Chapter 23

926 Words
Kaliwa't kanan ang mga booths na nagkalat sa paligid punong puno din ng mga sari-sari na mga pagkain at kung anu-ano pang papremyo ang mesang naka kalat sa bawat gilid ng paaralan. Samu't saring ingay ang maririnig sa mga itsudyanteng nag kukumpulan at nagkukwentuhan sa buong paligid, tila muling nagbalik ang dating sigla ng lahat at nalimutan na ang mga nakakatakot na pangyayari sa loob ng paaralan. "Nasaan ba si Lucas?" Tanong ni Mathew. "Malamang nambabae na naman, parang di na kayo nasanay." Komento naman ni Liam. "Hindi ba tandem kayo ni Lucas sa pangbababae?" Tanong naman ni Cairo. "Hoy! Wag niyo kung i-gaya sa damuho na yun. Teka nga nasaan ba si Marco? Ilang araw na yun absent ng absent." Tiningnan ni Liam si Mathew na nag aayos ng mesa para sa mga papremyo. "Ang sabi niya ay may inaasikaso daw siya, kaya di siya makakasama dito." Tugon ni Mathew habang inaasikaso ang mga gamit nila para sa booth. "Ano naman daw? Mas mahalaga pa ba yun kesa dito? Aba siya ang vice diba? Bakit ang hilig umabsent ng batang yun, porke't matalino e." Reklamo ni Liam. Hinampas naman ito ni Mathew sa kamay na may hawak na chichirya. "Ano na naman? Ang hilig mang-hampas e." Inis na tugon ni Liam at hinimas ang kamay na hinampas ni Mathew. "Wala si Andriane." Mahinang tugon ni Cairo habang nakatingin sa mga kaklase na tumutulong sa pag aayos ng mga gamit sa booth nila. "Hayaan mo nalang muna siya Cairo, kakausapin din niya tayo. Mukhang may iba pang problema si Andriane." Tugon ni Mathew sa kaibigan. Nagmumukmok naman sa kwarto ang dalagang si Andriane. Napansin din ng mga magulang nito ang pag distansya nito sa kanila, nag aalala sila na baka maulit naman ang ginawa nito sa sarili noon. *Tok*tok* "Andriane, anak hindi ka ba pupuntahang school? Di ba may program kayo?" Tanong ng ina nito, ngunit hindi sumagot ang dalaga. Muling kumatok ang ina ng dalaga ngunit wala talagang sumasagot mula sa loob nang hawakan niya ang pihitan ng pinto ay bukas ito. "Andriane." unti unting binuksan ni Raine ang pinto, bumungad sa kanya ang maayos na higaan ng anak. Tila hindi ito nagamit, sunod niyang tinungo ang banyo para tingnan kung andoon ang anak ngunit wala rin bakas ito ng dalaga lumipad ang kurtina mula sa veranda ng kwarto ni Andriane kaya agad itong pinuntahan ni Raine upang tingnan ang anak doon. "A-Andy-ANDY!!!" Sigaw ni Raine ng makita ang bakas ng mga dugo sa lapag ng veranda. Agad naman pumasok sa loob ng kwarto ang asawa nitong si Andy. "Raine? Anung problema ayos ka lang ba?" Hindi sumagot si Raine at itinuro lang nito ang mga patak ng dugo sa lapag. "Nasaan si Andriane?" Tanong ni Andy sa asawa. "Hindi ko alam, wala siya dito sa kwarto niya. Itong mga bakas lang ng dugo sa sahig ang nakita ko." "Tatawagan ko sila Lexus at Ashton. Huminahon ka lang Raine, wag kang mag isip ng kung anu-ano." Niyakap nito ang asawa dahil sa panginginig. "Tumawag na ba kayo sa mga pulis?" Tanong ni Ashton. Agad itong umuwi sa bahay nila matapos tawagan ng ama. "We need a 24 hours bago tayo mag file ng missing person sa mga pulis, wala bang nabanggit sa inyo si Andriane na pupuntahan niya?" Seryosong saad ni Lexus, kagagaling lang nito sa isang business meeting at agad na dumaretso dito matapos matanggap ang message mula sa ama ni Andriane. "Wala, nitong mga nakaraan na araw biglang nag iba si Andriane-" naputol ang sasabihin ni Andy ng sumingit ng pagsasalita si Ashton. "She knows." Naka yukong tugon ng binata. "Knows about what Ashton?" Tanong ng ama nito. Napabuntong hininga ang binata at seryosong tinitigan ang mga kasama nito. "Sa tingin ko nakakaalala na siya bigla siyang humingi ng sorry sa akin. Naguluhan ako kung bakit siya humihingi ng tawad kaya tinanong ko siya." Tahimik naman na nakikinig ang tatlo kay Ashton. "Ang sabi niya ay ako daw yung batang lalaki na duguan sa loob ng nasusunog na bahay-she saw herself holding a piece of broken mirror covered with my own blood." Niyukom nito ang parehas na kamay dahil sa inis sa sarili, napaiyak naman ang ina nito na pinapakalma ng kanyang ama. "She's confused, we need to find her immediately." Lexus said firmly. Tumayo ito at kinuha ang cellphone sa bulsa at may kinausap sa cellphone. "Nawawala na naman si Andriane, Andy. Paano kung maulit na naman-" "Kumalma ka Raine, walang mauulit. Hahanapin namin si Andriane at iuuwi dito sa bahay." Aniya ni Andy sa asawa, hinalikan pa nito ng ilang ulit ang ulo ng asawa at kinausap upang kumalma ito. Tila bumalik na naman sa kanila ang takot, takot na pilit nilang kinakalimutan sa loob ng ilang taon. Mas kinakatakot pa nila ay ang muling pagbabalik ng mga ala-ala ni Andriane na ayaw nilang ipaalam sa dalaga, natatakot sila na may gawin itong hindi maganda kapag nalaman niya ang katotohanan. "Tito Andy, itawag niyo ito sa head security ng village, sabihin niyo na nawawala si Andriane. I-check niyo na rin po ang cctv footage roon." Aniya ni Lexus, tumango naman si Andy sa sinabi ng pamangkin. "Ashton, maghiwalay tayo sa paghahanap kay Andriane." Pahayag ni Lexus sa pinsan. "Sige, pupuntahan ko din ang mga madalas na lugar na pinuntahan niya at mga posibleng lugar at tao na pwede niyang puntahan." Sagot ni Ashton. Agad silang naghiwa-hiwalay at nag sikilos para gawin ang paghahanap sa dalagang si Andriane. Sa kabilang banda isang babae ang kumausap kay Andriane. "Andriane, long time no see."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD