Chapter 24

1050 Words
Andriane's POV "Long time no see, Andriane. Kamusta ang pagbubuhay prinsesa mo?" Kunot noo ko itong tiningnan. Kahit anung pilit ko ay hindi ko maalala ang mukha nito. "Who are you? Bakit mo ko kilala?" Natatakot man ay hindi ko ito ipinahalata sa taong kaharap ko ngayon. Maayos ang pananamit nito, nakasuot ng itim na sumbrero at facemask, mahabang buhok at maputing balat. "Oh! I'm sorry, hindi mo nga pala nakikita ang mukhang ko dahil sa suot ko." Pahayag niya. Napaatras ako ng humakbang ito papalapit sa akin. "What do you mean? Anu bang kailangan mo?" Tumigil ito ng ilang hakbang sa akin, yumuko ito para pantayan ang mukha ko. "Hmm, walang pinagbago ganun pa rin ang mukha mo. Alam mo bang gustong-gusto ko ang mukha mo na yan?" Komento nito. Pinag landas nito ang hintuturo na daliri sa mukha ko, ramdam ko ang matulis na kuko nito na buma-baon sa balat ko sa tuwing idinidiin nito ang daliri. "S-sino ka ba?" Tinabig ko ang kamay nito. Imbis na magalit ito ay ngumiti lang ito ng nakakatakot. Muli akong napaatras hanggang sa maramdaman ko ang pader sa likuran ko. "Masyado mong pinapadali ang trabaho ko, ikaw na mismo ang nagpunta sa akin? Bakit Andriane, may naalala ka na ba hmm?" "Anung pinagsasabi mo? Anung alam mo?" Umiling nito, umupo ito sa kahoy na upuan at hinila ang isa pang upuan. "Upo ka, dali magkwentuhan tayo." Aniya nito. Hinila ko ang upuan at umupo, ilang segundo pa ako nito tiningnan bago ito magsimula sa pagsasalita. *Flashback* 18 years ago ng isilang ang kambal na sanggol na babae, tuwang-tuwa ang mag asawa dahil sa hatid na saya at blessing sa kanila ng kambal. Bawat segundo ay hindi nila pina-palagpas, kasa-kasama nila ang kambal sa lahat kahit sa pagkain at pagtulog ay katabi nila ito. Sobra-sobra ang pag aalaga na ibinibigay nila dito. Pero hindi nila inaasahan ang pagkakaroon ng sakit ng isa sa kambal. Humihina ang katawan nito, sinabi rin ng doctor na kailangan nilang ilayo ang kakambal nito dahil sa maselan ang isa sa kambal. Maari itong makakuha ng mikrobyo sa hangin na siyang pwedeng ikamatay nito. Simula noon ay inilagay na nila ang isa sa kambal sa isang kulong na kwarto, walang ibang nakakapasok sa kwartong iyon kundi ang mag asawa lamang. Kahit ang panganay na lalaking anak nila ay hindi rin nila pinapalapit dito. "Mommy, bakit po siya nasa loob? Hindi po ba ko pwede sa loob? Gusto ko po makalaro ang baby sister ko." Malungkot na pahayag ng panganay na anak nito. "Hindi pwede anak, maselan ang sitwasyon ng kapatid mo. Doon ka nalang sa kwarto mo o di kaya ay makipaglaro ka sa pinsan mo." Buwan ang lumipas nang mag suggest ang doctor ng kambal na magsagawa ng bone marrow transplant para sa ikagagaling ng bata. Pumayag ang mag asawa dahil sa kagustuhan na gumaling ang anak, agad na inayos ang operasyon para sa bata. Ilang oras ang itinagal ng operasyon hindi mapakali ang ina ng bata kinakabahan ito sa pwedeng ka hantugan ng operasyon. "Bakit ang tagal nila? Gusto ko nang makita ang anak ko." Aniya ng babae. "Huminahon ka, magagaling silang doktor. Hintayin na lang natin na lumabas sila, sigurado akong hindi nila hahayaan ang anak natin." "I'm sorry, pero hindi kinaya ng bata ang operasyon." Komento ng doctor sa mag asawa. Napaupo na lamang ang ina ng bata sa sahig at doon umiyak habang ang asawa naman nito ay kinokompronta ang doctor. "Anong hindi kinaya? Ang sabi niyo ay mapapagaling niyo ang anak ko!" Sigaw nito sa doctor. "Alam ko sir, pero alam naman natin pareho na malaki rin ang tyansa na hindi kayanin ng bata dahil na rin sa mahina nitong resistensya at pangangatawan." Walang nagawa ang mag asawa. Ilang araw ay inilibing na nila ang bata, punong puno ng kalungkutan ang pamilya. Tila nalimutan na may natitira pang isa sa kambal. "Mommy, kumain ka na daw po sabi ni daddy." Aniya ng anak na lalaki nito. "Kumain na kayo, hindi ako nagugutom." Lumipas ang ang anim na taon ay tila lalong lumala ang sitwasyon ng ina ng kambal. Umiiyak ito gabi-gabi, hinahanap ang namatay na anak. "Mimi, why are you crying?" Tanong ng anim na taon gulang na anak babae nito isa sa kambal. "Hindi mo iiwan si mommy diba baby?" Binuhat nito ang anak at inilagay sa kandungan. "No mommy, I will stay promise!" Matamis na ngumiti ang batang babae kaya napangiti na rin ang ina nito. *Present* "Hindi ko maintindihan ang kinuwento mo, ano naman ang kinalaman ko–" "Isa ka sa kambal na iyon Andriane." "Ano? Kami ba ni Andrea ang–" "Hay nako! Kawawa ka naman Andriane ni wala ka talagang alam sa paligid mo." Tumayo ito habang tumatawa, sinundan ko ito ng tingin pumasok ito sa loob ng isang kwarto. "Gusto mo ba malaman ang tungkol sa pagkamatay niya? Halika, at sasabihin ko sa iyo." Tuluyan itong pumasok sa loob ng kwarto, tumayo ako at tinungo ang kwarto na pinasukan niya. Itinulak ko ang pinto at dahan dahan na pumasok sa loob, bumungad sa akin ang walang laman na kwarto. Madilim may kaunting liwanag dahil sa bukas na bintana, inilibot ko ang paningin ko nahagip ng mata ko ang isang anino na nakatayo sa gilid ng pinto. Nakatingin ito sa akin at nakangiti, napaatras ako dahil sa paghakbang nito paabante dumaloy sa katawan ko ang takot. Nagsimulang ma-nginig ang katawan ko wala rin boses na lumalabas sa bibig ko, napaupo ako sa sahig dahil sa panghihina ng mga binti ko. "Kamusta? Pamilyar ba sayo ang kwartong ito?" Pumantay ito sa akin, natamaan ng liwanag ang mukha nito, kita'ng kita ko ang nakakatakot na mukha nito. Pumikit ako ng mariin dahil sa hilo, bumalik na naman sa isip ko ang mga imaheng lagi kung na pa panaginipan. "Mamatay tao ka, pinatay mo ang kapatid mo Andriane, ikaw mismo ang pumatay sa kanya!" "Hindi! Wala akong pinapatay imposible!" "Naalala mo ba? Ikaw rin ang sumaksak sa kapatid mong lalaki? Pa ulit-ulit mo siyang sinaksak–dito mismo sa kwartong ito!" "H-hindi! Manahimik ka! Sino ka ba?" "Sino ako? HAHAHA! Hindi mo ba ko nakikilala? Ako ito si Andrea! Yung kapatid na pinatay mo!!" Tinanggal nito ang sumbrero at facemask na suot saka ngumiti sa akin ng nakakatakot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD