CHAPTER 12 TULOG na tulog si Yza sa single bed na nakadikit sa gilid ng pader. Yakap niya ang isang pirasong unan at nakabaluktot dahil sa ginaw ng air con kanina pero ngayon ay mainit na ang pakiramdam niya at may kung anong nakabalot na sa katawan niyang nanginginig na kanina; pero dahil sa tamad siyang bumangon ay niyakap na lang niya ang unan. Pero bakit ngayon ay may kumot na siya at nararamdaman niya ‘yon? Sinong nagkumot sa kanya? She has to wake up early because today's her defense. Nang maalala niya iyon ay kaagad siyang napabalikwas ng bangon. Napapikit siya ulit dahil sa lakas ng ilaw na galing sa kisame pero nagmulat ulit dahil parang may nakita siyang bulto ng lalaki na nakaupo sa solohang sofa at nakaharap sa kanya. Rapist! Bulalas ng utak niya sabay mulat ng mata na may