Chapter 20

1397 Words
"Ashton? A-nung ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Andriane nang madatnan ang binata sa loob ng bahay nila. "Binibisita ka." Nakangiti naman na tugon ng binata. "Anak sinong kausap–Ashton?" Gulat na aniya ng ina ng dalaga. Nanlaki ang mga mata nito ng makita ang binata nasa harapan niya. "Hi?" Napakamot naman sa ulo ang binata at hindi alam ang sasabihin sa mga magulang nito na nakatulala pa rin sa kanya. "Wala bang welcome back?" Komento ng binata. Niyakap naman ito ng kanyang ina habang ang ama nito ay kumuha ng dyaryo at tinupi na siyang ipinanghampas dito. "Anu ba Andy! Tigilan mo nga ang anak mo." Suway ng asawa nito. "W-what's happening?" Naguguluhan na tanong ng dalaga pa balik-balik ang tingin nito sa tatlo. Samantala prenteng nakaupo naman ang pinsan nito na si Lexus sa sofa habang pinagmamasdan ang apat. "You didn't tell her?" Kunot noong tanong ni Ashton sa mga magulang nito, umiling lang ang mga ito na siyang nagpabuntong hininga sa kanya." "Didn't tell what? What's this all about? Mom? Dad?" "His ashton–" "I know who he is mom, what i am asking is why did you hug him and called him son?" Na pabaling naman ang tingin ng dalaga sa ama. "His you brother Ashton Raven, your older brother." Saad ng ama nito. "W-what?? Older brother? But I thought I only have one brother." Tumingin ito sa gawi ni Lexus na nanonood sa kanila. "His not your brother, he's our cousin Andriane." Aniya ng binata. "Pero bakit ang pakilala mo sa akin ay kaibigan ka ni kuya Lexus?" "I have reasons." "Don't tell me, nung nasa US pa tayo kilala mo na talaga ko nung pinakilala ako sayo ni kuya Lexus." "Of course, your my little sister." Ngumiti ito ng nakakaloko na siyang ikinainis ng dalaga. "You sh*t! Kaya pala lagi mo akong pinagtitripan noon!" Lumapit naman ang dalaga dito at pinaghahampas ang binata. "A-aray! Isa masakit Andie!" "Bwisit ka! Kapatid pala kita loko ka tapos wala kang matinong ginawa kundi bwisit-in ako!" Walang tigil pa rin itong pinaghahampas ng dalaga hanggang sa ang ina na ng mga ito ang umawat sa kanila. *** "Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin na uuwi ka pala?" Tanong ng ina nito habang naglalapag ng mga inumin. "Ang totoo niyan, nagpumilit lang talaga ako na umuwi dito. Tinakasan ko lang talaga si Lexus at tito sa US para sundan dito si Andriane." "Tsk! Kaya pala g**o-g**o ang mga gamit ko sa condo." Masamang tiningnan ni Lexus si Ashton ng maalala nito ang delubyo sa loob ng condo. "Ah haha! Hinahanap ko kasi yung passport ko di ko naman sinasadya na guluhin mga gamit mo–" "Di sinasadya? What the f*ck! Lahat ng gamit sa condo g**o–gulo basag pa yung ibang gamit pati cash na nasa drawer wala." "Sus! Babayaran ko naman, Dad penge ngang pera babayaran ko lang ito–" *PAK* "Aray! Para saan yun?" Himas ang ulo nito na nagtanong sa ama. "Bayaran mo mag isa! Bakit sa akin ka hihingi ng pera? Baka nakakalimutan mo may kasalanan ka pa sa akin bata ka!" Sigaw ng ama nito. "Tsk! Oo na, mommy baka naman." Aniya pa ng binata nang dumako ang tingin nito sa ina at nagtaas baba pa ng kilay. "Teka! Mom may utang din sakin ang isang ito." Komento ni Andriane habang nakaturo pa ang daliri nito sa binata. "Magkapatid naman tayo kaya okay lang yun–aray! Nakakarami ka na ah!" Tugon naman ng binata dito. Inirapan lang naman ito ng dalaga at pinag krus ang mga braso sa ilalim ng dibdib. "Saan nga pala kayo galing?" Tanong ni Ashton sa mga ito. "Sa ospital, pina-check up namin si Andriane." Sagot naman ni Lexus bago sumisipsip ng inumin. "May nangyari ba? Okay ka lang ba?" Nag aalala na tanong ni Ashton sa nakakabatang kapatid. "Ikaw ba yun?" Naguguluhan naman na tumingin ang mga ito sa dalaga. "Ang alin?" Tanong ni Ashton. "Yung batang lalaki, ikaw ba yun?" muling aniya ng dalaga. "Nagugutom na ko mommy may pagkain ba diyan?" Pag iiba ni Ashton ng usapan. Tumayo ito kasunod ang ina. "Mabuti pa kumain na muna tayo." Aniya naman ng ama nito at sumunod na rin ng kusina. "Kuya, may sinabi ba ko na di maganda?" Hindi ito sumagot bagkus ay tumayo ito at ginulo ang buhok ng dalaga at tinungo na rin ang kusina, walang nagawa ang dalaga kundi ang sumunod nalang din ng kusina. *** "Grabe mommy na miss ko itong lutong adobo mo." Maganang tugon ni Ashton sa ina. "Parang isang taon kang hindi kumain ah." Komento ni Andriane na ikinataas ng kilay ni Ashton. "Ikaw mukhang isang taon kang hindi naligo." Pag ganti naman ng binata sa sinabi ng kapatid, pinisil pa nito ang ang ilong at i-minuwestra pa ang pagtataboy na akala mo ay may mabaho talaga. "Tigilan niyo na ngang dalawa yan, ganyan ba kayo sa US?" Pag suway ng ama ng mga ito. "Mas malala pa iyan tito, sa umpisa akala mo nagbibiruan lang sila pero pag iniwan mo ang mga iyan at pagbalik mo sigurado ko parang dinaanan ng bagyo itong bahay niyo." Seryosong tugon naman ni Lexus. "Kayong dalawa! Di na kayo nahiya kay Lexus pag kayo hindi pa umayos mananagot kayo sa akin." Pagbabanta naman ng ina nila. Yumuko naman ang dalawa pero hindi pa rin tumitigil sa pag bulong at pag sipa sa isa't isa sa ilalim ng lamesa. *** "Lumabas ka nga!" Sigaw ni Andriane sa kapatid. "Wow huh! Makapagpalabas ka parang di tayo magkapatid." Aniya ni Ashton, dumapa ito sa kama habang si Andriane ay na ka Indian seat habang yakap ang isang Teddy bear. "Alam mo bang bigay ko sa iyo yang teddy bear na yan?" Pag uumpisa ni Ashton. "Wala ako'ng maalala." "Gusto mo ba malaman kung saan ko yan nakuha?" "Wag mo sabihin ninakaw mo ito?" "Ano? Anung nakaw pinagsasabi mo diyan! Nakuha ko yan sa peryahan in short na palalunan ko." "Ah! Akala ko kung saan mo nakuha." "Di ka kasi makalabas ng bahay nun kasi may sakit ka, tapos tinatanong kita kung anong gusto mo ang sabi mo yung malaking oso–" "Seryoso ka? Malaking oso talaga?" Natatawang tugon nito. "Oo nga, yun ang tawag mo dun tapos pag sinabi ko sayo na teddy bear ang tawag diyan nagagalit ka tapos umiiyak ka kaya nakigaya nalang ako." "May lagnat ba ako nun? Kaya hindi ako makalabas?" "Oo, kaya nung nakita ko yan sa perya naglaro ako alam mo ba kung ilang beses akong naglaro makuha lang yang malaking oso na yan." "Thank you." "Sa malaking oso? Your welcome! Syempre older brother mo ko at saka sayang naman kagwapuhan ko kung hindi ko ipagyayabang diba." Napailing na lang si Andriane sa tinuran ng kapatid nito. "Oo na, nagbuhat ka na naman ng sarili mong bangko." Sabay naman silang natawa. Nagkwentuhan pa ang mga ito hanggang sa tuluyan nang dalawin ng antok. *** "Tulog na ba siya?" Tanong agad ng ina niya pagbaba pa lang ng hagdan. "Opo, ka tutulog lang. Asan si Lexus?" Tanong ni Ashton sabay upo sa single sofa. "Umuwi na at may meeting pa daw siya bukas." "Ng ganitong oras? Anong oras naman siya makakabalik ng US?" Aniya ng binata. "Umuwi lang siya sa bahay nila dito, via video call meeting ang gagawin nila. Ewan ko ba naman sa iyo tapos ka na naman ng pag aaral pero ayaw mong pumasok sa kumpanya nila Lexus." Pahayag ng ama nito. "Alam mo dad, wala lang haha–ARAY!!" "Walangh!ya ka talagang bata ka!" Sigaw ng ama nito ngunit tinawanan lang sila ng kanyang ina. "Tama na yan Andy baka makalog ang utak ng anak mo, wag ka nang magtaka dahil sayo naman nagmana yan ganyan ka rin naman noon sa ama mo." Natatawang pahayag ng asawa nito. "See dad? Mag ama nga talaga tayo! Di mapagkakaila hahaha." "Anung sabi nga pala sayo ni Andriane? May mga tinanong ba siya? May sinabi ka ba?" Muling tanong ng kanyang ina niya. "Wala naman, wala rin naman akong balak na sabihin sa kanya lalo na at ganyan pa ang sitwasyon niya. Saka ko nalang sasabihin pag okay na talaga siya." "Mas mabuti pa ngang wala talaga siyang alam, baka sisisihin na naman niya ang sarili niya at kung anong gawin niya katulad noon." Tugon ng kanyang ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD