NAKANGITI ako habang nagtatrabaho. Siguro sa loob ng ilang buwan ko ring internship ay ngayon ko masasabi na talagang masaya ako. Nakita ko si Ma’am Sanchez. Gusto ko nga pa lang kausapin ito para malaman kung may i-o-offer silang part-time job para kung wala, magtitingin-tingin na ako sa ibang lugar. Nang mapansing wala namang masyadong gagawin ay nilapitan ko si Ma’am upang makausap na. “Good afternoon, Ma’am Sanchez,” bati ko sa supervisor ko. Mas gusto kong siya ang makausap tungkol sa binabalak ko dahil kung si Ma’am Austria ay baka tarayan lamang ako. “Oh, Chantria! Naandito ka na pala. Kumusta si Sir Luciel? Anong mga kinailangan niya kanina? Mukhang maaga ka niyang pinapunta sa private villa,” sabi ni Ma’am Sanchez. Pinamulahan ako ng pisngi roon. Mabuti na lamang at hindi iyo