Third Person's POV Napatayo ang Gobernador. Halatang nahihilo pa rin ito dahil muntikan na matumba. Sinalo naman kaagad ito ni Carde. "Tandaan mo ang sinabi ko, Gobernador Dickson." Tinuro ni Mikael si Haden. "Hindi ako nagbibiro." nalalasing na sabi nito. "Don't you ever try to hurt Loren again. I'm just here waiting for her." dagdag pa nito. "Why would I hurt the woman I love? If I were you...umuwi ka na, Gobernador Dee." sarkastika na sabi ni Haden. Natawa naman ang Gobernador. "Kung sakali lang naman na paiyakin mo ulit si Loren. Napaiyak mo na siya noong una kaya huwag na huwag kang magkakamali, d**k!" nalalasing pa rin na sabi ng Gobernador. "Tara na po, Gov." inalalayan ito ni Carde. "Carde, ikaw na muna bahala kay Gov. ah." bilin naman ni Loren. "Walang problema. Ako bahala