DESPITE my lack of sleep, maaga pa rin akong nagising. Para akong zombie nang bumangon ako mula sa pagkakahiga. Ang sakit ng aking ulo at mabigat din ang aking mga mata. Biyernes ngayon at naalala kong nag-off ako dahil akala ko, magse-celebrate kami ni Luciel ng birthday niya. Ngayon, wala akong ganang magpakita sa kanya. Sure, we need to talk about it. Ngunit sa ngayon, gusto ko munang libangin ang sarili ko nang mag-isa. Walang dala-dalang problema sa relasyon namin o problema sa pamilya niya. Anong gagawin ko sa araw na ito? Nagpasiya na lamang akong umuwi ng Batangas para dalawin si Tita. Maaga akong umalis sa apartment at nagtungo agad sa terminal. Sa byahe ay kung hindi ako tulala, tulog naman ako. Pagkarating ko ng Batangas, doon lang ako nagpasiyang buksan ang cellphone ko at