CHAPTER 6
NAPAITLAG si Yza at napatili pa nang may nabasag na kung ano sa labas ng walk-in closet sa kwarto ni Adamson. Tumambol nang husto ang puso niya dahil sa kaba. Nanginginig ang mga kamay niya lalo pa nang may sumunod pang isang malakas na tunog na parang inihampas na kung ano sa pader.
Takot man ay lumabas siya at pilit na tiningnan ang nangyayari. Yakap niya ang mga polo shirt ni Adam nang patakbong lumabas mula roon.
Juskopo!
Gimbal na natutop niya ang bibig nang makita niya na nakabalikwas ang center table at basag iyon. Kitang-kita niya kung gaano ang pagkadilim ng mukha ng amo niya habang hawak ang isang silya at balak yatang ihampas sa pader.
Kanina lang ay narinig niya itong may kausap sa celphone nito at parang may iniuutos na kung ano, pero bakit ngayon ay nagwawala na?
May kagalit ba ito?
“Ayy!” tili niya sabay pikit nang mariin na ihampas nga nito ang silya sa pader at nagkahiwa-hiwalay iyon.
His dim piercing eyes gazed at her, at sapat iyon na dahilan para pati mga tuhod niya ay manginig din sa takot. Naninigas ang mga panga nito na habang nakatigin sa kanya kaya sa takot niya na baka s’ya ang mapagbalingan ng galit nito ay napaiyak s’ya sa kanyang kinatatayuan.
“Bulshit!” mura nito sabay balikwas sa solohang sofa kaya napatakbo siya papunta sa pintuan habang nagwawala pa rin ito.
Parang wala itong nakikitang iba o nakikilala. Para itong gwapong anghel na sinaniban ng pitong demonyo.
“Lola!” sigaw niya habang bumababa sa hagdan. Nagmamadali siyang tumakbo papunta sa maid's quarter habang umiiyak. Ngayon lang siya nakakita ng isang lalaki na nagwawala at ganoon pa ang tabas ng mukha. Parang kakain ng tao na buhay.
Natutop na lang niya ang bibig nang makita niya ang lola niya na natutulog na. Pinilit niyang huwag mapalakas ang iyak dahil baka magising pa ito.
Ilang sandali na ang lumipas nang mapatikal si Yza sa pagkakasandal sa pintuan nang may kumatok doon.
“Yza, buksan mo ito! Anong nangyari? Bakit nagwawala si Señorito?” boses ‘yon ng ate Cora niya sa labas ng maid's quarter na parang natataranta.
Binuksan niya kaagad ang pinto at sinalubong ang mga iyon.
Bakas sa mukha ng tatlong katulong ang takot. Ang isa ay tutop ang mukha, ang isa ay paulit-ulit ng himasin ang sariling braso, at ang isa ay nakayakap sa kapwa kasambahay.
“E-Ewan ko. B-Basta na lang nagkaganoon. Tumakbo ako kasi ang sama ng t-ingin niya sa akin.” nahihintakutan pa rin na sabi niya.
“Baka may sinabi ka na hindi niya gusto.” sabi ng ate Perla niya.
“Wala!” bulalas niya na halos ikapiyok pa. “Ni hindi ko nga s’ya kinakausap. N-Narinig ko may kausap siya sa phone niya tapos p-pagkatapos ay nagwala na siya.” sabi pa niya.
“Balikan mo na tutal ikaw naman ang kasama roon. Kapag inawat ‘yon ng mga tauhan niya, baka may mabaril pa siya. Bilisan mo na Yza. Si Lola lang ang nakakapakalma kay Señorito pero paano kung ‘di makabangon si Lola? Subukan mo na Yza bago tayo lahat sumabog dito.” napapadyak-padyak pa ang ate Isay niya.
Sunud-sunod ang naging pag-iling niya hanggang sa biglang makarinig na nga siya ng putok ng baril.
Nagkatinginan silang lahat at sabay-sabay na napaiyak. Wala sa isip na napatakbo siya papasok ulit sa kabahayan. Nagmamadali siyang tumakbo sa hagdan papunta sa kwarto ng amo niya.
Naabutan n’ya ang mga tauhan nito na nagtutulakan kung sino ang aawat pero walang malakas ang loob na magtangka.
Walang paalam na marahas niyang itinulak ang pinto at nakita niyang hawak ni Adam ang baril na nakatutok sa lampshade.
“Tama na p—” at sa pagkagimbal niya ay baril ang sumalubong sa mukha niya, bukod pa sa nagbabagang mga mata ni Adamson nang lumingon ito sa gawi niya.
His 45 caliber pistol was pointed at her face.
Suskopo...
Tikom ang bibig na napahikbi siya kasabay ng pagpikit nang mariin ng kanyang mga mata. Akala yata nito ay tauhan siya nito.
“S-Señorito—” mahinang sambit niya sabay hikbi habang magkasiklop ang mga kamay niya sa ilalim ng kanyang baba. She's terribly shaking.
Kaagad na naibaba ni Adam ang baril at makailang beses na kumurap habang nakatingin sa mukha niya. Bitbit pa rin niya ang mga polo shirt nito at hawak-hawak nang mahigpit.
Hindi niya maitatago ang nanginginig niyang katawan dahil sa parang tigreng hitsura nito na anumang oras ay sasakmal ng biktima.
He's pressing his own lips hardly as he breathes heavily and deep. Kitang-kita sa mukha nito ang galit at baka kapag kumilos pa ito ay panawan na siya ng ulirat.
“Yza,” usal nito sa pangalan niya kaya napaangat siya ng mukha.
Bigla nitong isinalya ang baril kaya nahabol niya ‘yon ng tingin kahit na ba ang labo ng mga mata niya dahil sa mga luhang nakakumpol doon, pero sa pagkagulat niya ay bigla nitong hinawakan ang magkabilang parte ng mukha n’ya at walang babalang hinalikan siya sa labi.
Nanlaki ang mga mata niya sa sobrang gulat at hindi siya nakakilos sa kinatatayuan lalo na nang marahas nitong igalaw ang mga labi at halos lamunin na siya sa rahas ng paghalik nito sa kanya. Her fear melts easily. Napalitan iyon ng pagkatuliro at pagtataka.
But why can't she protest? Dahil sa takot siya. Takot ba o dahil kahit para itong dyablo kung magalit ay parang may paghanga siya rito talaga? ‘yon ba?
She griped the clothes in her hands.
Mula sa pagkakahawak sa mukha niya ay bumaba ang mga kamay nito sa may likuran niya at idiniin siya nito sa sariling katawan na halos ikadurog na n’ya, kaya napatingkayad pa siya dahil ang tangkad nitong ‘di hamak sa kanya at dahil ang kabig nito ay paitaas na parang gusto na magpantay sila.
She felt her own lips became so numb, but she didn't make a move. Adam is trying to calm himself, and she can feel it. Kahit masakit ang labi niya dahil sa diin ng halik nito ay wala siyang magawa. Hindi pa n’ya gustong mamatay at mas mabuti na yata ang halikan siya nito kesa sa baril ang isalubong nito sa mukha niya.
“Se—” she tried to speak when he had let go of her lips, but she was halted when he abruptly kissed her again.
Iniangat siya nito sa sahig at isinandal sa pintuan kaya sumara na lang iyon ng kusa.
Jusko bakit po ako?
Tanong niya sa sarili habang walang tigil ito sa paghalik sa kanya. Para siyang tuod na katawan ng papaya sa pagkakasandal sa dahon ng pintuan at hinihintay na matapos ito pero mukhang wala itong balak. He's alternately sucking her upper ang lower lip at kinakagat nang mariin.
Hanggang sa biglang may maramdaman siyang tumigas sa may harapan niya.
Lola ko! ‘yong ahas niya, nabuhay ba?!
She made a growling sound to stop him, but gasped in the end when he pressed himself more against her body.
Ang kamay nito ay pumasok na sa laylayan ng suot niyang blouse at pinisil ang mga baywang niya kaya halos mapunit na niya ang mga damit sa sobrang higpit ng pagkakakapit n’ya.
He's fast and too aggressive.
Tumigil ito at akala niya ay aalis na ito sa harapan niya pero hinawakan nito ang panga niya saka iniangat ng kaunti ang kanyang mukha, kaya napaawang ang bibig niya.
“Ah!” mahinang daing niya kahit hindi naman maskit dahil madiin ang pagkakahawak nito sa mukha niya, gamit lang ang isang kamay.
Kita niyang tumaas ang isang sulok ng labi nito tanda ng pagngiti. Matalim pa rin ang mga mata pero iba na, hindi na tulad kanina na puno ng galit. Ngayon parang nagpapakita ito ng pagkapanalo sa di niya malamang bagay.
Mabilis nitong isinalubong ang bibig sa bibig niya at dinilaan ang kabuuan niyon.
Susmiyo! Napapikit siya nang biglang rumagasa ang kakaibang pakiramdam sa buong sistema niya. Her knees trembled even more and her heart beats even louder and faster. He's her first kiss, at hindi niya akalain na kahit parang masakit, ay bakit hindi siya makatutol lalo na ngayon na iba na ang tema ng paghalik nito?
His tongue tasted every corner of her innocent lips as well as the deepest part of her mouth and gently nibbling her lips, too.
He even groaned softly as he keeps on tasting her.
If that is the proper way how to kiss, he then is an expert one.
“S-Señorito A-dam,” napasinghap siya nang bitiwan nito ang panga niya at ibinaba ang kamay sa isa niyang dibdib.
Inay! Nakagat niya ang labi nang magsimulang pisil-pisilin nito iyon at ang labi nito ay nasa may panga na niya. He's trailing wet kisses on her jawline down to her neck.
Yza could hear Adam's hard breathing and panting until he stopped on her shoulders. She felt a harsh bite on her skin, making her winced in pain at the same time unfamiliar pleasure. Sinarili niya ang pagdaing at pinilit na huwag kumawala ang isang ungol sa bibig niya.
Ang brutal mo!
Wala siyang imik habang kagat nito ang balikat niya at ang isang kamay ay marahan pa rin na humahaplos sa dibdib niya, na kahit na may damit siya at bra ay parang wala rin. She can still feel his warm soft hand kneading her mound in the gentlest way, taking away her innocence.
Si DJ... Usal niya sa isip kaya napamulat siya at saka marahan n’ya itong itinulak. Huwag lang sana itong magwala na naman at hindi na niya alam kung anong magagawa pa niya.
Adam was halted for a while. Tumigil ito sa ginagawa at tiningnan ang mukha niya. She stared straight right into his eyes as she calmed herself.
Nagkatitigan pa sila ng ilang segundo bago siya nagbawi ng paningin at yumuko, biting her swollen and numb lips.
Parang masama na naman ang tabas ng mukha nito dahil sa ginawa niyang pagpigil dito.
“Sorry.” sabi lang nito pero parang galit pa saka ito walang imik na tumalikod at umalis sa harap niya habang sabunot ang sariling buhok.
Sorry? Sa paghalik at paghaplos? Bigla siyang nakaramdam ng hiya. Anong tanga n’yang hindi siya tumutol?
Hinabol ni Yza ng tingin si Adam maglakad ito papunta sa walk in closet pero maya-maya ay lumabas din may bitbit na pera at dinampot din ang pera pa sa ibabaw ng mesa na sweldo ng lola niya.
He walked like a god towards her. Siya naman ay parang napipi na sa kinatatayuan niya. Napipi na, naparalyze pa.
Titig na titig ito sa mukha niya habang magkasalubong nang kaunti ang mga kilay. He handed all his polo shirts which she's holding so tight. Then, he placed all the money in her palms. Alam niyang sobra iyon pero bakit ganoon? Sa mga babaeng nakita niya na nakasama nito ay lagi na lang yata nitong binibigyan ng pera bilang kabayaran. Ganoon din ba ang tingin nito sa kanya, bayaran?
Bumangon ang inis niya dahil para siyang naiinsulto sa ginagawa nito. And the fact that he calmed because of her, nagkalakas siya ng loob na magsalita dahil kaya pala niya itong patahimikin.
Binawasan n’ya ang pera na nasa mga kamay niya, hoping it's the right amount to give back to him.
“Hindi po a-ko nagpapabayad sa f-first k-kiss ko, Señorito. Kung hindi niyo po nagustuhan, at least naman po ay kumalma kayo.” saka niya marahang inilapat sa palad ni Adam ang pera.
She walked towards the bedside table to get her cellphone, leaving him doomed and unable to speak.
Hiwa-hiwalay pa rin ang aparato niya pero kumpleto naman at malamang ay aandar pa rin siguro—sana.
She blinked back her tears and swallowed them, too. Ganoon ba ang tingin nito sa mga babae talaga? Bayaran at pwedeng ikama basta may bayad na pera? Pati pala mga halik at yakap nito ay bayad din? ‘yon ang narinig niya kasing sabi nito sa babaeng katalik kaninang hapon.
You bitches are just my bed warmers.
‘Yon ang eksaktong salitang narinig niya kanina galing sa bibig nito kaya malinaw na binayaran din nito ang ginawang paghalik sa kanya at paghaplos sa katawan niya.
Walang imik na naglakad siya na nakatungo papalabas ng kwarto nito. Dinaanan lang niya ito pero hindi tiningnan, at narinig pa niyang nagsalita ng mahina ang binata.
“Yza,” he muttered softly but pretended she didn't hear it.
Tuluy-tuloy siya dahil ang sama ng loob niya.
Grabeng insulto naman. Mukha ba siyang nagpapabayad?
Nang nasa may dulo na siya ay lumingon siya ulit at nakatayo ito sa labas ng kwarto sa tapat ng pintuan. Para itong isang hari na nakapameywang habang hinahabol siya ng tingin. Their eyes met and she couldn’t hide her tears.
His eyes were really dark. Hindi niya alam kung anong nakaguhit sa mga mata nito dahil sa tingin n’ya ay ito na yata ang pinakamalihim na tao sa lahat ng nakilala niya. And how funny na ito ang nakakuha ng unang halik at unang haplos niya, samantalang ‘di naman sila talaga magkakilala.
Baka kaya ang isip nito ay bayaran s’ya dahil hindi s’ya tumutol.
Makakatutol ba siya kung naipit na siya ng sitwasyon kanina? At nadiskubre niya na totoong may paghanga siya sa pisikal na kaanyuan ng amo niya, not to think that he's really brute and murderous inside...