“KUYA, saan ka pupunta?”
Lumapit si Aviana Benavidez sa kanyang nakatatandang kapatid na lalaki nang mapansin ang pag-iimpake nito sa dalawang malaking maleta.
“Hmm, on vacation, Av. Nakakabagot dito sa Manila. Paulit-ulit na mukha ang nakikita ko.” Tumigil sandali sa kanyang ginagawa si Luciel Maximiano Benavidez at tumingin sa kanyang kapatid. “Isa pa, I closed a deal, that Dubai account. Dad gave me a 1-month vacation as a reward. I don’t want to waste it here. Gusto mong sumama sa akin?”
Napangisi si Aviana sa narinig mula sa kapatid bago marahang umiling. “Ayokong sumama sa ‘yo, Kuya. Alam ko naman na maiinis lamang ako sa mga makikita kong gagawin mo at ganap mo sa buhay sa bakasyon na iyan.”
Tumayo si Aviana mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama at akmang aalis na sana ito ngunit muli niyang binalingan ang kapatid.
“Saan mo pala balak pumunta, Kuya? Ngayon na ba ang alis mo? Wala pa sina Dad. Nakapagpaalam ka na ba?” sunod-sunod na tanong ni Aviana rito.
Marahang humalakhak si Luciel sa kanyang narinig. Humalukipkip lamang naman si Aviana at tinaasan ng kilay ang tumatawa niyang kuya.
“Magpapaalam? What am I, Av? 12 years old? Hindi ko na kailangan ng permiso nina Dad kapag aalis ako ng bahay. Maybe I’m just going to send them a text message that I’m on vacation. After that, I’m going to turn off my phone so no one can contact me and disturb my precious vacation. Don’t you think it’s a good idea?” Umangat ang labi ni Luciel para sa isang ngisi bago bitbitin ang dalawang maletang dadalhin niya paalis.
Lumabas na ito ng kwarto nang habulin siya ni Aviana.
“Saan ka nga pupunta, Kuya? Dad and Mom will surely ask me. Kailangan alam ko ang isasagot ko!” giit ni Aviana.
Napabuntong hininga si Luciel at hinarap ang kapatid. “Far away from the noisy cities. Away from Manila. Bahala na, Av. Stop asking me.”
Yumuko si Luciel upang dungawin ang ngayon ay nakasimangot na mukha ng kanyang kapatid.
“Be a good girl while Kuya’s away, okay? Bye.” Hinalikan ni Luciel ang noo ng kapatid matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon bago tuluyang umalis at puntahan sa garahe ang kanyang sasakyan.
Pinaandar na ni Luciel ang kanyang kotse nang makita niya ang pagbukas ng gate. Suot ang mamahaling shades niya at ang matagumpay na ngiti sa kanyang labi ay umalis na siya ng bahay nila patungo sa malayong lugar kung saan siya nagdesisyon na magbakasyon.
Makalipas ang ilang oras na byahe ay nakarating na si Luciel sa dulong bahagi ng probinsya ng Batangas, ang Calatagan, Batangas.
Maraming makikitang magagandang beach resorts sa nasabing lugar. Naandito ang sikat na Stilt Resort kung saan maaari raw maihambing sa sikat na Maldives. Ganoon pa man, hindi ang mga resort na iyon ang ipinunta rito ni Luciel.
Lumiko sa isang mahabang daan ang kanyang sasakyan. Hindi sementado at malubak pa ang kalsada na nadaan ng kanyang sasakyan. Matataas ang mga puno ng niyog at marami kang makikitang iba pang klase ng puno at ilang alagang manok sa paligid ng daan papunta sa isang ekslusibong farm and resort.
Villa Benavides. Iyan ang pangalan ng isang prehistihiyosong farm and resort sa Calatagan, Batangas na pagmamay-ari lamang naman ng pamilya nina Luciel.
“Good morning, sir! How can I help you?” Bungad ng isang staff ng resort na nasa front desk nang lumapit si Luciel sa kanya. May nagbigay rin ng welcoming drink na tinaggap naman ni Luciel.
“Hi, I made a reservation…” sabi ni Luciel sa staff na naghihintay ng pagbanggit ng pangalan kung kaninong reservation ang para sa kanya. “I made a reservation under the name of Luciel Benavidez.”
Magtitipa pa lamang sa touchscreen monitor ang babae upang ilagay ang pangalan na ibinigay sa kanya ng binata nang mapagtanto niya kung sino ang kausap niya.
Nag-angat ng tingin ang babaeng staff na nanlalaki ang mga mata. Nagtanggal ng shades si Luciel upang mas makita siya nang maayos ng kausap.
“S-Sir Luciel Benavidez po? G-Good morning po, sir. Naandito na po pala kayo. Inaasahan po namin ang pagdating n’yo.” Biglang nataranta ang kausap niyang staff na marahan namang tinawanan ni Luciel. Bumaling ito sa kasamahan at may sinabi. Kaagad namang sinunod ng kasamahan na staff ang ipinag-utos ng babae. “Ipapatawag ko lamang po ang manager namin, sir. Naipaayos na rin po namin ang titirhan n’yo para sa pananatili ninyo rito.”
“No worries. I can wait—”
“Mr. Benavidez, naandito na po pala kayo! We’re so sorry, sir. Sana ay nabati namin kayo nang mas maayos.” Medyo natatarantang lumapit sa kanya ang isang babaeng siguro ay nasa mid 40’s ang edad. “My name is Gela Amoroso. I’m the resort manager po. Ako rin po ang nakausap n’yo sa telepono nang tumawag po kayo. Napaayos na po namin ang lahat ng kakailanganin ninyo.”
Nagtawag ang manager ng mga staff upang asikasuhin at dalhin na ang gamit ni Luciel sa kanyang tutuluyang silid.
“This way, sir.” Iginaya ng manager ang binata papunta sa inihanda nilang lugar na pananatilihan nito sa resort.
Habang papunta sa isang private house kung saan mananatili si Luciel ay ipinapakita at ipinagmamalaki naman ng manager ang mga facilities ng kanilang farm and resort. Si Luciel naman ay tumatango lamang. Napagtanto nito na maraming nagbago sa lugar simula nang huli siyang makapunta.
“Where’s the bar?”
Napatigil sa pagsasalita at maging sa paglalakad ang manager nang itanong iyon ni Luciel sa kanya. Nilingon niya ang binata bago ngumiti.
“We have different bars, sir. Mayroon po tayong bar sa lower ground ng hotel at may mga bars din po sa beachfront.
Bago sila lumiko kung nasaan ang private house ay tumigil silang muli upang ipagmalaki naman ng manager ang kagandahan ng dagat ng Calatagan.
“Ito po ang beach natin, sir. Unlike other resorts, hindi po ma-seaweed ang karagatang pinangangalagaan ng mga Benavidez. I’m sure you’ll enjoy your stay here.”
Luciel scoffed when he heard the remark of the manager. Hindi rin naman mapagkakaila na maganda talaga ang karagatan. Marami ang naroroon ngayon. May ilan na nagje-jet ski, nakasakay sa kayak boat, at nakakita rin siya ng mga turistang nakasakay sa isang bangka na mukhang papunta sa sandbar.
Nakarating na sila sa isang private house na nakalaan para kay Luciel. Nagtanong pa ang manager kung may iba pa bang kailangan ngayon si Luciel ngunit hindi sumagot ang binata.
“Ms. Gela…” Lumingon si Luciel sa manager nang matapos niyang obserbahan ang kanyang tutuluyang bahay. “Can you give me one hotel room?”
Napakurap ang manager, halatang nalilito at naguguluhan sa sinabi ni Luciel.
“Ayaw n’yo po ba rito, sir?” nagtatakang tanong nito.
Makahulugang ngumiti si Luciel bago umiling. “Just for fun. You don’t expect me to bring girls I am going to hook up in this house, right? I need one hotel room for that…for my enjoyment.”
Nagulat pa si Ms. Gela sa narinig niyang mga salita kay Luciel. Tumango ito bago pilit na ngumiti.
“Noted, sir. I will tell the hotel supervisor to give you a master’s keycard later. Para po kahit anong hotel rooms ay maaari ninyong magamit kung hindi ito gamit ng ibang guests.”
Luciel smiled in satisfaction. Nagpaalam na ang manager at ang ilan pang staff bago nila iwanan mag-isa si Luciel at hayaang makapagpahinga ito.
Nang sumapit ang gabi ay kaagad na hinanap ni Luciel ang mga bar na sinabi sa kanya ng manager kanina. Ang pinuntahan niya muna ay iyong nasa lower ground ng hotel.
Bumukas ang engrandeng double doors. Strobe lights and banging music immediately greeted Luciel. Hindi niya man inaasahan na kasing ingay at wild ng mga bars na pinupuntahan nilang magpipinsan ang bar dito pero hindi maipagkakaila na hindi naman ito ganoong nalalayo base lamang sa obserbasyon niya ngayon.
Naglakad papunta si Luciel sa bar counter at naupo sa isang high chair. Kinausap niya ang bartender at sinabi ang kanyang order dito.
“Whiskey on the rocks.”
Kaagad na ginawa ng bartender ang order na inumin ni Luciel habang ang mga mata ng binata’y gumagala sa mga nagsasayaw na babae sa dancefloor.
Kinuha niya ang baso ng whiskey nang maiabot iyon ng bartender sa kanya. Kaagad niyang naramdaman ang init ng lalamunan niya at ang pag-init ng tiyan niya ngunit dahil sanay na sanay na siya sa mga ganitong inumin ay para bang uminom lang siya ng tubig.
“Hi!” May isang babaeng lumapit at bumati sa kanya. The girl has a slender body and a creamy skin. Her eyes are doe and her lips are pouty. Pinasadahan siya ng tingin ni Luciel mula ulo hanggang paa at kumurba kaagad ang ngisi sa labi niya. “Are you alone?”
Hinaplos ng babae ang braso ni Luciel. Tumingin si Luciel doon bago ibalik ang paninitig sa babaeng nasa harapan niya ngayon.
“No, if you’re going to join me.”
Humalakhak ang babae at naupo sa tabi ni Luciel. They chat for a little while until Luciel brought her inside a vacant room. Doon nila ipanagpatuloy ang mainit na pag-uusap nilang dalawa.
Hindi na nagawa ni Luciel na ilagay sa holder ang keycard kaya’t hindi bumukas ang mga ilaw ng silid. Ipinagpatuloy lamang niya ang paghalik sa labi ng babaeng kausap niya lang kanina sa bar.
“Oh, gosh! You’re so hot,” bulong ng babae sa pagitan ng paghalik niya kay Luciel.
“Let’s do this quick, hmm?” Muling sinunggaban ni Luciel ng halik ang babae at mabilis na tinanggal ang saplot nito sa kamay bago ihiga sa kama ang dalaga at pumaibabaw rito.
Ipinosisyon ni Luciel ang kanyang sarili sa pagitan ng hita ng babae. Pinasadahan niya ng isang daliri ang hiwa ng kaselanan nito bago ilapat ang dulo ng kanya.
Nang maramdaman ng babae ang mabilisang pagpasok ni Luciel sa kanya ay kaagad kumawala ang isang malakas na ungol mula sa kanyang bibig. Napahawak ang babae sa bedsheet at ipinikit ang mga mata upang mas madama ang laki ng binata sa kanyang loob.
Sa sobrang pagkasabik ng dalawa sa isa’t isa ay hindi na nila napansin na hindi pala nila naisara nang mabuti ang pinto ng silid. Nakaawang ito at kahit sinong makakakita ay magtataka bakit ito nakabukas.
“Hmm, Chantria? May problema ba?”
May dalawang babae ang dumaan sa nasabing kwarto na iyon. Napansin kaagad ng isa na nagngangalang Chantria ang nakaawang na pinto.
“Nakabukas iyong pinto. I-check ko lang kung walang guest at kung wala nama’y lilinisin ko,” sabi ni Chantria sabay turo sa isang hotel room.
Napatingin doon ang kasama niya at nagkibit balikat na lamang ito.
“Sige, magpapahinga na ako. Pagod na pagod na ako ngayong araw. Grabeng internship naman kasi ito!” Nagtaas pa ng kamay ang kasamang babae ni Chantria upang mag-inat matapos ay umalis na rin kaagad at iniwan ang kaibigan sa tapat ng silid.
Hinawakan ni Chantria ang pihitan ng pinto at marahang nilakihan ang awang nito. Pagpasok niya pa lamang ay may narinig na kaagad siyang halinghing. Kinilabutan siya pero kaagad niyang kinalma ang kanyang sarili.
“Kalma ka lang, Chantria. Walang multo rito. Iniisip mo lang iyan kaya kung ano-anong ingay ang naririnig mo.” Matapos niyang aluhin ang sarili ay nagpatuloy na siya sa paglalakad.
Madilim na paligid lamang ang nakikita niya, na kung hindi pa dahil sa liwanag ng buwan mula sa labas ay wala na talaga siyang makikita.
“Ahh! Deeper, please! I want it deep inside me!”
Nabitawan ni Chantria ang kanyang hawak na panlinis at nakagawa ito ng hindi kalakasang ingay nang may makita siyang dalawang anino sa may kama na may makamundong ginagawa. Napatakip siya sa kanyang bibig at nanlalaki ang kanyang mga mata sa gulat.
Narinig ni Luciel ang ingay na ginawa ng pagkakabagsak ng gamit sa sahig. Kaagad siyang tumingin dito at nakita ang isang babae na nakatingin sa kanila. Imbis na magmadaling magbihis at itigil ang ginagawa ay tila ba lalo pang pinaghusayan ni Luciel ang kanyang ginagawa habang nakatingin kay Chantria.
Kitang-kita ni Chantria kung paanong paulit-ulit na itinutulak ng lalaki ang katawan niya sa babaeng nakahiga sa kama. Parehong walang saplot ang mga ito.
Napalagok si Chantria sa kanyang laway nang magtama ang paningin nilang dalawa ni Luciel. Abot-abot ang tahip ng kanyang puso habang malakas na sumigaw ang babae nang marating nito ang rurok ng kaligayahang ipinatamasa ng binata sa kanya. Doon lamang nagkaroon ng lakas ng loob si Chantria na gumalaw at kaagad na tumakbo papalabas.