PROLOGUE
PROLOGUE
MAG-ALAS diyes na ng gabi ay lumabas pa si Yza sa balkon ng boarding house na inuupahan niya. Ipinatong niya ang mga braso sa railings na kahoy habang inililipad ng hangin ang mabaha at itim na itim niyang buhok. Pinagmamasdan niya ang paligid kasi hindi s’ya dalawin ng antok kaya mas pinili niyang maglagi na muna sa labas para mahipan ng hangin.
Nilingon niya ang kaibigan na si Tiffany na mahimbing ng natutulog. Mabuti pa ito at kuntento, samantalang siya ay iisang taon na lang ang natitira sa pag-aaral ay hirap pa siya sa buhay. May mga pagkakataon na naiisip niya na kung sana naging mayaman lang s’ya, hindi sana ganoon ang buhay niya.
Lahat na lang nga ay tinatanggap niyang trabaho para lang makatulong sa Lola niya para sa pag - aaral niya. Wala na kasi s’yang mga magulang kaya ang lola na lang niya ang kaisa-isang pamilya sa mundo na natitira na may edad na rin naman.
Gusto ni Yza na maging Accountant pero kung bakit naman isang taon na lang ay pakiramdam niya na mas lalo pang lumalayo ang pangarap niyang iyon sa kanya dahil sa hirap.
Napadako ang tingin niya sa isang malaking apartment sa tapat ng apartment na inuupahan nila. Kabaliktaran iyon ng tinitirhan niya, may kahunaan na ang apartment na gawa sa kahoy pero ang nasa tapat ay gawa sa semento at ang laki-laki. Mayayaman yata ang umuupa roon at halata naman dahil mga de kotse ang mga nakatira.
Napatigil s’ya sa pag-iisip nang may tila mapansin s’yang tao sa isa sa mga unit doon.
Napansin niya ang isang lalaki na nakatayo sa isang terrace kaya napatayo siya nang tuwid nang makita niya itong nakatayo sa gitna ng kadiliman, at ang tanging nakikita lang niya na malinaw ay ang sindi ng sigarilyong hinihithit nito. Sa una ay ‘di niya napansin na may tao dahil ang kwarto lang ng lalaki ay napakadilim na para bang nagtitipid sa kuryente.
Wala ba s’yang pera? Naitanong ni Yza sa sarili niya pero bigla niyang nayakap ang sarili nang tila maramdaman niya na sa kanya ito nakatingin.
Sa akin nga ba?
Bigla s’yang binalot ng takot at kinilabutan dahil panay ang hithit nito ng sigarilyo saka ibubuga iyon, at usok ang naaaninag niya na sumasama sa hangin.
Ramdam ng dalaga ang titig ng estranghero dahil magkatapat na magkatapat sila, hanggang sa kumilos ang lalaki sa gitna ng dilim palapit sa railing ng terrace kung kaya tinamaan ito ng sinag ng buwan.
Nakita niya ang mga mata nitong nakatunghay sa kanya na wari bang inaaral s’ya nang husto.
Nahigit ni Yza ang paghinga.
Jusko! Si dracula yata s’ya.
Kaaagad s’yang napapihit at saka nagmamadaling pumasok sa loob. Nilingon pa niya ang lalaki kahit biglang gumuhit ang kaba sa dibdib niya at tumambol ang puso na parang may parada pero ganoon pa rin, hindi matikal ang mga maiitim na mata ng lalaki sa pagkakatitig sa kanya. Hindi niya halos mas’yadong maaninag ang mukha ng estrangherong pakiramdam niya ay nakakatakot na tao.
Kinilabutan s’ya sa lalaki.
Who is he?
Si Dracula nga ba? Tulad sa mga horror movies sa TV?
Nasalat niya ang leeg at lumunok. Baka mamaya ay magkapangil s’ya at kagatin ako...