Chapter 11

1056 Words
Matapos kung mag emote sa loob ng CR dumaretso ako ng cafeteria para bumili ng makakain, nakakagutom ang pag iyak. "Isang red velvet cake at mango shake." Agad akong umupo sa dulo ng canteen at kinain ang order ko. Mangilan-ngilan lang ang itsudyanteng kumakain siguro ang iba ay nag cutting or walang prof. Napatingin ako sa isang chocolate bar na ipinatong ng kung sino sa lamesa ko. I-ni angat ko ang paningin ko dito, nakangiti ito na tila wala kaming ginawang pagtatalo kanina. "Ano yan? Suhol?" Masungit na tanong ko sabay subo ng cake. "Parang ganoon, I didn't mean to offend you kanina akala ko kasi–" "Akala mo na di ako masasaktan? Mukha ba ako'ng bato para di masaktan?" Umupo ito sa katapat na upuan ko, inilapit nito ang chocolate bar sa tabi ng plato ko. "Di ako mahilig diyan." Sinong niloko ko? Chocolate yan gurl!!! "Talaga ba? Kaya pala dinala ka ni Ashton sa clinic na walang malay kasi kinain mo lahat ng chocolate na binigay sa kanya ng mga admirers niya." Na patanga naman ako sa tinuran nito. "Anung nawalan ng malay? Nakatulog ako hindi ako nawalan ng malay! Gagi talaga si Ashton kahit kailan." Inis na sabi ko at pinanggigigilan ang mango shake ko. "Penge ah." Na pabaling ang tingin ko sa kanya ng nilantakan na niya ang cake na kinakain ko. "Ano ba! Pagkain ko yan, kumuha ka ng iyo." Muli kung inagaw ang plato at pinipilit pa niya na kumuha. Hinampas ko ang kamay nito agad naman itong humalikipkip at magkasalubong ang kilay na tiningnan ako dinaig pa ang bata. "Wala ka'ng patawad pati cake aagawan mo pa ko ang dami naman cake doon!" Turo ko pa sa counter. "Ang panget ng lasa." tugon nito habang nakatitig sa cake na hawak ko. "Wow ah! Halos ma-kalahati mo na nga tapos panget pa lasa para sayo." Tumayo ito at daretsong pumunta ng counter, kinuha ko na ang pagkakataon na yun para ubusin ang kinakain at agad umalis ng cafeteria. *** "Dalawang slice ng red velvet cake." Agad naman kinuha ang order ko at inilagay sa styro box. Kinuha ko ito at ibinigay ang bayad, balak ko sanang ibigay kay Andriane dahil sa kinain ko yung cake na kinakain niya. Pagharap ko sa pwesto niya wala na siya doon at naiwan na lang ang pinagkainan niya, agad akong lumabas ng cafeteria habang bitbit ang supot na naglalaman ng cake. Kung saan-saan ako nakarating hanggang sa nakarating ako rooftop ng building namin. "Andito ka lang pala!" Hindi ako nilingon nito bagkus pumikit lang ito at umayos ng sandal sa pader. Umupo ako sa tabi nito at inilapag sa hita niya ang plastic bag. "Ano yan?" Nakapikit na tanong nito. "Cake, dinalawa ko na baka kulang pa sayo eh." Hindi naman ito kumibo, kaya binuksan ko ang styro at kumuha ng icing at ipinahid sa gilid ng pisngi niya malapit sa labi. "Ano ba!" Singhal nito sa akin, pupunasan na sana niya ito ng kamay niya ng pinigilan ko ito. "Ako na." tugon ko na ma'y mahinang pagtawa pa. Agad kung pinahid ang icing na sa pisngi pero dahil sa likot niya lalo itong kumalat at umabot pa sa labi niya. Kita ko kung paano niya ito dilaan, napalunok nalang ako ng sariling laway ko. 'Cairo ano bang ginagawa mo? Baliw na ko!!' Hindi ko namalayan na nailapit ko na pala ang mukha ko sa kanya at naramdaman ko nalang ang icing sa mismong labi ko. Kusang gumalaw ang labi ko hanggang sa na realize ko na hinahalikan ko na pala siya. Wala itong galaw-galaw nakatingin lang ito sa akin, sinipsip ko ang naiwang icing sa ibabang labi niya na siyang nagpasinghap sa kanya. Pinilit akong itulak nito pero dahil mas malakas ako kesa sa kanya mas naging madiin pa ang paghalik ko sa kanya na kalaunan ay tinugon din niya. Mahigpit ang kapit nito sa manggas ng polo ko at halos bumaon din ang kuko nito sa braso ko. Patuloy lang ako sa paghalik sa kanya hanggang sa ako na ang kusang humiwalay at bumitaw sa halikan namin. Naghahabol ito ng hininga, namumula din ang buong mukha niya hindi ko rin alam kung anong itsura ko. Napahawak na lang ako sa mukha ko at sobrang init nito pati na rin ang tainga ko at leeg, pinaluwag ko ang neck tie ko dahil feeling ko nasasakal ako at di makahinga ng maayos. "A-andriane." Kinakabahan na tawag ko dito. Nakayuko lang ito at hawak ang labi niya. Galit ba siya? T*ngna na tanong yan Cairo! Syempre galit yan ikaw ba naman biglang halikan di ka magagalit. "Why? W-why did you kiss me?" Mahinang tanong nito. "Andriane." "What's your agenda Cairo?" Naguguluhan kung tiningnan ito. "May girlfriend ka di ba? Then why'd you f*cking kiss me???" Sigaw nito. Kahit ako naguluhan din kung bakit ko ginawa yun. "H-hindi ko alam, I'm sorry." "Sorry? Why do I always need to hear that word? Nakakasawa na." Aniya nito at tinalikuran ako, mabilis ko naman hinila ang kamay nito. "I don't know what happened, but there's a familiar feeling na nararamdaman ko pag nandiyan ka kahit ako naguguluhan sa mga kilos ko." Hinawakan ko ang magkabilang kamay nito, kunot pa rin ang noo nito sa akin. "Familiar feeling? O dahil sa kamukha ko ang ex mo?" Mapakla na tugon nito ramdam ko ang lungkot sa boses niya. "Hindi, pero isa lang ang sigurado ako mas malaking epekto nagagawa mo sa akin kesa kay Andrea, magkaibang magkaiba Andriane." Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito at muling hinalikan. Sa pagkakataon na ito walang pag dadalawang isip na tinugon na niya ang halik ko, nakapalibot ang kamay nito sa leeg ko habang ang isang kamay ko ay napunta sa bewang niya bilang suporta niya. "m******s!" Aniya nito matapos bumitaw sa halik ko. Natatawang tinignan ko naman siya, namumula ang buong mukha nito pati ang leeg at tainga. "Kung ako m******s eh ano ka?" Inis naman akong nitong hinampas, ikinulong ko ang mga braso nito at niyakap. "Simula ngayon favorite ko na ang red velvet cake." Aniya ko na may pang asar na ngiti sa labi. "Oh paki ko?" Masungit na tanong nito. "Masarap kasi lalo na pag sa labi mo galing." Tugon ko sabay tingin sa labi nito at sabay dila sa labi ko. Malakas naman akong tinulak nito at tinalikuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD