KABANATA 1

1456 Words
“CHAN, hindi ka pa ba kakain? Isa pa, bakit ganyan ang mga mata mo? Kinulang ka ba sa tulog? Para kang nasuntok ng puyat kagabi, ah?” natatawang tanong sa akin ng kaibigan at kasama ko sa internship na si Fatima. Hindi ako nakasagot sa kanyang itinatanong. Masyadong lumulutang ang pag-iisip ko sa mga nangyari kagabi. Ayoko na sanang isipin pa pero…paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang makamundong nakita ko! Habang patapos na kasi ang shift ko kagabi ay nakita ko na nakabukas ang isang kwarto ng hotel kung saan kami naka-assign. Akala ko ay naiwan lamang iyon ng isang guest na nag-checkout ng araw na iyon kaya pumasok ako upang linisin o i-check. Hindi ko naman akalaing may nagse-s*x pala roon! Sapat na ang liwanag ng silid na mula sa buwan upang kahit papaano’y mamukhaan ko ang lalaki. Nagkatitigan pa kaming dalawa kaya’t naalala ko at narehistro ng isipan ko ang itsura ng mukha niya. Hindi ko makalimutan kung paano niya ako titigan habang binabayo niya iyong babaeng kasama niya. Sa sobrang pagkataranta ko rin ay lumabas ako ng silid at hindi na ako nakapagpaalam. Paano pa ba naman kasi ako makakapagpaalam sa kanila? Alangang sabihin ko na aalis na po ako, tapos na po kayo, eh. Ang gaga lang kapag ginawa ko iyon. “Grabe talaga ang internship na ito. Mukhang maaga akong mapupunta sa langit. Nakakapagod. Minsan pa’y ang sakit ng ulo ko dahil sa pagod. Still, ang saya at ang swerte natin dahil nakuha tayo sa Villa na ito. Mahirap daw pumasok dito kasi madalas hindi sila natanggap ng intern.” Naririnig ko naman ang mga sinasabi ni Fatima sa akin ngunit hindi ko lang talaga magawang makisabay sa mga ito dahil sa pagkawala ko sa sarili.  First time kong makakita ng ganoon. Tapos iyong katawan pa ng lalaki’y hindi rin mawala-wala sa isipan ko. Ano ba naman iyan, pakiramdam ko ay nawawala na ang pagkainosente ko dahil sa nakitang iyon. “Hello! Earth to Chantria! Naririnig mo ba ang mga sinasabi ko?” Bumalik ang katinuan ko nang sigawan ako ng kaibigan ko. Nilingon ko siya at napansin ko ang pagtataas niya lamang ng kilay sa akin. “Ano nga ulit iyong sinasabi mo?” Wala na naman ako sa sarili nito. Ito rin ang dahilan bakit wala akong maayos na tulog. Inirapan ako ni Fatima dahil kanina pa ata siya nagsasalita ay wala naman pa lang nakikinig sa kanya. “Never mind. Ayoko nang magsimula sa umpisa. Anyway, wala ka ba talagang balak kumain? Nilalangaw na iyang pagkain mo ay hindi mo pa nagagalaw. Ilang oras pa ang kailangan natin para matapos ang internship kailangan mo ng lakas kaya kumain ka.” Napangiwi na lamang ako. Minsan din ay para ko siyang nanay kung pagalitan ako.  Kumain na ako dahil napagtanto ko rin na tama siya. Kailangan ko ng lakas para sa magiging mga trabaho at ipapagawa sa amin ng mga supervisors namin. Marami-rami pa ang oras na kailangan ko para matapos ang internship na ito. Kung ano man ang nakita kong pangyayari kagabi, kailangan ko na lamang kalimutan. Sa tingin ko naman ay hindi na kami magkikitang muli ng lalaking iyon. Intern ako rito sa Villa Benavides. Kasama ko ang aking kaibigan na si Fatima. Pareho kaming HRM students at nasa pangatlong taon na. Nagsimula ang internship namin noong summer. Pumunta na ako sa naka-assign na floor sa akin sa isang hotel. Nakasalubong ko pa ang ilan sa mga senior ko na naglilinis sa hallway ng fifth floor ng hotel. “Naandito pala ang iyong anak ni Sir Avion at Ma’am Piper, ‘no? Kaya naman pala abala ang ilan dahil pinagsisilbihan siya sa private house.” Narinig kong usap-usapan ng mga kasamahan kong nasa hallway. “Oo nga raw. Narinig ko rin sa ilang staff kagabi sa dorm.” Humalakhak ang kausap ng isa. Pareho silang parang pinipilipit sa kilig. “Ang sabi nga raw ay magandang lalaki. Sana ay makita natin mamaya. Parang gusto ko tuloy matoka sa private house.” Malakas na hagikgikan ang aking narinig. Napailing na lamang ako at nagsimula nang maglampaso ng sahig ng pasilyo. “Wala naman talagang hindi magandang lalaki sa mga Benavidez. Last year nga ay nakita ko iyong anak ni Sir Hati. Grabe, gusto kong sumamba na lamang sa kanila.” Malakas na palirit ang narinig ko. Napapikit ako ng aking mata dahil ang sakit no’n sa tainga. Wala namang masama kung magpantasya sila sa mga lalaking gusto nila. Sana lang din alam nila na oras ng trabaho at imbis na magchismisan sila ay sana naglilinis sila, ‘no? “Ano iyang pinag-uusapan n’yo?! Oras ng trabaho ay nagchi-chismisan kayo, ha! Ang haharot talaga!” Biglang dumating ang supervisor namin kaya’t natigil sila sa kanilang pag-uusap at pinagtuunan ng atensyon ang kani-kanilang trabaho. “Chantria,” tawag sa akin ng aking supervisor. Nilingon ko siya at kaagad na lumapit. “Po?” tanong ko. Kahit wala naman akong ginagawang mali ay kinakabahan ako kapag tinatawag ako. Pakiramdam ko kasi ay pagagalitan ako. “May ipag-uutos lang ako sa ‘yo.” Hinawakan niya ang balikat ko at ngumiti. “Pumunta ka ng farm natin. Hindi naman iyon kalayuan dito at alam ko na nakapunta ka na roon, hindi ba? Tapos hanapin mo si Leslie. Sabihin mo sa kanya na pinapunta kita roon para kunin iyong mga hinihinging dokumento ko. Reports iyon ng expenses ng farm na kailangan kong ma-liquidate. Dalhin mo na lamang sa opisina ko mamaya, okay?” Tumango ako sa sinabi ni Ms. Sanchez sa akin at kaagad na sinunod ang kanyang ipinag-utos. Kaagad akong tumulak papunta ng farm. Kitang-kita ko na kahit maaga pa’y maraming guests na ang nagpupunta roon upang sumalang sa iba’t ibang aktibidad na ino-offer nila. May ilan na nakasakay ng kabayo o nagpapaturo paano sumakay ng kabayo. Mayroon din namang nagpapakain ng mga iba’t ibang hayop na alaga namin dito.  Nang may makasalubong akong trabahante ay kaagad kong itinanong kung sino iyong Leslie. “Ah, si Leslie ba?” May nilingon siya kaya’t sinundan ko kung saan siya nakatingin. “Nakikita mo ba iyong babaeng naka-braids ang buhok at naka-cowgirl outfit? Iyon si Leslie,” sabi ng isang matandang trabahanteng pinagtanungan ko. Ngumiti ako sa kanya at kaagad na nagpasalamat. “Maraming salamat po!” Lumapit na ako roon sa babae at maingat na kinuha ang atensyon niya.  “Excuse me po.” Nilingon ako ng isang babae at isang matamis na ngiti ang sumalubong sa akin. “Yes?” “Ako po si Chantria. Ipinadala po ako rito ni Ms. Sanchez para raw po kunin iyong mga dokumentong gusto niyang makuha sa inyo?” Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya. Nakangiti kasi siya sa akin at hindi ko alam kung paano susuklian ang ngiti niyang iyon. “Oh, iyon ba? Sige, sandali lamang at kukunin ko. Alam ko ay naayos na iyon, eh. Hintayin mo ako rito, okay?” Ngumiti siyang muli sa akin. Wala naman na akong ibang nasagot sa kanya kung hindi ang pagtango. Itinuon ko ang aking braso sa may fence at pinagmasdan lamang muna ang mga turistang naririto sa farm. Napangiti ako nang may isang batang babae ang tinutulungan ng kanyang ama na sumampa sa kabayo. Mukha namang takot ang bata rito. Hindi ko mapigilang isipin ang tatay ko. Kung kasama ko kaya siya ay aalagaan niya rin ako? Imposible. Malayo ang loob niya sa akin at siguro kung maaari siyang pumili ng anak ay hindi ako iyon. Sa ngayon, nasa kulungan siya dahil ang sabi ay may mga krimen daw itong ginawa. Ayaw na lamang din niyang sabihin pa sa akin. Isang kamag-anak ni Papa ang nag-aalaga sa akin ngayon. Nagtatrabaho rin naman ako para may ipangtustos sa sarili. Ayokong umasa sa pera ng ibang tao. Habang masayang nanunuod sa mga bisita at hinihintay ang pagbabalik ni Leslie para sa mga dokumentong ipinunta ko rito ay hindi ko napigilang matulala sa isang pamilyar na hubog ng katawan sa hindi kalayuan. Nakatayo siya roon suot ang tamang pananamit sa pangangabayo. May hawak siyang lubid ng kabayo at sa gilid niya ay ang isang makisig at kulay itim na kabayo. Ang mga mata niya’y nakatingin sa akin at tila ba naninimbang at inoobserban akong mabuti. Kaagad akong kinabahan nang mamukhaan ko kung sino ang lalaking iyon. Tumindig muli ang balahibo ko at ang malakas na kalabog ng aking dibdib kagabi ay bumalik na naman. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang pagtayo ko nang tuwid, nag-aambang umalis sa kinatatayuan ko. Napalunok ako at ramdam ko ang panunuyo ng aking lalamunan habang nakikipagtitigan pa rin sa pamilyar na lalaking iyon. Siya iyong lalaking nakita kong gumagawa ng malaswang kaganapan kagabi sa loob ng isang hotel room!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD