"Napag-usapan na namin ito kanina," sabi ng daddy niya. Parang gusto niyang pigilan ang school director ng lumabas ito at iwan sila. Parang gusto niyang magmamakaawa dito na kausapin ang mga ama nila na hindi totoo ang sinabi ni Harris, pero alam niyang sabihin man nito 'yon sa kanilang mga ama ay hindi na rin magbabago ang desisyon ng mga ito.
At kasalanan ito ni Alexandria Laurice Harris. Kasalanan nito kung bakit galit ang nga ama nila. Natigil siya sa pag-iisip nang marinig ang muling pagsalita ng ama sa galit na boses.
"Ikaw Francis Apollo, maa-assign ka sa paglilinis ng buong gym ng eskwelahan, sa araw-araw hanggang sa matapos ang semester na 'to," napapa-oh sila ng sabay-sabay sa sinabing 'yon ng daddy niya. Tiningnan sila isa-isa at huminto ang paningin nito kay Joaquin. "And about you Ashton Joaquin. Maa-assign ka sa paglilinis ng buong Engineering building, araw-araw at sa loob din ng semester na 'to," hindi sila hinihiwalayan ng mga paningin ng kanilang mga ama. Na para bang ayaw ng mga ito malingat sa kanila at baka may gagawin na naman silang kalokohan.
"Tito Lauro, bakit po mas malaki ang lilinisin ko kumpara kay Apollo?" Mahinang reklamo ni Joaquin.
"Shut up, Ashton Joaquin," sita ng daddy nito. 'Pag ganitong kompleto ang bigkas ng mga pangalan nila, paniguradong galit na galit ang mga ito sa kanila. At bawal umalma sa ano mang sasabihin ng mga ito. Napapakamot na lang sa ulo si Joaquin na tiningnan ng masama si Apollo. At gumanti din ng tingin si Apollo na para bang sinasabi kay Joaquin na 'Bakit ako?'
"And about you Dean Xavier, sa canteen ka maa-asign sa isang buong semester din na 'to sa bakanteng klase n'yo. Ang gagawin mo doon, ay ang mag-dish washer at maglinis," kung normal na usapan lang 'to gusto niyang matawa sa mga itsura ng pinsan. Nawala ang bagsik, parang mga basang sisiw sila na walang masisilungan.
"At ikaw Zimon Nataniel, sa laboratory ka madidistino. Maglinis ka doon, mag-assist sa mga estudyante. At ang mababasag na mga gamit doon ay ikaw ang magbabayad," nakita niya ang pag-angat ni Nathan sa kinauupuan pero agad ding napaupong muli nang pukulin ito ng matalim na titig ng ama nito.
"At ang gagawin mo Tyler Mathias sa buong semester na 'to ay ang maglinis sa library. Lahat gawin mo doon, mag-records ng mga libro, maglinis at mag-assist sa mga estudyante," lihim siyang napapamura. Bakit doon pa? Kung saan nandoon ang babaeng nagpapahamak sa kanila?
"Hindi kayo puwedeng lumiban sa ginagawa n'yo dahil imo-monitor namin kayo," sabad ng daddy ni Joaquin.
"At grounded kayo, bawal gala, bars, and gaming. Ang duty n'yo ang gagawin n'yo at ang klase n'yo ang pagkaabalahan n'yo sa buong semestre na ito," wika ng Tito Alejandro niya na ama ni Dean. Pinukol siya ng masamang tingin ng mga pinsan, para ba sinisisi siya ng mga ito kung bakit sila umabot sa ganito. Bakit siya? Si Apollo talaga ang nag-udyok sa kanya na patulan ang hamon ni Diego.
Nang makita niyang hindi nakatuon sa kanya ang paningin ng kanyang daddy at mga tiyuhin ay mabilis niyang itinuro sa mga pinsan si Apollo. Doon naman natuon ang paningin, nina Dean, Joaquin, at Nathan. Inangat ni Apollo ang isang kamay at binigyan siya ng f**k sign. He jolted his big shoulder.
"Is that clear to you? Nangangako ba kayong magagawa n'yo ang bagay na 'yan? Dahil kung hindi, ay hindi kayo makakaahon diyan hanggat hindi n'yo ginagawa ang mga tungkulin na pinapagawa namin sa inyo," sabi naman ng Tito Rufo niya na daddy ni Apollo.
"At 'pag nababalitaan namin na hindi n'yo ginagawa ang pinapagawa namin kahit isang beses na pagliban lang. All your bank accounts will be close. You will beg, and we do not care. We could only provide your foods, other than that, we could do nothing for all of you," dagdag pa ng ama ni Nathan na si Christopher.
"Hindi puwedeng hindi n'yo magagawa ang assignments n'yo, you have our eyes everyday. We are watching all your activities, hanggang sa matapos ang semester na 'to," dagdag pa ng Tito Carlos niya.
"Gagawin po namin," halos sabay nilang sagot, dahil alam nilang 'pag galit ang mga ama ginagawa talaga ng mga ito 'pag ano ang sinasabi.
"Okay, alam namin na bakante kayo ngayon. Hala, umalis na kayo at ngayong araw na 'to umpisahan n'yo ang mga tungkulin n'yo," inutusan na silang lumabas. Tahimik silang tumayo para lumabas na sa opisinang 'yon. Parehong bagsak ang mga balikat nilang lima.
"Damn you Tyler Mathias! Dahil sa 'yo ay napahamak pa kami!" Agad na bungad ni Dean nang malayo-layo na sila sa opisina ng school director.
"And damn you, too, Francis Apollo! Kung hindi mo unang sinang-ayunan na tatanggapin ang hamon ng pesteng Escoder na 'yon, 'di sana hindi tayo mag-general cleaning ng buong campus!" Balik sisi niya kay Apollo.
"Me? Oh F**k! Mas maliit nga lang ang napunta sa 'yo. Kumpara sa gymnasium, masiyado pang matao sa bahaging 'yon!" Reklamo naman ni Apollo na tinignan din siya ng masama.
"Kayong dalawa ang pasimuno, tingnan n'yo mas malaki pa ang lilinisan ko. Imagine, isang buong building ng Engineering, take note, limang palapag 'yon ha. s**t!" Naiirita namang singit ni Joaquin.
"And how about me? Dish washer? Cooker? Waiter? That was too much! Sana nasagi man lang ako ng kamo ng hayop na Escoder na 'yon para man lang nagkaroon sana ng dahilan ang lahat ng 'to!" Sinipa pa ni Dean ang paso na nasa tagiliran ng daan. Tumilapon ang lupa nito.
"At mas mabuti sa inyo walang money involved! Tingnan n'yo ang sa 'kin unfair yata dahil kahit na hindi ako ang makabasag ng gamit sa loob ng lab, magbabayad pa rin ako!" Reklamo din ni Nathan.
At wala siyang ibang sinisisi nito kundi si Alexandria! At makakasama niya ito sa library. Gagawin niya ang lahat to get even!
"So, no good times for now?" Tanong ni Apollo na pasalampak na naupo sa isang bench sa hallway. He placed both his big and long arms on the back of the chair. And he looked, tired.
"Let's go now on our assignments, you heard them when they told us that we have their eyes, everywhere," nagpatiuna nang lumakad si Joaquin patungo kung saan ang magiging assignment nito. Patamad din siyang lumakad papuntang library nang magsikilusan na sina, Dean, Nathan, at Apollo.
Binuksan niya ang pinto ng library, nakakabingi ang katahimikan sa loob. Wala ding tao. Nagpalinga-linga siya at sa isang mesa sa sulok ay nakita niya si Alex na abala sa pagsusulat sa notes nito. Napakuyom siya ng palad niya. Ito ang dahilan kung bakit siya nandito ngayon.
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa nang tumunog 'yon. His dad was calling him. "Kanina ka pa nakatayo diyan, bakit hindi mo kunin ang walis at magsimulang gumawa ng task mo diyan?" Muntik pa siyang mapapamura ng malakas kung hindi niya lang naalala na daddy niya pala ang nag-uutos sa kanya.
"Yes dad. Yes dad," sunud-sunod niyang sambit habang maraming binibilin ang ama niya sa kanya. Matapos ang tawag nito ay linapitan niya ang abalang babae. Hindi pa nito alam na nandito siya. Napatayo pa ito nang maramdaman ang yabag niyang papalapit dito. She looked upon his direction. Her eyes widened without flickering stared at him.
He look around. Walang tao, tanging silang dalawa lang ang naroroon. He even looked at the ceilings and walls. Wala din siyang nakitang nakakabit na CCTV Cameras. This nook was intentionally placed for some students who needed space and privacy while studying. Bihira siyang pumasok dito kaya hindi niya kabisado. Paborito kasi nilang tambayan ay ang quadrangle ng eskwelahan, where they can have a better spot for a beautiful lady.
Hinaklit niya ang isang braso nito at isinandal sa puting pader. Nakita niya ang matinding gulat sa magandang mukha nito. At takot? He smirked when he saw that she was undoubtedly scared. Parang nabura ang lahat ng kataga na nasa utak niya kanina habang nakatitig ito sa mukha niya, particular sa mga labi niya.
"W-what are you doing, Mr. Contreras?" She anxiously questioned him.
"I will give you the punishment that suits on what you have done to me and to my four cousins," he said without hesitation.
"A-nong ibig mong sabihin, Mr. Contreras?" Bakas ang kabang nasa mukha nito. Naramdaman pa niya na mas lalo nitong isiniksik ang likod sa pader. He was careless. And what was on his mind right now was how to accomplish his desire. His desire to revenge.
He quickly kissed her on the lips. Because she was in shock, her lips were parted. And it only gives him an easy access. He was tempted to bite her soft and sweet lips. Pumalag ito pero mas lalo lang niyang idiniin ang pagkakahalik niya dito. Parang unang beses siyang nakatikim ng halik na nasarapan siya at ayaw na niyang pakawalan pa ang mga labi nito. She's just innocently standing there. Not even knowing how to respond his torrid kisses. Hell! Nawawala siya sarili sa lambot ng mga labi nito. Nawawala sa isip niya kung nasaan sila ngayon. She was devastatingly sweet. She was making him insane over her!
Muntik pa siyang matumba nang buong lakas siya nitong itinulak sa dibdib. Saka niya lang nakita ang nakatayong si Dean sa tagiliran nila. Nang tingnan siya nito ay naloloko itong nakatingin sa kanya. Avoiding to look at the shy girl. Masusuntok niya talaga ito 'pag may sinabi itong hindi niya magugustuhan.
"Kanina ka pa ba diyan?" In the corner of his eyes, he saw Alex walking hurriedly towards the other side of an aisle.
"Hindi gaano, pero slight kung nasaksihan ang lahat," alam niyang magsusumbong na naman ito mamaya sa tatlo. Kinuha niya ang isang libro at pinalo dito. Natawa ng malakas si Dean sa ginawa niya.
"We have tasks to clean the area not to clean the pretty lips of Harris. Any way inutusan akong manghiram ng dietary book ng Nutritionist," nangingiti itong naghagilap ng hinahanap. He can't able to speak. Inaalala niya si Alex, napahiya ito kay Dean.
"Bye, Tyler the fierce! Enjoy cleaning!" Itinaas nito ang libro sa tapat ng mukha niya saka umalis na tumatawa ng malakas.