Chapter 10

1104 Words
"Basta pag ma'y kailangan tawagan mo ako huh?" Ilan beses na ba niya nasabi yan. 13x times na ata. "Oo nga, bakit ba ang kulit mo? Alis na nga!" "Aba! Pinagtatabuyan mo na ako ngayon porque malaki ka na? Baby ka pa rin para sakin!" Nakapamewang na aniya nito habang nakaturo ang isang daliri nito sa noo ko. Hinawakan ko ang daliri niya na itinutulak ang noo ko saka mahigpit na i-tinabingi ito. "Aray! Isa Andie! Namumuro ka na!" Binitiwan ko ito tinalikuran sabay upo sa upuan ko. Nakita ko pa rin ito sa labas ng pinto ng room namin, matalim itong nakatingin sakin sabay tingin sa katabi kung upuan. Doon ko lang napansin na nandito na rin pala ang asungot. Muli kung tiningnan si Ashton na tila kulang sa kain, taas baba ang kilay nito sabay takip sa bibig na para ba'ng kinikilig ito. Mukha siya bulate na nilagyan ng asin parang t*nga lang! Ilang minuto pa ay dumating na ang prof namin, agad itong nag attendance. "Okay class we have a debate, girls kindly move here and boys dito kayo." Bale, lahat ng girls sama-sama sa kanan at ang boys ay ganun din sa kaliwa. "All of you need to participate in this debate I will grade you individually so gandahan niyo ang mga sagot niyo." Kinuha ni sir mga index card kung saan nakalagay ang mga names namin. "This debate will start with Micah Alvarez and Harold Sebastian, your topic is regarding sa kung ano ang magandang gamit plastic bag or paper bag." "Lady's first, gentleman ako eh." Saad ni Harold irap lang ang itinugon ni Micah bago ito nagsimulang magsalita. "For me it's a plastic, bakit? Easy to use, to handle, and reusable pa and of course the fashion." "Sabihin na natin na maganda nga ang plastic, pero ang tanong maganda din ba ang idinudulot nito? Number 1 common problem sa bansa ang mga reuse na plastic dahil dito nag cause ito ng baha dahil sa mga pagbara nito sa mga bang-bang. At ang plastic ay nakakasama sa kalusugan which is known as chemical waste na pa kalat-kalat lang kung saan saan." Ohhh! Talo ata kami haba ng sinabi e. "Next, Nicolo and Grace. Same topic you may start." "Plastic are commonly problem in our country, but if we know how to use it properly mababawasan ang problema katulad ng pag reuse ulit nito. Matibay ang plastic at on the go dahil kahit saan hindi katulad ng paper bag we don't know kung kailan ito masisira it's only a paper kapag nabasa sira na agad at saan ba gawa ang paper bag diba sa mga puno din naman which is nag cause ng pag kalbo ng bundok at pag na kalbo ang mga bundok di nila magagawang sipsipin ang tubig ulan na siyang pwede idulot ng ng landslide at iba pang sakuna." Very well said grace! Agree ako sayo. "Paper bag are the most suitable for everyone, dahil kahit masira ito pwede naman agad palitan. And paper bags or paper are reusable too, katulad na lang ng mga papercrafting we use small papers o yung mga sobra o di nagamit. Papers are number 1 common need ng tao, sa lahat ng aspeto ng buhay natin kasama natin ang papel, sa school paper works, group reporting, sa opisina, bahay ospital lahat ma'y papel." Makailang tawag pa si sir bago tinawag ang pangalan ko. Agad akong tumayo at iniintay na tawagin din ni sir ang ka debate ko. "Andriane and Cairo. Let's change the topic. Revenge or forgiveness." Kunot noo akong tumingin sa gawi ni sir, nakangiti ito mukhang interesado siya sa topic namin. "You may go first Andriane." tumango ako at umayos ng tayo, seryosong tiningnan ko ang mukha ni Cairo. Seryoso lang din itong nakatingin sa akin at hinihintay ang sasabihin ko. "Revenge, sabihin na natin na masama ang paghihiganti, pero di niyo ba naisip ang dahilan ng taong naghihiganti? Hindi sila bumabawi para lang makasakit o makaganti sa taong ma'y atraso sa kanila they do revenge for justice, they want to know the truth. And forgiveness? Hindi madaling magpatawad lalo na yung taong akala mo na po-protekta sayo ay siya pa pala yung taong unang una na mananakit sayo. Nasaktan ka natural gaganti ka, di ka naman martir para di makaramdam ng sakit." "Masama ang gumanti lalo na kung hindi mo pa naman ang lahat. Alam ko na nasaktan ka pero tama ba na mandamay ka pa ng iba para magawa mo ang paghihiganti na gusto mo? Magagawa mo na magpatawad kung tanggap mo at alam mo sa sarili mo na mali ang ginagawa mo." "Are you saying na magpatawad na lang ako instead of revenge? Let me ask you Cairo, nasaktan ka na ba? Yung sakit na kahit anung gawin mo na pag gamot di nawawala? Yung sakit nang mawalan yung feeling mo kasalanan mo kasi wala kang nagawa. Naranasan mo na ba? Kung hindi then to tell you hindi mo gugustuhing maranasan." "Why are you always blaming yourself? Kahit alam mo naman sa sarili mo na di mo kasalanan idiniin mo pa rin sa utak mo na kasalanan mo dahil wala ka dun. Takot ka Andriane, takot ka na masisi ka ng iba kaya inunahan mo na sila...takot ka na mag isa." "O-oo takot ako, buong buhay ko nakatago ako sa pagkataong di naman sa'kin. Nabubuhay ako para sa taong yun para protektahan siya para pasayahin siya. Pero sa isang iglap yung taong pinapahalagahan ko bigla na lang sumuko at iniwan ako, iniwan ako mag isa at nabubuhay ako sa buhay na meron siya n-noon–" "That's enough." yumuko ako hindi dahil sa nahihiya ako, kundi dahil sa mga luhang gusto na namang kumawala sa mga mata ko. Kinakain na naman ako ng emosyon ko, nadala ako sa bwisit na debateng ito. Nagpaalam ako kay sir na mag CR lang ako, ako lang mag isa lang akong naglalakad dito sa hallway lahat ng itsudyante ay nasa kanya kanyang room. Agad akong pumasok sa loob ng CR at ini-lock ang pinto, gusto kung mapag isa. Gusto kung ilabas ang ibang sakit na nararamdaman ko ngayon baka kasi di ko kayang at yun na lang ang ikamatay ko. "Bakit ba nangyayari sakin ito? All this years nagtatago ako, pero ngayon nakuha ko na ang gusto ko. Malaya ko na gawin ang gusto ko di ko na kailangan magpanggap na ibang tao, pero bakit parang kulang? Bakit parang ma'y mali?" Napahilamos nalang ako sa mukha ko. Gusto ko nang matapos ito. "Bakit ka ba talaga nagpakamatay Andrea? Nagpakamatay ka nga ba talaga o may pumatay sayo? Sa anong dahilan?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD