Chapter 13

1220 Words
As far as I know wala akong kaaway, pero ito ako ngayon kaharap ang ilan sa alipores ni Lorry. "Pinapatawag ka ni Lorry." girl 1 "Siya ang may kailangan sa akin bakit hindi siya ang pumunta?" Seryosong sabi ko, sinigawan naman ako ng mga ito. "At bakit ka naman pagkakaabalahan puntahan pa ni Lorry sino ka ba?" Girl 2 "Porket nakadikit ka sa mga famous student sa school akala mo kung sino ka na, isang hamak na transferee ka lang naman." Girl 3, tinuro pa ako nito sa balikat kaya napaatras ako ng kaunti. "At sino rin ba siya para pagkaabalahan ko na puntahan? At ano naman sa inyo kung nakadikit ako sa sinasabi niyong famous students." Tinalikuran ko ang mga ito, isang hakbang palang ang nagagawa ko may humila na agad sa buhok ko. "Kinakausap ka namin! Wag kang bastos!" Girl 2 "Tara na dalhin na natin 'to kay Lorry!" Girl 1 Hinawakan ako sa magkabilang braso ng dalawang babae habang ang isa nasa unahan na tila proud na proud sa ginagawa niya. Kung tutuusin kayang kaya ko naman patalsikin ang tatlong 'to ilang sipa at hampas o suntok lang matatakasan ko na ang mga ito. Pero sa tuwing naiisip ko na ma g-guidance ako at paparating dito si kuya Lexus nanlulumo ako sa samu't-saring sermon na pwede kung makuha dito. May mga na dadaanan kaming mga itsudyante pero parang baliwala lang sa kanila at parang sanay na sanay sila sa nakikita nila, siguro hindi lang ako ang itsudyanteng ginawan nila ng ganito. Matapos naming makalabas ng building itinulak ako ng mga ito pasubsob sa damuhan ito yung lugar kung saan madalas akong tumambay kapag nag cutting ako o tinatamad akong makinig sa klase. "Ang tagal niyo naman!" Sigaw ng kung sino, abala ako sa pag aayos ng sarili ko ng isang pares ng heels ang bumalandra sa harap ko. "Well! well! well!" Nakangiting saad nito. "Wishing well." tugon ko, imbis na tumayo ay umayos ako ng pagkakaupo at nag Indian sit sa harap nito habang ito ay nakatayo at nakayuko at nakatingin sa akin. "Tumayo ka nga!" Inis na sigaw nito sa akin, tinitigan ko lang ito at saka dumako ang tingin sa d**o ang hahaba na ng d**o di ba nila pinuputol ito buti nalang na ka cycling shorts ako. "Ano bang sasabihin mo?" Bored na tanong ko dito. "Layuan mo si Cairo! Mang-aagaw ka!" Sinipa ako nito pero agad kung nahawakan ang paa niya. "Bakit ako ang sinasabihan mo niyan? Diba boyfriend mo? Bakit hindi siya ang kausapin mo?" Aniya ko dito, ang sakit niyang tingnan nakaka ngalay at isa pa ang sakit niya sa mata dahil isa nga siyang coloring book! Hinila nito ang paa niyang hawak ko pero di ko ito binitawan, sisipain niya ulit ako ng isa pa niyang Paa ng nahawakan ko ulit ito. "Ang ganda ng sapatos mo–" agad nitong pinutol ang sasabihin ko. "Alam ko, kaso di yan bagay–wahhh" hinila ko ang dalawang paa nito dahilan para di nito maituloy ang sasabihin niya. "Kaso ang panget ng nag suot, nawala tuloy yung value ng sapatos." Tugon ko at tumayo. Habang siya nakahiga sa damuhan, agad naman siyang nilapitan ng mga alipores niya at tinulungan na makatayo. "Napaka sama mo! Kinakausap ka lang naman ni Lorry!" Girl 3 "Palibhasa walang modo!" Girl 1 "Isusumbong ka namin sa dean." girl 2 Agad na tumagilid ang ulo ko sa inasta ng mga ito tila nagbago ang mga ekspresyon ng mga mukha nila, mula sa matapang na mukha naging parang inaapi na sila ngayon ganun din si Lorry na kanina lang ay matapang ang mukha pero ngayong parang iiyak na. "Grabe naman siya!" "Si Lorry ang model ng school tapos ginaganyan niya." "Hindi niya ba kilala si Lorry?" "Naku dalhin yan sa guidance office!!" "Masyado naman atang matapang porque galing ibang bansa." "What's going on here?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Sila Ashton pala masama ang tingin nito sakin. Hindi naman ako ang nagsimula ng g**o noh! "C-cairo" agad na lumapit si Lorry at yumakap kay Cairo. "What happened?" Seryoso na tanong ni Cairo, nakatingin ito sa akin na para bang ako ang tinatanong nito. Umiwas lang ako ng tingin dito at lumapit kay Ashton. "May sugat ang tuhod mo." Aniya nito at agad na lumuhod para punasan ang sariwang dugo pero bago pa man niya mailapit ang panyo ay inilayo ko na ang tuhod ko. "A-andriane." tawag pa nito sa akin, pero parang umiikot ang paningin ko at dumidilim din ang paligid hanggang sa hindi ko na marinig ang mga sinasabi nila. Ashton POV Hahawakan ko sana siya ng iwasiwas niya ang braso niya, lahat ay nagulat sa ginawa nito at natakot kahit ako na kapatid niya at ay nagulat din pero di ito ang unang beses na makita ko siyang ganyan. "A-andriane." muling tawag ko dito, humarap ito sa akin. Bumungad sakin ang tila walang ka buhay-buhay na mga mata niya at ang madilim na eskpresyon na mukha niya. "Hindi ko alam kung anung ginawa ko sayo para gawin mo sakin yun! Kinakausap lang naman kita pero hinala mo ang paa ko!" Galit na saad ni Lorry. Mabilis na lumapat ang palad nito sa mukha ni Andriane tumagilid naman ang mukha ni Andriane dahil sa lakas ng sampal sa kanya mabilis na lumapit ako kay Lorry at inilayo ito sa kapatid ko. "Wag kayong tumayo diyan! Ilayo niyo ang babaeng ito sa kapatid ko!" Galit na sigaw ko sa mga ito. Pero huli na ng mapansin kung wala na si Andriane sa pwesto niya. "Andriane wag!" Sigaw ko. Agad kung nahawakan ito at inilayo kay Lorry na muntikan na niyang kaladkarin. "Ashton anung nangyayari?" Naguguluhan na tanong ni Mathew, hindi ko pinansin ang mga ito at pinagtuunan ko lang ng pansin ay si Andriane. "Andriane tara na." "Bitaw." matigas na tugon nito. "Andriane, calm down alam ko nandiyan ka pa rin so please." "Anu bang pinagsasabi mo? Malamang andiyan siya! Kaharap mo nga diba?" Mataray na saad ni Lorry. "WILL YOU SHUT THE F*CK UP!! KUNG AYAW MO IYAKAN KA SA OSPITAL!!" Sa sobrang inis ko namura ko na ito. "A–ash." Napatingin akong muli sa kapatid ko na ngayon ay umiiyak na, agad ko itong niyakap at pinakalma. "Shh! I'm here, kuya is here." "Sasaktan nila ko, katulad ng ginawa nila n-noon." Hinagod ko ang likod ng ulo nito at hinalikan. "Walang mananakit sayo, nandito si ako tahan na babantayan ka ni kuya." Bigla nalang itong bumigat sinilip ko ito at wala nang malay, may mga binubulong pa ito pero di ko na maintindihan. "Saan mo siya dadalhin?" Tanong ni Cairo ng buhatin ko ang kapatid ko. "Iuuwi ko na siya. "Ihahatid ko na kayo." Suhestiyon pa nito. "Hindi na, wala ka ngang nagawa para sa kapatid ko kundi ang yakapin ang babaeng yun sa mismong harapan niya, sa ikalawang pagkakataon Cairo sinaktan mo na naman siya." Tinalikuran ko na sila at mabilis na tinungo ang parking lot. "Hello Lexus, you need to be hurry naulit na naman." Agad kung ibinaba ang tawag ng matapos kung kausapin si Lexus. Inayos ko ang pagkakahiga ni Andriane sa backseat, isa pang problema ay paano ko ihahatid ito ng hindi nalalaman ng mga magulang namin hindi naman nila alam na nandito ako sa pilipinas. "Bahala na si Batman."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD