INIAYOS ko sa hapag-kainan ang mga pagkain. Ginamit ko na lamang ang microwave para mainit na ulit ang mga ito. Hindi rin naman nagtagal ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kuwarto ni Luciel. Nilingon ko siya at iginaya ang mesa. “Kumain ka na.” Mas gumaan ang nararamdaman ko ngayon kumpara kanina. Hindi ko rin maintindihan. Siguro dahil niyakap niya ako. Kahit na unexpected ang ginawa niya at talaga namang ikinabigla ko, it gave me an assurance na maging ako ay hindi ko maipaliwanag kung ano. Ngumiti lamang si Luciel sa akin at nagtungo na sa isang silya upang magsimulang kumain. Malalim na rin ang gabi pero ang mahalaga ay kumain siya at uminom ng gamot. “May kailangan ka pa ba? Iyan ang mga pagkaing dinala rito kanina, lumamig na kaya’t ininit ko na lang.” Tiningnan niya ang mga