KABANATA 5

3032 Words
ONE thing for sure. Ang kabaitan ni Luciel Benavidez ay nakadepende sa kanyang mood at hindi pang-araw-araw. Kung noong nakaraan ay pinupuri ko siya sa kanyang kabaitan nang yayain niya akong kumain at noong palayasin niya ang babaeng matapobre, ngayon ay gusto ko siyang talupan ng balat dahil sa pang-iistorbo niya sa trabaho ko. “You can clean the bathroom even though I’m here,” saad ng kumag. Paano ba naman. Sabi ko ay maglilinis ako ng bathroom niya tapos ngayon naandito na rin siya at sinabi na mag-shower daw siya. Pakiramdam ko nananadiya talaga ito, eh. “Mamaya na lang, sir. Pagkatapos ninyo na lang ako maglilinis dito—” “No, it’s really okay. You can clean while I shower.” At nakita ko ang pagngisi niya. Sa ngisi niya pa lamang, alam ko na agad na wala siyang magandang binabalak. Isipin mo nga, paano ako makakalinis dito kung naririto rin siya? Glass wall lamang ang haligi ng shower. Kung maligo siya, makikita ko ang kabuuan niya. Unless, kung iyon talaga ang gusto niyang mangyari. Namula ang aking pisngi nang maalala ko ang katawang hubad niya na nakita ko noong unang gabing makita ko siya sa loob ng isang hotel room. Ipinilig ko agad ang ulo ko para mawala iyon sa aking isipan. Kakatulala ko, hindi ko namalayan na naghuhubad na siya sa harapan ko at patungo sa shower. Nanlaki ang aking mga mata at agad na tumalikod sa kanya. “S-Sir, babalik na lamang ako mamaya rito.” Palakad na ako at paalis na nang banyo nang marinig ko ang malalim niyang paghalakhak. “Come on, stop acting like you haven’t seen my body. Nakita mo na ‘to.” Lalo lamang akong pinamulahan sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay lalagnatin ako sa mga sinasabi ng lalaking ito. Hindi na ako nagsalita at agad na lumabas. Hanggang sa paglabas ko ng banyo ay naririnig ko ang pagtawa niya. Tumigil pa ako sa labas ng banyo sandali para kalmahin ang sarili ko. Hinawakan ko ang aking dibdib at panay ang pagpapakawala ng hininga. Inabala ko na lamang ang sarili sa ibang bagay. Inayos ko ang mga kailangang ayusin sa loob ng silid niya. Bumukas ang pinto ng banyo at napatingin ako roon. There, Luciel Benavidez, standing proudly and flexing his perfect and masculine body, na akala mo ay ipinagkaloob sa kanya ng mga Greek gods. Tanging tuwalya lamang ang kumakapit sa kanyang baywang upang takpan ang ibabang bahagi ng kanyang katawan. May nakasakbit din sa leeg niya na isang maliit pang tuwalay na ipinangpunas niya sa kanyang buhok. “I’m done. You can clean it if you want. Sabi ko naman sa ‘yo puwede mo akong sabayan.” Para akong nagkaroon ng selective hearing, na ang tanging narinig ko lamang ay ang huling sinabi niya. Sabayan siya? Iba ata ang pumapasok sa isipan ko. Tumikhim na lamang ako and wear my usual expression. Kunwari wala akong pakealam sa kanya kahit alam ko na inaakit niya ako gamit ang katawan niya. Hindi ako maaakit diyan ‘no! Medyo matagal na rin akong nag-intern dito at dahil may beach dito sa Villa nila, madalas akong makakita ng hubad na katawan ng lalaki. Napalagok ako. Pero bakit iba ata epekto sa akin ng katawan ng lalaking ito? Dahil ba napanood ko siyang gawin…iyon? Naiisip at naaalala ko na naman iang gabing iyon. I need to bury it at the deepest part of my brain. Papasok na ako sa banyo nang may marinig akong kumatok sa labas. Nagpaalam ako sandali at pumunta roon. Mas maganda na nga sigurong may naging distractions ako dahil kung anu-ano na namang iniisip ko. Binuksan ko ang front door at nakita ko iyong isang receptionist. “Hi, Chantria! May naghahanap sa ‘yo sa lobby ng Villa. Kaibigan mo raw? Dinadalaw ka.” Kumunot ang noo ko. Sino namang dadalaw sa aking kaibigan? Isa pa, bakit ako dadalawin? Nasa kulungan ba ako? Ngumiti ako sa kanya at tumango. “Sige, pupunta rin ako agad. Sandali lang kamo. Sino raw pala?” “Calvin daw?” Hindi ko na kailangan pang itanong ang apelyido dahil mukhang kilala ko na nga. Calvin is my schoolmate. Nanliligaw sa akin kahit sabi ko ay ayoko. He still pursues mo, though. And tigas ng ulo. Kahit ano atang sabi ko sa kanya na ayokong magpaligaw ay hindi niya ako tatantanan. Naisip ko kung magpapaalam pa ba ako kay Sir Luciel, pero naalala ko rin na nagbibihis siya kaya’t huwag na lang. Isa pa, sandali lang naman ako. Hindi naman siguro magtatagal ang pag-uusap namin ni Calvin. Sumunod kaagad ako papunta sa lobby ng Villa. Nakita ko nga si Calvin doon at nakaupo sa isang couch. Hindi siya pinapapasok sa loob dahil hindi siya guest. Calvin is good-looking. Iyong tipong heartthrob sa mga university. May maganda ring pangangatawan dahil athletic. Varsity siya ng basketball sa school namin. “Calvin.” Lumapit ako sa kanya at binati siya. Maganda naman pakikitungo namin sa isa’t isa. Naiirita lang ako minsan sa kanya kapag binabanggit niya na iyong panliligaw niya. “Chantria!” Napatayo siya at agad na inayos ang kanyang damit. Isang hagod lang din sa kanyang buhok ay umayos ang mga iyon. Calvin is appealing. Ganunman ay hindi talaga ako attractive sa kanya. Siguro kasi, hindi siya iyong tipo ko. Sa ayos at porma niya kasi, mukha siyang easy-go-lucky na tao. I want something hard-working and…mature. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko. May dala siyang bulaklak kaya’t may kutob na ako. Gusto ko sanang umirap pero sa tingin ko ay hindi iyon tamang gawin. “Naisip ko kasi na dalawin ka. Ang tagal na kasi nating hindi nagkikita. Malapit nang matapos ang internship mo?” Ngumisi siya sa akin at iniabot iyong bulaklak na hawak niya. “Para nga pala sa ‘yo.” Gusto kong ngumiti sa kanya pero nauwi lamang iyon sa pagngiwi. “Thanks. Mahaba-haba pa rin internship ko. Ikaw? Wala kang ginagawa ngayong bakasyon mo?” “Tumutulong ako sa ilang negosyo nina Papa. Nagpunta kaming Manila at kakauwi lang namin. Ikaw agad ang naisip kong puntahan pagkauwi ko rito sa Batangas.” Nanatili ang pilit kong ngiti. Hindi ko alam kung ano pa bang dapat kong sabihin sa kanya. “Dadalasan ko ang pagdalaw rito.” Bahagyang tumaas ang aking noo sa sinabi niya. “Hindi mo na kailangang gawin iyon. Magkikita naman tayo sa pasukan—” “Gusto kong araw-araw kang nakikita. Kung hindi naman ako makakaabala sa ‘yo, pupuntahan kita rito.” Bumuntong-hininga ako. “Isa pa rin ba ito sa stunt mo ng panliligaw, Calvin? Hindi ba sinabi ko na sa ‘yo na hindi pa ako handa sa mga ganyang relasyon—” “Oo, kaya nga hindi kita pinipilit sagutin agad ako. Pwede mo naman akong sagutin kapag handa ka na.” Natulala ako sa sinabi niya. Paano kung wala talaga akong balak na sagutin siya? He’s a jerk and a flirt. Kalat iyon sa buong university namin. Ayoko sa mga ganoong lalaki, baka lokohin lang ako. Ang kagustuhan kong magprotesta sa sinabi niya ay nauwi sa isang lalim na pagbuntong-hininga. Ngumiti si Calvin sa akin. “Hindi ko na masyadong kukunin ang oras mo. Babalik na lang ako bukas para sumilay.” Nagpaalam siya at umalis na. Ni hindi niya na nga ako pinagbigyang makapagsalita pa. Alam niya siguro na aangal na naman ako sa gagawin niya. Still, hindi ko naman kontrolado ang kanyang mga binabalak gawin. Nagpakawala na lamang ako ng malalim na paghinga at naglakad na papaalis doon. Nakatungo ako at tinitingnan ang mga bulaklak. Simple lang ang arrangement nito pero maganda. Saan ko naman kaya ito ilalagay? Malalanta lamang ito sa dorm. Napatigil ako sa paglalakad ko nang sa hindi kalayuan ay nakita ko ang isang matangkad na lalaki. Ang kanyang kutis ay kumikislap kapag natatamaan ng sinag ng araw. Bahagyang kunot ang noo at halatang bagong ligo. Napasinghap ako. Malayo pa ako sa kanya pero para akong kinabahan nang makita siya. Anong ginagawa ni Sir Luciel dito? Pagagalitan niya ba ako dahil umalis ako nang hindi nagpapaalam sa kanya. Tinangka kong lagpasan lang siya. Kunwaring hindi natatakot sa presensya niya. Pabalik na ako sa private house niya nang magsalita ito. “May boyfriend ka pala?” Natigilan ako sa komento niya. Agad kong dinepensahan ang sarili. “Hindi ko iyon boyfriend!” Nakita niya ba na kausap ko si Calvin o nag-assume lang siyang may boyfriend ako dahil sa mga bulaklak? “Hmm…” he said, parang hindi naniniwala. Nilingon ko siya at nakita ko ang biglaang paglapit niya sa akin. Napatayo ako nang tuwid. “Mabuti na iyong malinaw.” At nilagpasan niya ako. I didn’t get that. Anong malinaw? Malinaw na ano? Ang labo niya nga sa parteng iyon. Malinaw na wala akong boyfriend? Bakit naman? Ano ba sa kanya iyon? Isinantabi ko na ang mga kaisipang gumugulo sa akin. Baka pinagti-trip-an na naman niya ako. Dapat talaga ay masanay na ako sa ugali niya. Hindi ko na nakita si Sir Luciel ulit. Inisip ko noong una na baka nasa beach lamang iyon o nambababae na naman. Babaero rin ang lalaking iyon, eh. Kahit sasandaling panahon ko pa lamang siya nakikilala ay alam ko na babaero siya. Ni hindi nga niya ata girlfriend iyong katalik niya noong mahuli ko sila isang beses. Dahil wala na naman akong gagawin sa private house at wala rin si Sir Luciel, naisipan ko na bumisita sa restaurant kung saan dapat ako nag-i-intern. “Aba, may bisita!” natatawang saad ni Fatima nang makita ako. Agad akong pinagkaguluhan ng ibang intern na nakilala na rin namin dito sa Villa upang makiusisa siguro tungkol kay Sir Luciel. “Kumusta kay Sir Luciel? Anong mga pinapagawa sa ‘yo?” tanong nila sa akin. Mukhang hindi sila abala. Siguro ay break time nila kaya’t may oras silang maki-chismis. “Ano…naglilinis ng mga kalat niya—” “Anong klaseng kalat? Marami sigurong tisyu sa loob ng kwarto ni Sir Luciel, ‘no?!” Bumungisngis ang isa. Pabiro siyang hinampas ng kaibigan at pareho silang tumawa na para bang may kahulugan iyong sinabi ng nauna. Hindi ko gets. Ano raw? “Anyway, magaan lang naman mga trabaho ko roon. Madalas kasi wala si Sir Luciel,” sagot ko at sinuklay ang buhok gamit ang aking mga daliri. “Oh? Bakit? Saan ba madalas pumupunta si Sir Luciel?” tanong sa akin ng isa pa. “Hindi ko alam, eh. Siguro sa beach or sa pool side. Puwede ring sa bar.” Naghahanap ng babae or flavor of the day niya. Gusto ko sanang idagdag pero huwag na lang. Isipin pa nila ay sinisiraan ko ang lalaking iyon. “Mabait ba si Sir? Sana ako na lang naatasan doon. Pagsisilbihan ko siya nang buong-buo!” Nagtilian sila sa mga ideya sigurong pumapasok sa mga isipan nila. Hinila ako ni Fatima para ilayo sa mga babaeng kinikilig dahil lamang kay Sir Luciel. “Sigurado ka bang okay ka lang doon? Hindi ka naman binu-bully ni Sir Luciel? Ako, inaasar kita madalas pero nag-aalala rin ako sa ‘yo. Baka may mga bagay na hindi ka sinasabi sa akin.” Nagkikita naman kami ni Fatima sa dorm, ngunit dahil na rin siguro sa parehong pagod ay wala nang oras na magkuwentuhan pa. “Okay naman ako. Hindi naman niya ako binu-bully.” Though, there are times na nakakainis ang mga hirit niya. Parang nakahinga roon nang maluwag si Fatima. “Buti naman. Akala ko kagaya noong tinalapid ka ay kung ano na namang ginagawa ni Sir. Mabait naman siguro.” Ipinagkibit-balikat ko ang mabait na sinabi niya. Hindi ko alam kung mabait ba iyon. Ang hirap basahin ng lalaking ‘yon, eh. “Nga pala, pumunta rito si Calvin kanina.” Naupo muna kami sa isang gilid. Break time nga nila kaya may oras kaming magkuwentuhan. Tiningnan ako ni Fatima. Noong una ay titig lamang iyon hanggang sa tumagal ay nauwi sa pagtawa. Pabiro niya akong hinampas sa braso. “Bakit daw? Hanggang dito ba naman ay naamoy ka niya. Ang lakas talaga ng tama no’n sa ‘yo! Ilang beses mo nang binasted ay naghahabol pa rin.” Huminga ako nang malalim. “Oo nga, eh. Dumalaw lang daw. Hindi ko na nga alam paano ko siya iba-basted sa susunod. Parang kahit anong sabihin ko ay ipagpipilitan niyang manliligaw siya. Hindi ko naman matarayan dahil wala namang ginagawang masama iyong tao.” “Kung sabagay. May ibinigay na naman ba sa ‘yo? Madalas kasi ay pinapaulanan ka no’n ng mga materyal na bagay, eh.” Humalukipkip si Fatima. “Oo, bulaklak. Inilagay ko na lang muna sa dorm kanina.” Malalim ulit ang paghugot ko ng hininga. “Dadalaw raw ulit siya.” Tumawa na naman si Fatima. Napapailing na lang siya sa mga sinasabi ko tungkol kay Calvin. “Ganda mo, ‘te! Biruin mo iyon, ang daming humihiling na sana ay maging girlfriend ng varsity player na si Calvin tapos sa ‘yo patay na patay. Kaya ang daming gustong sumabunot sa haba ng buhok mo sa school, eh!” Muli siyang tumawa. “Hindi ko naman type.” Umirap ako sa hangin. Panay lamang ang pang-aasar ni Fatima sa akin nang biglang tumigil siya at mapatitig sa may likod ko. May kung ano sa ekspresyon niya na hindi ko nagustuhan. “Oo, kasi nga, you’re driven to those people na hard-working, may pangarap sa buhay, at successful, hindi ba?” Ngumisi siya sa akin. “Parang iyang lalaking papalapit sa atin.” Kumunot ang noo ko sa kanyang pahayag. Nilingon ko ang tinutukoy niya at nakita ko si Sir Luciel. Agad akong napatayo dahil pakiramdam ko ay may ipapatrabaho siya sa akin. Kapansin-pansin agad siya sa buong lugar. Na maging ang mga nasa malayo ay napatigil sa kanilang ginagawa at tumingin sa gawi niya. “Sir Luciel, may kailangan po kayo?” Naunahan na ako ni Fatima na magsalita. Tiningnan ako ni Sir Luciel bago sumagot sa kaibigan ko. “I’ll eat.” Kahit na si Fatima ang kausap niya, ang titig niya ay nanatili at pumirmi sa akin. Napalagok ako. Why is he staring at me intensely? May nagawa ba akong mali? “Right away, Sir!” Agad nilang ipinahanda ang table kung saan madalas pumupwesto si Sir Luciel. Ngumisi lamang ito bago mag-iwas ng tingin at maglakad papunta sa table niya. What was that? Bigla-bigla na lang siyang ngumingisi! Ang araw na iyon ay lumipas na parang normal lang naman ang lahat. Ang kaibahan lang, hindi ko ata nakitang nagdala ng babae si Sir Luciel sa kanyang private house. None of my business. Baka pagod na siya kakabayo niya. Ang pagdalaw sa akin ni Calvin ay naging araw-araw na. Minsan sinasabi ko sa kanya na huwag niya na iyong gawin at hindi naman niya ako obligasyon. Kaya lang sa huli, sasabihin niya na nanliligaw siya, and it will always turn me off. Paano ko ba patitigilin ang lalaking ito? Malapit na ako sa punto ng pasensya ko na mapupundi na talaga ako. “Hindi nga ako nagpapaligaw,” sabi ko isang araw sa kanya. Gusto kong sabihin na nakakaabala na siya ngunit baka masyadong masakit ang mga salitang iyon. Words are very powerful. You can change someone’s life sa mga salitang maaari mong bitawan sa kanila. Kaya hangga’t maaari ay pinipigilan ko ang sariling magsalita ng hindi magaganda sa kapwa. Well, depende pa rin naman. “Alam kong hindi ka pa lamang handa. Maghihintay naman ako.” Kung sabihin ko kayang hindi ko siya gusto? Kaya lang nasabi ko na iyon dati, hindi niya naman tinanggap. Gwapong-gwapo rin kasi siya sa sarili kaya’t hindi ata makatanggap na may taong hindi siya magugustuhan. Nagpatuloy pa nga ang ganoon. Minsan umiiwas na talaga ako. Sinasabi ko na lamang sa lobby na wala ako o abala para umuwi na si Calvin. But that wasn’t enough to make him stop. Hanggang isang araw, napuno na talaga ako. I’ll use any means para tantanan niya ako. Nagkakaroon na rin kasi ng isyu sa iba. Kumakalat na may boyfriend daw akong laging dumadalaw sa akin. Mamaya makarating pa iyon sa supervisor ko ay sabihing lumalandi ako habang may shift. “Calvin, may boyfriend ako.” Sa tingin ko talaga ay ito lang ang makakapagpatigil sa kanya. Natigilan siya sa aking sinabi. There! Mukhang matatapos na rin ang kahibangan niya sa akin. “You’re joking, right?” Malakas na tumawa si Calvin. Naagaw na nga namin ang atensyon ng ibang tao sa paligid. “Hindi! Totoong may boyfriend ako. Iyon ang dahilan bakit hindi kita puwedeng sagutin, Calvin—” “Sinasabi mo lang iyan para patigilin ako. I told you, I won’t stop pursuing you. Mahuhulog ka rin sa akin, Chan.” Umiiling-iling pa siya na para bang kasinungaling lamang ang sinabi ko. Bumusangot ang mukha ko. “May boyfriend nga ako,” I said with finality. Kahit wala, ipu-push ko ito hanggang sa maniwala siya. “Mabigat siyang nagpakawala ng hininga. “Saan mo nakilala kung ganoon?” Mabilis akong nag-isip. “Dito ko siya na-meet.” Mas safe kung sa wala siyang kakilala para wala siyang mapagtanungan. “I want to meet him.” Nagdilim ang eskpresyon niya. Na para bang hindi siya natutuwa sa mga pinagsasabi ko. Kinabahan ako ngunit alam ko, ito lang din iyong way para tumigil siya. Kinagat-kagat ko ang labi ko. “I’ll wait here, Chan. Ipakilala mo sa akin ang boyfriend mo kung mayroon nga.” Naupo siya sa isang sofa at tiningnan ako. Huminga ako nang malalim at ipinikit ang mga mata. Bahala na nga. Paalis na sana ako roon para manghablot ng kung sino nang may marinig ako mula sa likod. “Chantria, what are you doing here?” I know, he’s not the perfect choice for this. Mayayari ako mamaya o sandamakmak na pang-aasar mula sa kanya ang matatanggap ko, but whatever. Walang pasabi kong hinila ang kamay nito at iniharap kay Calvin. Kita ko ang pagkunot ng noo ni Calvin. “This is Luciel, my boyfriend.” At that moment, alam kong pinasok ko ang isang sitwasyong hindi ko dapat pinasok pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD