Chapter 19

1004 Words
Third person's POV Hindi pa rin kumikibo si Andriane na tila lunod pa rin ito sa mga panaginip niya na nakita kanina, nakasakay ito ngayon sa kotse kasama ang ama't ina nito pati ang pinsan na si Lexus. "Sweetie, are you okay? Kanina ka pa hindi nagsasalita." Tanong ng ina nito pero tiningnan lamang ito ni Andriane. "Hon, hayaan mo na muna ang bata, si Dra. Alvarez nalang ang kakausap sa kanya." Aniya naman ng ama nito, na pa ngiti na lang ang ina niya ng pilit at muling dumungaw sa bintana ng kotse. *** Nang marating nila ang ospital ay agad bumaba ang tatlo habang si Andriane ay naiwan pa rin na nakaupo sa loob ng sasakyan. "Anak bumaba ka na nandito na tayo." Aniya ng ina nito, bumaba naman ang dalaga at nilibot ang tingin sa kabuuan ng lugar, agad itong napaatras ng may stretcher na dumaan sa gilid niya sakay ang isang matandang babae na duguan. Halos malambot ang mga tuhod niya dahil sa itsura ng matanda napasandal ito sa kotse at nanginginig na niyakap ang sarili, agad naman itong dinaluhan ng mga magulang at inakay paupo sa loob ng sasakyan habang ang pinsan naman nito ay tinatawagan ang doctor nito. "U-uwi na tayo." mangiyak-ngiyak na tugon ng dalaga sa ina. "Sweetie kailangan natin pumasok sa loob, saglit lang naman tayo doon." Malumanay na tugon ng ina nito habang hinihimas ang buhok niya. "Uwi n-na tayo please ayoko dito–" "Dra. Alvarez!" Pagbati ng binata sa doktora na papalapit sa kanila. "Goodmorning po, Mr and Mrs Raven." Bumati din ang mag asawa sa doktora pero agad na binalingan ulit ang dalaga dahil sa hindi na ito mapakali. "Ipasok na po natin siya sa loob, dito po ang daan." Inakay ng mag asawa ang dalaga papasok sa loob ng ospital ngunit nagpupumiglas pa rin ito at pa ulit-ulit na sinsabi na ayaw niya sa loob. Nang marating nila ang loob ng ospital ay samu't saring pasyente ang nakakasalubong nila. Panay naman ang lingon ng dalaga sa bawat pasyenteng nadadaan nila, mahigpit itong nakahawak sa kamay ng mga magulang. "Pasok po kayo." Saad ng Doktora. "Siya na po ba yun?" Tanong ng doktora habang nakatingin sa dalaga. Tumango naman ang mag asawa, habang nag uusap ang mga ito biglang tumayo ang dalaga at lumapit sa pinsan nito. "K-kuya, uwi na tayo." malumanay na pahayag ng dalaga sa binata. "Sweetie, saglit lang ito kakausapin ka lang ni doktora." Aniya ng ina nito. Hindi naman ito pinakinggan ng dalaga at sa binata lang ito nakatingin. "Umupo ka na Andriane, saglit lang yan may itatanong lang siya sayo." Nagpumilit pa ang dalaga ngunit umupo din ito ulit sa harap ng doktora, tumayo naman sa likod nito ang binata at pinapakalma ang dalaga. "Andriane, may mga itatanong lang ako sayo. Okay lang ba?" Tanong ng doktora, tumango naman ang dalaga bilang pagsang-ayon dito. "May mga naalala ka ba?" Nagtatakang tinginan ito ng dalaga. "Sa tingin ko doktora wala siyang naalala na kahit ano tungkol sa alam niyo na." Pahayag ng ina nito. "Okay sige, ikuwento mo nalang sa akin kung anong na pa-ginipan mo." tumingin naman ang dalaga sa mga magulang nito ganun din sa kuya nito nasa likuran niya. "Ang naalala ko lang may babae tapos lalaki–tapos tatlong bata." "Sige, kilala mo ba sila?" "Hindi po, napapalibutan ng apoy yung kwarto, may isang babae na walang malay na puro d-dugo at sa tabi niya yung batang babae na umiiyak." "Nakita mo ba ang mga mukha nila?" "M-malabo pero yung isang bata na lalaki nakahiga sa sahig namimilipit sa sakit tapos isang batang babae na kaharap niya na may hawak ng piraso ng salamin na basag–" hindi natapos ni Andriane ang sinasabi ng nanginig ang mga kamay nito at manlabo ang paningin dahil sa mga luha na humaharang dito. "Andriane just calm down, everything is fine." Aniya ng kuya nito. "Hija, just breathe in breathe out." Aniya ng doktora habang iminuwestra ang paghinga, sinunod naman ito ng dalaga at muling umayos ng upo binigyan din ito ng tubig. "Mr and Mrs Raven, pwede ko ba kayo makausap in private?" Tumango ang mag asawa at sinundan ang doktora na pumasok sa isa pang opisina. Habang naiwan naman ang dalaga at ang binata sa loob ng check up room. "K-kuya, uwi na tayo p-please." "Intayin nalang natin sila tita, tapos uuwi na rin tayo." *** "Dra. Alvarez, may problema ba?"aniya ng ama ng dalaga. "Sa totoo lang po Mr. and Mrs. Raven mahirap ang pinagdadaanan ng anak niyo. She has a traumatic experiences dahil sa mga nangyari, at dahil doon wala siyang naalala sa kahit na anong nangyari sa kanya o tungkol sa aksidente." "Paanong wala siyang maalala? Paano naman siya mag ka amnesia kung hindi naman siya nauntog o nabagok ang ulo." Naguguluhan na tugon ng ina nito. "Kadalasan po kasi sa mga pasyente na nakakaranas ng trauma lalong lalo na sa katulad ni Andriane. Bata pa lang siya at walang muwang nung mangyari ang sunog at pangingidnap, kusang nalilimutan o binubura ng sariling utak ang mga ala-ala na nabibigay sa kanila ng takot. Sa case ng anak niyo kusang nag reset ang utak niya at nabura ang lahat ng ala-ala na meron siya nung araw na yun." Mahabang paliwanag ng doktora sa mga ito. "Pero anung tungkol sa panaginip? Bakit bigla nalang siyang nanaginip ng tungkol doon kung wala naman siyang maalala sa mga nangyari." Tanong ng ama nito. "Sa tingin ko ay may nag trigger sa kanya para unti-unti ay bumalik sa kanya ang mga ala-ala na yun sa pa mamagitan ng panaginip." Muling pahayag ng doktora. May mga pinag usapan pa ang mga ito bago sila binigyan ng mga reseta para sa gamot na iinumin ng dalaga. "Maraming salamat doktora." Pasasalamat ng mag asawa bago lumabas ng opisina, nadatnan nila ang anak na natutulog sa hita ng pamangkin. "Tara Lexus, buhatin muna si Andriane." Aniya ng ama ng dalaga. Binuhat naman ito ng binata at dinala pabalik ng kanilang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD