Isang araw ay papauwi na siya. Mag-aalas singko na yata 'yon ng hapon. Katatapos lang ng huling subject niya sa araw na 'yon. Paglabas niya ng pinto ng classroom ay agad niyang nabungaran ang nakangising si Diego. Marami ang nakabuntot na mga kasamahan nito. 'Yong tipo ng mga estudyante na hindi naman nagsusunog ng kilay sa pag-aaral. Mga easy go lucky. Ginagawa lang palamuti ang suot na uniform. O, baka nga ayaw din sana nilang magsuot ng uniporme ng eskwelahan, napipilitan lang silang gawin 'yon dahil sa pini-pressure sila ng mga parents para mag-aral.
Linampasan niya ang mga ito at diretso lang sa paglalakad, ayaw niyang makipag-away dito. Hindi dahil sa natatakot siya, kundi iniisip niyang gagabihin siya sa daan dahil sa rush hour ngayon at masyadong abala ang daan. Nauuna nang umuwi si Porsia, dahil 3:30 ay tapos na ang klase nito. Hindi puwedeng hihintayin siya nito dahil marami pang gawain sa bahay.
"Wait, Alex!" Sumasabay na si Diego sa malalaking hakbang niya. wala siyang balak kausapin ito. "Ihahatid na kita," hindi na ito nakatiis na huwag hawakan ang isang braso niya.
"Huwag na Diego, sanay akong umuwi mag-isa," sabi niya sabay bawi sa braso niyang hawak nito. Nagtawanan naman ang grupo nito. Tiningnan niya isa-isa ang mga ito at binigyan ng isang matalim na tingin. Pero mas lalo lang tumawa ng malakas ang mga 'to.
"Ang ilap Diego, ano na, nawawalan na ba ng bisa ang kapangyarihan mo para mapaamo ang isang babae?" Susog pa ng isa na tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Isang malisyosong tingin at kinilabutan si Alex. Nagpalinga-linga siya at wala siyang nakita ni isa mang estudyante doon sa corridor.
"Shut up Albert!" Galit itong binalingan ni Diego, pero patuloy lang sa pagtawa ito, at ang mga kasamahan nito.
"Yayain kita ng dinner ngayon Alex, sige na please. O, kung hindi ngayon, date with me on Sunday, o kahit anong araw mong gusto," pamimilit pa nito na pilit sinusundan ang mabilis niyang lakad. Ang mga grupo nito ay panay naman buntot sa kanila kasabay ng pang-aasar.
Hindi na lang siya nagsalita pa. Nakaramdam siya ng ginhawa nang marating niya ang malapad na ground ng eskwelahan malapit sa gate. Marami-rami na siyang nakikitang mga estudyante, pero parang wala namang pakialam ang mga ito sa kanila.
Muli siyang hinablot ni Diego sa braso, this time medyo marahas na 'yon. Pumapalag siya at pilit binabawi ang braso. Medyo masakit ang higpit ng pagkakapit nito sa kanya.
"Ikaw na nga niyaya ko ng date ikaw pa itong may ayaw," sabi nito na ayaw siyang bitawan.
"Kung hindi makuha sa santong dasalan daanin sa paspasan," sabi ng tinawag nitong Albert kanina. Nagkatawanan ang grupo.
"Dead na dead kasi si Diego sa 'yo Alex kaya pagbigyan mo na, please," umaarte pang sabi ng isang lalaki. At muling nagtawanan ang grupo.
"Don't touch me," asik niya. At pinagpag ang kamay ni Diego mula sa kanyang braso.
Sasalita pa sana ang mga ito nang makita niya ang paglapit ni Tyler Mathias Contreras. Out of nowhere, ay sumulpot lang ito sa tabi niya. Ang kaba niya ay tumindi pa pagkakita kay tyler. Kakaiba sa kaba na nararamdaman niya patungkol kay Diego. Hindi niya masabi kung anong klaseng kaba itong nararamdaman niya sa dibdib kapag nakaharap niya si Tyler. Tumayo pa ito sa tabi niya magkadikit ang kanilang mga braso. Ito talaga ang moment na napakalapit niya kay Tyler. Napakaguwapo pala talaga nito sa malapitan, hindi niya masisi kung biglang naglulupasay si Porsia kapag na r'yan si Tyler.
"You're playing the poor woman around," sabi nito naka cross ang mga braso sa dibdib.
"Uy, ano ‘to? The knight in shining armor saves the damsel in distress," nakakalokong sabi ni Albert.
"Huwag kang sumali dito kung ayaw mong madamay," sabi naman ni Diego na nangingiti habang tinitingnan si Tyler mula ulo hanggang paa. Pero hindi niya nakitaan ng ano mang emosyon ang mukha nito.
"Nasasaktan ang babae, hindi mo ba alam? At kung type mo ang isang babae approach her in the nicest ways, a real man should be. Hindi ‘yong kaladkarin mong tila isa itong basahan. That's not love, kayabangan ang ganyang ugali," sabi nito sabay hila sa kanya. At nahuli talaga siya nitong titig na titig sa mukha nito. napakurap siya. Nasa harapan nila si Diego at ang mga kasamahan nito, pero nasa kay Tyler na ang buong atensyon niya.
"Gawin mo ang style na gusto mo, at gawin ko rin ang sa akin," sabi ni Diego sa marahas na boses.
"At ayaw ko namang nakakita ng babaeng sinasaktan, kaya ginagawa ko talaga ang gusto ko," matapang naman na sagot ni Tyler habang nagsusukatan ng paningin kay Diego.
"Uy, matapang," sabad naman ng isang kasamahan nila Diego.
"Go now," utos nito sa kanya. Saka lang siya tumalima. Tiningnan niya muna ng mabilis na tingin si Tyler bago dali-daling umalis para lumabas sa gate. Ni hindi man lang niya nagawang magpasalamat kay Tyler. Pero may pagkakataon pa naman na magpasalamat siya. Magkikita pa naman siguro sila nito sa loob ng campus.
__________
Kinabukasan.
"Hala Alex, itong basura natin ay nakalimutan nating ilabas noong mag-pick up ng basura ang janitor kanina," sabi Ms. Jonna na librarian. Nasa library siya at nagdu-duty. Natigil siya sa pagsusulat ng mga records ng book borrowers sa logbook nang magsalita ito.
"Ako na lang po ang magtatapon niyan," presenta niya. Alam naman niya kung saan ang tambakan ng basurahan. Nasa likurang bahagi ito ng university. Malapit sa bakanteng lote.
"Sure ka?" Nag-aalangan namang sabi ni Ms. Jonna.
"Oo naman po," tumayo na siya at kinuha ang plastic na nakalagay sa loob ng basurahan. Itinali niya ang magkabilang dulo no'n saka binitbit na palabas.
Pabalik na siya nang may marinig siyang mga kaluskos. May sigawan at murahan din siyang naririnig. Mabagal siyang pumunta kung saan niya naririnig ang ingay na 'yon. Nagtago siya sa mayayabong mga damo, at sumilip sa kabilang bahagi ng pader. And she was shocked of what she saw. She was panting.
Ang grupo ni Diego na nangha-harass sa kanya kahapon, at si Tyler kasama ang mga pinsan nito ang nakita niyang napapaaway. Nakita niya lahat ang grupo ni Diego na nakatumba na. Samantala ang lima ay parang walang ano man na nakatayo doon. Ni hindi niya nakitaan ng kunting galos o pasa man lang sa mga mukha. At hindi niya alam ang dahilan ng away ng mga ito. Nakita niyang isa-isa na ring sumasakay sa kani-kanilang mga sasakyan sina Nathan, Apollo, Dean, at Joaquin. Naiwan saglit si Tyler na nakamasid sa nakabalandrang grupo ni Diego. Nakita niya ang pagkunot ng noo ni Tyler na tumingin sa kinaroroonan niya. Mabilis siyang kumaripas ng takbo bago pa nakahakbang patungo sa kinaroroonan niya si Tyler.
Her heartbeat was splendid fast as she entered the building. He sat on the bench for a moment. At napaisip siya, napakabayolenteng tao naman talaga ng grupo ni Diego. Hindi lang siya ang maperhuwisyo ng mga ito, marami pang mga estudyante. Tumayo siya at buo na ang desisyon niyang isumbong ang nakita sa school director ng eskwelahan na 'to para matigil na ang ginagawa nila Diego. Hindi lahat ng oras ay naroon ang Contreras boys para magtanggol sa mga estudyanteng mapagtripan nila Diego.
Buong lakas siyang pumunta sa opisina ng school director. She reported everything in detail. Starting with Diego's harassment of her, as well as the fight, she saw take place between his group and Tyler's. Sinigurado naman ng school director na mabibigyan pansin ang reklamo niyang 'to. Umuwi siyang nakaramdam ng satisfaction. Somehow ay may nagawa siyang maganda sa araw na 'to.