? Ang hirap naman malaman kung ano. “Bolero!” Itinago ko ang aking pagngiti sa pamamagitan ng pag-ir