DICKSON SERIES 50 BANGAYAN

2089 Words

Loren's POV PAGKATAPOS NG ILANG ARAW, ngayon ko na lang ulit nakita si Mr. Dee. Hindi siya nagpaalam sakin kinaumagahan ng umalis siya. Tapos ngayon, makikita ko siyang nakatayo sa aking harapan na tila ba walang tulog ng ilang araw sa lalim ng kaniyang mga mata. Binalingan ko ang aking cellphone. Naririnig ko pa rin ang pagsasalita ni Haden sa kabilang linya. Sasagutin ko na sana ito ng muling sambitin ni Mr. Dee ang aking pangalan. "Loren..." Halos mabitawan ko ang aking phone ng balingan ko ito ay halos matumba na habang papalapit sakin. Dali-dali ko naman itong sinalo. Ang bigat niya kaya medyo nawalan ako ng balance. Nabawi ko rin naman kaagad. Naamoy ko kaagad ang amoy alak niyang hininga. "L-lasing ka?" tanong ko sa kaniya habang nakasubsob ang kaniyang mukha sa aking balikat.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD