Chapter 21

1028 Words
Sa ilang araw kung nakatambay sa loob ng kwarto ko na ako lang mag isa at ngayon na papasok ulit ako sa school parang naninibago ako kahit iilang araw lang naman iyon. "Bakit papasok ka na agad? Pwede naman na i-send na lang sayo ng mga teacher mo yung mga na missed mo." "Na buburyo na ko sa bahay saka wala naman akong ibang ginagawa doon kung hindi ang tumunganga lang sa loob ng kwarto ko, saka lalo ko lang iisipin yung mga na pa naginipan ko." Mahabang paliwanag ko dito habang na kadungaw sa bintana ng kotse. Hindi pumayag sila mommy na gamitin ko ang motor baka daw maaksidente ako kaya no choice kung hindi ang sumakay sa kotse nitong damuho na ito. "Talaga bang bored ka lang o baka naman may na m-miss ka lang kamo." Aniya nito tinaas baba pa nito ang kilay niya habang nakangiti ng mapang asar. "Tigilan mo nga ako! Ikaw, may utang ka pa sa akin. At saka bakit ba napasok ka pa? Diba graduated ka na katulad ni kuya Lexus?" "Bawal bang mag-aral ulit? Mas maraming pinag aralan mas maganda, at saka di ba nga tinutulungan kita sa mission mo?" Napatingin ako sa pwesto nito ng banggitin niya ang tungkol sa agenda ko. Ngayon ko na lang ulit naisip ang tungkol sa bagay na iyon. "Kalimutan mo na muna ang tungkol sa bagay na iyan, mas pagtuunan mo na lang muna ng pansin ang sarili mo." Hininto nito ang kotse sa tapat ng guard house at saka ibinigay ang id niya bago magpatuloy sa loob ng school parking lot. Baba na sana ito ng biglang sumagi sa isip ko ang huling tanong ko sa kanya noon na hindi naman niya sinagot. Hinila ko ang braso nito at tinitigan ng seryoso sa mata. "Bakit?" "Hindi mo sinagot ang tanong ko." "Anong tanong? Kung bakit ako nag-aaral? Di ba nga para–" Umiling ako dito at mas lalong hinigpitan ang hawak sa braso nito, ramdam ko naman ang pag titig nito sa akin. "I-ikaw ba yun? Yung batang puro dugo–" malumanay nitong tinanggal ang pagkakahawak ko sa braso niya at siya naman pagkuha niya ng dalawang kamay ko. "Andriane, kung ano man ang nakita mo please lang kalimutan muna, hindi mo sinasadya yun–" "A-ako? Anong hindi ko–wag mo sabihin na." Na patakip nalang ako ng bibig ko ng isang imahe ang biglang sumagi sa isip ko malabo pero kitang kita ko kung anong ang nangyari. Naluluhang tiningnan ko ito, bakas sa mukha nito ang pag-aalala, lalapit sana ito pero umatras ako dahilan para mahulog ako mula sa pagkakaupo ko. Agad umikot ang paningin ko sa mga taong nakatingin sa akin ngayon, natatakot man ay pinuwersa ko ang sarili ko para makatayo pero muling bumagsak, sa pagkakataon na ito isang kamay ang humila sa akin patayo. "Baba ka na nga lang patalikod pa." "C-cairo–" "Andie, ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Ashton at saka umikot sa akin para tingnan kung may galos ba ako. "Is she okay?" Rinig kung tanong ni Lucas. "Andie–" Muli itong humawak sa kamay ko pero iniwas ko ito at humakbang paatras sa kanila. "I-im sorry, kuya Ashton." Hindi ko na inintay pa ang mga ito na makasagot at mabilis na tumakbo papalayo sa iba, marami man akong na babangga pero hindi ko ito hinihintuan o nililingon man lang ang gusto ko lang ay makalayo at ilabas ang pesteng mga luha na ito na walang tigil sa pagtulo mula sa mga mata ko. Muli akong na padako sa likod ng school kung saan walang masyadong pumupunta na mga itsudyante. Naupo ako sa isang malaking puno kung sa saan hindi ako agad makikita ng kung sino at doon iniyak ko ang lahat ng sama ng loob ko kahit dapat alam ko sa sarili ko hindi dapat ako ang may sama ng loob kung hindi dapat si Ashton dahil sa akin halos masira ko ang buhay niya, halos ikamatay niya. "H-hindi ko maiintindihan bakit? Dapat galit ka–dapat galit ka sa akin. Ako ang may kasalanan kung bakit halos kalahati ng buhay mo ginugol mo sa ospital, hindi ko–im sorry Kuya." Muli akong na pa hagulgol ng iyak ng marinig ko ang mga katagang nag papahinahon sa akin. "Hindi mo kasalan, wag mong sisihin ang sarili mo sa isang bagay na wala ka naman alam. Bata ka pa noon at takot, hindi kita sinisisi, hindi ako galit sayo–hindi galit si kuya." Yumakap ako ako dito at umiyak ng umiyak hanggang sa nagsawa at napagod na ako. "May balak ka pa ba na pumasok? Isang subject na ang na missed mo." Tumango lang ako dito at ipinamunas ang manggas ng polo niya sa luha at sipon ko. "Oi! Anu ba yan Andie, nakakadiri ka!" Komento nito habang diring diri na nakatingin sa manggas ng polo niya. "Okay lang yan kapatid mo naman ako." Sumisinghot singhot pa na sagot ko dito. Tiningnan lang ako nito na diring-diri at saka naunang maglakad. *** "Mauna ka na, baka hindi mo pa abutan yung next subject mo." Aniya nito sa akin bago tuluyang pumasok ng boys CR. Naglakad na rin ako tungo sa classroom namin, tahimik lang naman sa loob pagdating ko, dating gawi naupo ako sa upuan sa dulo sa tabi ng bintana habang nakatingin sa labas. "Lalim ah." "What do you need?" Tanong ko dito, hindi ko ito tinapunan ng tingin, o kahit sulyap man lang. "I just want to ask if you're okay–" "I'm okay." "Why sudden of mood change?" I face him and look at him emotionless. I don't know what happened to me, a while ago I was just tearing to see him but now I don't know. "I'm just tired." "Tired on what? You can say everything to me–" "I don't need to tell everything to you. I don't need your presence, Cairo." Kita ko sa mukha nito ang gulat at pagkadismaya sa pakikitungo ko sa kanya. "I can't trust no one only myself" Huli kung sinabi bago ako muling tumalikod dito at pinagmasdan ang labas ng building.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD