KABANATA 12

3045 Words

PAGLABAS ko pa lamang ng dorm ay sinalubong ako ni Calvin. Naghihintay siya sa labas at nakahalukipkip. Bihis na rin siya at hindi kagaya kanina naka-board shorts lang. Mukha siyang bagong ligo. Nagsalubong ang aking kilay ngunit kinausap ko siya nang maayos. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya. “Malapit na ang pasukan, gusto ko lang itanong kung kailan ka mag-e-enroll?” Doon lamang ako sinampal ng reyalidad na malapit na rin pa lang matapos ang aking internship. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako roon o hindi. Kapag umalis na ako rito, ang nararamdaman ko para kay Luciel ay maaaring makalimutan ko rin. Isa pa, siguro naman ay hindi rin magtatagal ang lalaking iyon dito. Babalik siya sa Manila dahil naandoon naman talaga ang buhay niya. Ang alam ko ay nagbabakasyon lang nama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD