KABANATA 19

2999 Words

“HINDI ba at may dalawa ka pang pinsan na lalaki?” Iyon ang nakita ko sa mga articles na mayroon sa internet. Iilan lamang iyon dahil masyadong masekreto ang pamilya nina Luciel. Umalis na rin sina Gareth at Azriel. May pinag-usapan lang daw silang business at pinapirmahan kay Luciel kaya’t napadalaw sila. “Oo,” sagot niya at mas inilapit ang katawan sa akin. Nasa living room kami ng private villa niya. Kapag wala akong ginagawa ay naririto ako parati. “Mas magandang huwag mo na munang makilala iyong dalawa. Kahit ako, madalas ay ayoko silang makita.” Humalahak si Luciel kaya’t napailing ako. “Bakit?” May iringan ba sa kanila? Ganoon ata kapag mayamang pamilya tapos maraming tagapagmana, hindi maiiwasang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan. “Nasa ibang lebel ang dalawang iyon. Mahirap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD