UMALIS si Luciel sa tabi ko matapos may tumawag sa kanyang cellphone. Kung saan siya nagpunta ay wala akong ideya. Panay ang pagpapakawala ko nang mabigat na hangin dahil sa magulong nararamdaman ko. Bakit nga ba ganito ako at parang napapraning sa tuwing naririyan ang lalaking iyon? Kaya kong umaktong normal, kahit na sa loob-loob ko ay nagwawala na ako sa matinding nararamdaman, but it’s kind of confusing. Mabilis sabihin na nahuhulog ako kay Luciel o gusto ko siya pero iyon nga ba ang nararamdaman ko o nadadala lamang ako sa mga gainawa niya sa akin nitong nakaraan? Nagka-crush na naman ako rati kaya alam ko ang pakiramdam na magkaroon ng crush, siguro nga, gusto ko si Luciel. Iniling ko ang ulo ko, what’s to like with that man? Ni hindi mo nga malaman kung ano bang intensyon niya.