Chapter 12

1520 Words
"Ano ka ba? Baka makita tayo." bulong ko dito. "Nasa likod tayo kaya hindi kita." "Ewan ko sayo." Tinawanan lang ako nito at itinuloy ang ginagawa niyang paglalaro ng daliri ko. Kanina pa yan, pagkagaling namin ng rooftop ganyan na siya naging childish, inaway pa nga niya yung isang kaklase namin dahil sa nagtanong lang naman kung okay lang daw ba ko. Ito naman isa kinuwelyuhan agad at hinamon ng away. "Psst.." "Psssst..." "Psssssssttt....." Masama ko itong tiningnan at saka bumalik ulit ang tingin sa pisara. "Andriane." wag mo nalang pansinin Andriane hayaan mo siya magsasawa din yan. "Pansinin mo ko." Hinalikan pa nito ang likod ng palad ko pero hindi ko pa rin ito pinapansin. "Mr. Cairo–and Ms. Raven." Agad ko naman hinablot ang kamay ko kay Cairo at umayos ng upo. "Hindi kayo nakikinig sa lesson ko. Kindly explain kung bakit? At may sariling mundo kayo diyan." Terror teacher pa naman ito kainis! "Sorry po ma'am–" "May kasalanan kasi ako tita, so nilalambing ko lang." Agad na dumapo ang palad ko sa braso nito. Kailangan ba ganun ang sagot? At tita niya ang prof namin? "Next time wag sa klase ko." Tugon nito, bumalik naman ito sa itinuturo at ganun din ang ginawa ni Cairo na ngayon naman ay buhok ko naman ang ginalaw niya. "Cairo stop it." Umiling lang ito at itinuloy ang ginagawa. "I said enough, Cai!" Muling saway ko dito. Niyakap ako nito at ipinatong ang baba niya sa balikat ko. "Baby, kiss?" Mahina lang pero malinaw sa akin ang sinabi nito. Kinurot ko naman ang braso nito na nasa tiyan ko. "Aww! Mashakit!" Pag iinarte nito, ang iba tuloy ay napatingin na sa pwesto namin. "Isa, tumigil ka na." Pagbabanta ko rito pero lalo lang itong sumimangot. "Kiss lang eh damot!" Napatawa naman ako sa inasta nito nakatuon na ang tingin nito sa pisara pero panay pa rin ang bulong ng kung anu-ano. "Napaka damot." "Isa lang naman.." "Gusto ko lang naman ng kiss." "Ang unfair, parang kiss lang ipinagdadamot pa." "Samantala yung iba nagkakandarapa sakin mahalikan ko lang." Bulong nito pagkatapos ay tumingin sakin ng masama, napailing nalang ako ng ulo at napangiti dahil sa inaasta niya. Matapos ang klase agad kaming dumaretso ng cafeteria, busog pa naman ako pero itong isa gusto daw kumain dahil hindi daw siya nag breakfast kanina. "Oo nga, ang sabi sakin ng boyfriend ko naglalandian sila sa klase." "Talaga? So paano na si Lorry?" "Ewan ko pero ang sabi naghiwalay na sila ni Cairo." Napatingin naman ako kay Cairo na naglalaro sa cellphone niya, wala itong imik sa kahit anong bulungan na naririnig namin. "So totoo nga sila na?" "Parang kailan lang nag away sila dahil sinaktan ni Andriane si Lorry." "Anu kayang nangyari? Kawawa naman si Lorry." "I pity her, nagawang agawin ng ahas ang boyfriend niya kung ako sa kanya sinabunutan ko na yan." Ay wow! Wow na wow ah! Keri mo ba teh? Tara anu doon tayo sa gitna ng cafeteria ginigigil mo ko! "Hey." "Oh?" Masungit na tugon ko habang nakatingin pa rin sa mga nag bulungan. "Sungit ng baby ko anung order mo?" "Tigilan mo nga ako kanina ka pa!" "Haha, isang mango shake at carbonara–sigurado ka ayaw mo?" Umiling lang ako at nauna nang maupo hindi naman kumontra pa si Cairo. "Andriane!!!" "Dito ka dali!" Agad naman akong lumapit sa pwesto nila, aba ang magaling na si Ashton nandito rin. Tropa na sila? Di man lang ako sinundo. "Ikaw huh!" Mapang-asar na aniya ni Liam. "Kayo na pala naku nung kamakailan lang nag aaway kayo tapos ngayon." Aniya naman ni Mathew "Anung real score sa inyong dalawa?" Tanong naman ni Ashton. Naka ngiti ang mga ito na ma'y nakakaasar na ekspresyon sa mukha. "Oh anung pinag uusapan niyo?" Singit ni Cairo at inilapag ang pagkain na dala niya, umupo naman ito sa tabi ko. "Diba may girlfriend ka?" Seryosong tanong ni Ashton, seryosong tiningnan din ito ni Cairo. "I already break up with her." Deretsong sagot nito. "Bilis ah, gaano mo din kaya kabilis pag sasawaan si Andriane?" Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Ashton, ano bang trip nito. "Ashton!" Saway ko dito pero di ito nakinig. Tiningnan ko naman ang ibang kasama namin. Seryoso lang din ang mga ito na nakikinig sa sinasabi ni Ashton at naghihintay ng sagot ni Cairo. "Pasensya na gutom lang ata siya. Kumain ka na nga lang Ashton." Inilagay ko sa harap nito ang isang styro na may lamang isang slice ng cake, nakarinig naman ako ng pag singhap at mabilis pa sa kisapmata na nawala ang cake sa harap ni Ashton. "Bakit mo kinuha? Binigay yan ni Andriane." maktol ni Ashton na inaagaw pa rin ang cake na hawak ni Cairo. "Akin to, ako bumili nito binigay ko to kay Andriane, bumili ka ng iyo." "Napaka damot mo, si Andriane naman ang nagbigay sakin kaya wala ka nang pakialam doon." Humarap naman sakin si Cairo akala ko ay magagalit ito dahil ibinigay ko ang cake kay Ashton pero lahat kami ay nagulat sa ginawa nito. "Baby inaaway ako." Aniya nito na parang bata habang nakaturo ang daliri kay Ashton. "Hala! Ang cute ni Cairo!" "Omg! Nagpa cute si Cairo." "His so gwapo talaga!" Napakamot nalang ako sa ulo ko kahit hindi naman makati. "May isa pa naman, ibigay mo nalang yan kay Ashton." Mahinahon na aniya ko. Masama naman nitong tiningnan si Ashton habang itong isang nakangiting tagumpay. Inilapag ni Cairo ang cake na siya namang mabilis na kinuha ni Ashton at binuksan. "Favorite ko yun." bulong pa ni Cairo habang nakatingin pa rin sa cake na kinakain na ngayon ni Ashton "Pre kailan mo pa naging paborito ang cake? Di ka nga mahilig sa matamis." Aniya ni Mathew. "Kanina lang!" Pagalit na sigaw nito, na pa ngiwi nalang kami sa inasta nito. Binuksan ko ang isa pang styro na may lamang cake at kinain, sayang naman kasi kung di pa kakainin. "Penge." kumuha ako ng cake at sinubo kay Cairo kakain rin ulit sana ako ng ma-realize ko ang ginawa ko. Gulat na napatingin ako sa mga kasama namin at pati na rin kay Cairo na halos umabot na ng tainga ang ngiti. "Indirect kiss." Aniya ni Marco "Yuck! May virus yang si Cairo." Aniya ni Liam. Binatukan naman siya ni Cairo sabay tawa. "Andriane mag toothbrush ka ng mabuti mamaya pag uwi huh?" Mapang asar naman na sabi ni Ashton. "Tsk! Parang yun lang nag react na agad kayo, eh anu pa kaya kung nalaman niyo na nag kiss kami–hmmp!" mabilis kung tinakpan ang bibig nito at pinanlakihan ng mata. "kanina." tuloy ni Cairo sa sinsabi niya nung natanggal niya ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya. "Isusumbong kita kay Lexus!" Nataranta naman ako sa sinabi ni Ashton kaya naitulak ko ito ng di sinasadya. "Isusumbong talaga kita." muling aniya pa nito at akmang kukunin ang cellphone sa bulsa. "Wala akong ginagawa na masama." Mabilis na paliwanag ko, pero di ako nito pinakinggan at tuloy lang sa pagtipa ng numero. "A-ashton." mahinang tugon ko. Mananagot talaga ko nito. "Hello Lexus, tungkol kay Andriane–" hinablot ko ang cellphone nito at sinagot ang tawag. "What happened?" Pag karinig ko pa lang ng boses nito halos mamutla na ko. "K-kuya." "What happened Andriane? May ginawa ka na naman ba?" Kahit hindi ko nakikita alam ko magkasalubong ang kilay nito. "W-wala ah!" Tugon ko at umiling pa kahit hindi naman niya nakikita. "Then why Ashton called me?" Napatingin naman ako kay Ashton na muling kinakain ang cake niya. "Wala lang nangangamusta lang.?" Patanong na sagot ko. "Bakit patanong?" Narinig ko pa itong nag buntong hininga. "See you in a week." "Huh? Kuya–" *Toot*toot* Ay bastos! Binabaan ako ng cellphone hinampas ko si Ashton sa ulo nito kaya napasubsob siya sa kinakain niya, gusto ko sanang tumawa pero naalala ko galit nga pala ako. "Kuya will be here in a week, you! This is your fault!" Tinuro ko pa ito. "That's good para malaman niya ang ginagawa mo." Padabog akong umayos ng upo. "Bwisit!" "I-paghahanda na ba kita ng hihigaan mo?" "Peste ka talaga Ashton!" Tinawanan lang ako nito. "Anong meron?" Tanong ni Mathew. "Dadating si Lexus nakakatandang kapatid ni Andriane." Aniya ni Ashton "Eh bakit parang takot na takot ka Andriane?" Tanong ni Liam "Nakakatakot ba yun?" Tanong ni Lucas. "Sobra." kinakabahan na tugon ko. "Dapat pala Cairo maghanda ka na, matinding question and answer portion ang haharapin mo." Saad ni Mathew. Tumango naman si Marco dito bilang pag sang ayon. "Ready ako." mayabang na saad ni Cairo. Nakangiti pa ito na tila alam na niya ang mangyayari. "Sige ngiti ka lang, tingnan natin kung makangiti ka pa kung malaman ni Lexus na hinalikan mo si Andriane." Bigla naman akong kinabahan sa pagbabanta ni Ashton. Naalala ko noon nung may batang hinalikan ako sa pisngi sobrang iyak ko non tapos si kuya galit na galit non, napailing na lang ako sa mga naiisip ko. Rest in peace Andriane, mimisahan ka na next week at ang pari walang iba kundi si kuya Lexus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD