BIRTHDAY na bukas ni Luciel at maaga akong nag-out para maghanda sa penthouse niya. Gusto kong salubungin namin ang kaarawan niya mamaya nang magkasama. Excited akong magpaalam na mag-undertime ako sa aking supervisor. Pinayagan niya naman ako. Dali-dali akong pumunta sa penthouse ni Luciel at inilagay roon ang kanyang password. Bumukas ang pinto at agad akong sinalubong nina Zeus at Hades. Dumiretso ako a kusina ni Luciel upang ihanda na ang cake. Mamaya pa ang uwi ni Luciel dahil sa trabaho. Mas okay na rin naman iyon dahil mas makakapaghanda ako para sa cake niya. Confident naman ako sa skills ko, ngunit kapag iniisip ko na para kay Luciel ang gagawin ay kinakabahan ako. Sana ay magustuhan niya ito. Napatingin ako kung nasaan ang regalo ko sa kanya. Ibinigay ko ang lahat-lahat para