Chapter 22

1198 Words
Third person's POV "Anyare kay Cairo?" Tanong ni Lucas habang sinisilip ang mukha ng kaibigan na nakatulala. "Ewan, kanina pa yan ganyan." Aniya ni Liam habang simpleng kinukuha ang pagkain na nasa plato ni Cairo. "Baka naman nalipasan ng gutom." Komento naman ni Mathew. "Paanong hindi ma-lilipasan ng gutom yan, tingnan niyo nga yan." Tugon ni Marco na inginunguso ang ginagawa ni Liam. "Aray ha! Bakit kailangan nambatok? Parang di kayo mga kaibigan ah!" Pagkomento ni Liam pagkatapos siyang batukan ni Lucas ng malakas sa likod ng ulo niya. "She–change all of sudden." Biglang na i-satinig ni Cairo ang nasa isip niya kaya agad na pa tingin sa kanya ang apat. "She? Are you referring to Andriane?" Mathew said. "She suddenly change, dahil ba sa nangyari nung nakaraang Linggo? I was–i was just confused." Cairo said. "I think not because of that, she's hiding something from us." Mathew said. "Why'd she's going to hide something from us? You think she didn't trust us?" Lucas said. "That's what she said a while ago she said 'I can't trust no one, only myself.' that's what she said." Cairo said. "Did we really know Andriane the real her?." Liam said. Lahat sila ay natahimik hanggang sa tumunog ang bell na hudyat na tapos na ang klase. *** Sa isang sira at lumang bahay isang iyak ng walang katapusan ang maririnig. Pag iyak nito dala ay paghihiganti, galit, inggit, at pagkasuklam. Isang babaeng na ang gusto ay buhay na hindi kanya ay maangkin, isang pag ibig na dati ay sa kanya na ngayon ay na angkin, at tanging paghihiganti at p**********p sa kanya ang lunas sa kanyang hirap. "Sakim ka! Akin dapat lahat! Ako dapat ang nasa kinalalagyan mo–ako dapat!!" I-winasiwas nito ang dalawang kamay kasabay ng pagkabasag ng mga gamit na nahulog sa lapag. Muli itong umiyak ngunit kalaunan ay ngumiti ng nakakaloko at nakakatakot, tila binubuo sa isip ang planong gustong gawin. "Magpakasaya ka, sulitin mo na ang mga araw na kasama mo sila–magpakasaya ka sa buhay mo. Dahil lahat ng iyo lahat sila ma-papasaakin." Muli na naman itong tumawa hawak ang isang litrato ng dalaga, tumayo ito mula sa pagkakaupo at kinuha ang lighter at siyang ginamit para sunugin ang larawan. Unti-unti ay nilalamon ng apoy ang larawan hanggang sa maging abo ito, pinakatitigan ito ng babae sa sahig at inapakan ng paulit-ulit hanggang sa magsawa ito. *** Tahimik at walang gulong nangyayari sa paaralan muling sumigla at maaliwalas ang paligid ngunit kaliwa't kanan pa rin ang mga seguridad at mahigpit na pag che-check sa mga pumapasok sa paaralan ang kanilang ginagawa. Tila balik na ulit sa dati ang paaralan ganun din ang mga itsudyanteng pumapasok dito–maliban sa isa. Tila nawalan na itong magtiwala pa sa iba, at takot na muling makasakit katulad ng nangyari sa kapatid. Tahimik si Andriane habang nakikinig sa klase ni wala itong kibo o galaw man lang sa kanyang upuan, pinagmamasdan lamang ito ng limang lalaki na ngayon ay naguguluhan pa rin sa tila kakaibang pakikitungo at ikinikilos ng dalaga. Tila bumalik ito sa dating ugali noong unang pumasok ito sa paaralan. "Before I dismiss this class, I want to make an announcement first." Tahimik naman ang ilan sa itsudyante habang ang iba ay inaayos ang mga gamit at nakikipagbulungan. "Since hindi pa pwede gawin ang kinasanayan na school festival, naisip ng mga teachers at head na magsagawa ng maliit na intrams for you–for all students. So may mga palaro tayo pumunta na lang sa faculty room ang president at vice niyo para sila na mismo ang mag explain ng mechanics sa mga laro." "Ma'am may mga pupunta rin po ba na galing ibang schools?" Tanong ng isang itsudyante. "Wala, hindi pa muna pinahihintulutan na tumanggap ng ibang students galing sa ibang schools, mas hinigpitan na ngayon ang securities at pinalibutan na rin ng cctvs sa loob at labas ng school. Kung may mga katanungan pa kayo itanong niyo nalang mamaya sa presidente niyo, class dismissed." Mahabang paliwanag ng guro, mabilis naman nag si-kilos ang mga itsudyante at kanya-kanya itong tabi sa mga kaibigan at bulungan. Habang ang limang lalaki ay tahimik pa rin sa kanilang pwesto ganun rin ang dalaga na si Andriane. "Psst! Cairo!" Pabulong na tawag ni Liam sa kaibigan. "Bakit?" Walang ganang tugon ng binata. Binalingan naman niya ito ngunit ibinalik din ulit ang tingin sa dalaga na kasalukuyang nakatingin sa labas ng bintana. "Gusto mo ba si Andriane?" Walang pagdalawang isip na tanong ni Liam dito. Kita sa mukha ni Cairo ang pag kunot ng noo at gulat dahil sa tanong ng kaibigan. "Mahal ko si Andrea–" "Dude, Andrea is not here ni hindi nga natin alam kung nasaan na yun eh. Nakalimutan mo na ba? Bigla nalang siyang nawala ng walang pasabi tapos biglang sumulpot si Andriane?" Biglang naguluhan sa sariling komento si Liam. Nanlaki ang mata nito at biglang kinulit ang ang tatlo pang kaibigan kaya nag silapitan din ang mga ito. "Anu na naman kalokohan ito Liam?" Tanong ni Mathew. "Ssshh! Baka marinig tayo." Aniya naman nito at pinayuko pa ang mga kaibigan kasama rin si Cairo na wala nang nagawa kundi ang makisali. "Tanda niyo ba? Mga ilang buwan noon ng biglang nawala si Andrea?" Pagsisimula ni Liam. "Oh tapos?" Bored na sagot naman ni Lucas dito. "Diba bigla nalang siyang nawala, ni wala nga pasabi sa atin kahit kay Cairo na boyfriend niya walang paalam na ginawa–" "Why you can't just straight to the point?" Inis na tugon ni Marco. "Eto na nga mga chismoso, nawala si Andrea–pero biglang sumulpot si Andriane na kamukhang kamukha pa. Di ba kayo nagtataka?" Tumingin si Liam sa mga kaibigan na nakatingin lang sa kanya. "Wala ka ba sa hulog nung sinabi ni Ashton na hindi daw nila kapatid si andrea–" naputol ang sasabihin ni Cairo ng biglang sumingit si Liam. "Exactly! Hindi nila kapatid, so bakit magkamukha sila? So anu nila si Andrea?" Makahulugang tugon ni Liam. Napaisip rin ang apat sa sinabi nito. "Pinsan?" Tugon ni Lucas. "Wala naman sa magpinsan ang magkamukha ng ganun. As in parang kambal talaga." Tugon ni Mathew. "Hindi niyo makuha point ko?" Dismayadong tugon ni Liam. "Anu ba ang point mo?" Tanong ni Marco. "Ang point ko, na baka–baka lang naman ah na si Andrea at Andriane ay iisa. Kasi isipin niyo mabuti ah nung time bago mawala si Andrea parang kakaiba na siyang kumilos, parang may tinatago siya." Pagtutuloy ni Liam. "Si Ashton na nga ang may sabi hindi nila kapatid si Andrea so it means nag e-exist talaga si Andrea at magkamukha talaga sila ni Andriane ang hindi lang natin alam ay kung anong dahilan sa pagkawala ni Andrea at kung bakit bigla nalang sumulpot dito si Andriane." Mahabang paliwanag ni Mathew. Pare-pareho man naguguluhan ay i-pinangsawalang bahala nalang ito ng mga binata. Habang si Cairo ay tila iniisip ang mga sinabi ni Andriane noon kung bakit ito narito at ang mga sinabi ni Liam. Hindi kaya'y nagpapanggap lamang ang dalaga na si Andriane bilang iba tao o ang dating dalaga na si Andrea ang nagpapanggap?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD