TULALA pa rin ako kaya huli na nang mapagtanto ko na wala na kami sa party at hinihila na ako si Luciel papalayo roon. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. Nagwala ang aking puso nang mapansing kanina pa magkadikit ang balat namin. Bumalik din sa akin ang alaala ng pagba-body shot niya sa akin kanina. Muli kong naramdamang ang init ng pisngi kaya’t hinaklit ko ang aking kamay at tumigil sa paglalakad. Pakiramdam ko ay masusunog ako kapag patuloy kong naramdaman ang init ng balat ni Luciel sa akin. Tumigil din sa paglalakad si Luciel. Kunot noo siyang humarap sa akin na siyang ipinagtaka ko. He looks so mad, that even in this dark alley of nowhere, I can sense the darkness of his expression. “May trabaho pa ako.” Sa rami ng gusto kong sabihin ay ito ang lumabas sa aking bibig. Tin