Chapter 14

1286 Words
Third person POV "Saan po ba tayo pupunta? Tanong ng isang bata. "May pupuntahan lang tayo, diyan lang." Tugon naman ng kasamang batang nito. "Baka hanapin tayo nila mommy, saka magagalit si kuya pag nakita niyang wala tayo dun." "Manahimik ka nga! Puro ka paawa, ikaw lang naman ang hahanapin nila hindi ako!" "Hindi totoo yan, hahanapin ka din nila, tara na umuwi na tayo." Hinigit ng bata ang braso ng batang humihila sa kanya ngunit hindi nagpatalo ito at mas hinila niya ito ng mas malakas papasok sa loob ng lumang bahay. "Bakit tayo nandito? Sinong nakatira dito?" "Nandito na kami!" Isang magandang babae ang lumabas mula sa kusina. "Siya! Siya ang sinasabi ko sa iyo na anak mo." Gulat na tiningnan ng bata ang kapatid. Lumapit sa kanya ang babae at hinawakan ang kamay niya pero hinala niya ito at nagtago sa likod ng kanyang kapatid. "A-anak, ako ito si mama mo." Lumandas sa pisngi nito ang luha at nangangatal na inaabot ang bata mula sa likod ng kapatid nito. "Katulad ng usapan, isasama mo siya at ilalayo na sa amin at wag na wag na kayong magpapakita." Tumango ang babae, itinulak naman ng nakatatandang kapatid ang takot na batang kapatid. "Wag mo kong iwan dito–" "Diyan ka! Siya ang mama mo kaya sasama ka sa kanya sa ayaw at sa gusto mo!" Iwinaksi ng panganay ang braso niya para mabitawan ito ng batang kapatid, mabilis naman tumakbo palabas ng bahay ang nakatatandang kapatid nito habang umiiyak. Samantala sa loob ng bahay walang ginawa batang babae kundi ang umiyak ng umiyak. "Tumahimik ka na!" "Nestor wag mo'ng sigawan ang bata." agad na lumapit ang sinasabing ina ng bata. "Anak tumahan ka na, pasensyahan mo na lang ang tito Nestor mo pagod lang yan sa trabaho." "Gusto ko na'ng umuwi." "Ilang beses ko ba uulitin dito ang bahay mo, anak kita kaya dito ka sa akin titira.." inis na tugon ng babae "Hindi kita kilala! Raine ang pangalan ng mommy ko at hindi ikaw yun!" Isang malakas na sampal ang iginawad nito sa batang babae, umiyak mula ang bata at ininda ang sakit at hapdi ng pisngi niya. "Sorry anak." "Wag mo kung hahawakan!!" Ilang araw na ang nakalipas nang iwan ng nakatatandang kapatid ang batang kapatid nito sa bahay na iyon. Halos magkagulo g**o na ang lahat nang nakatira sa mansyon dahil sa pagkawala ng bunsong anak ng mga Raven. "Anong wala? Ginagawa niyo ba talaga ang mga trabaho niyo? Ilang araw ng nawawala ang anak ko!!" Naghihinagpis na aniya ng ina ng bata, si Raine. "Ginagawa ho namin ang lahat para mahanap ang anak niyo sa ngayon wala ho talaga kaming makuhang lead kung nasaan siya." Aniya ng pulis. "Andy ang anak natin, hanapin mo ang anak ko. Parang awa mo na hindi ko kakayanin kapag nawala sa akin ang anak ko." "Hahanapin namin siya makikita din natin ang anak natin, hindi kami titigil hanggat di natin siya nahahanap." Seryosong pahayag ng ama ng bata. Sa kwarto ay nagkukulong ang panganay na anak ng mga Raven, hindi ito lumalabas sa isip nila ay nalulungkot din ito sa pagkawala ng kapatid pero kabaliktaran ito. Isang padabog na pagbukas ng pinto ang gumising sa diwa ng batang babae, bumungad dito ang galit na galit na kapatid nito. "Nasaan siya?" Galit ang mga mata nito, nakayukom ang kamao. "H-hindi ko alam,kuya." malalaking hakbang ang ginawa nito at hinawakan ang braso ng batang babae at saka iniharap sa kanya. "NASAAN ANG SIYA?" "K-kuya masakit p-po." umiiyak na tugon nito habang pinipilit na alisin ang kamay ng kapatid sa braso niya. "Sinungaling!!! Saan mo siya dinala?" Umiling ang batang babae at sumigaw ng tulong. "MOMMY!!!" Agad na nagsi-akyatan ang mag asawa sa kwarto, nadatnan nila ang sitwasyon ng dalawa. Agad na inilayo ni Andy ang anak na lalaki sa anak na babae na ngayon ay humahagulgol na ng iyak. "Ashton! Anu ba'ng ginagawa mo? Bakit mo sinasaktan ang kapatid mo?" Tanong ng ina nito. "Alam niya kung nasaan siya, sabihin muna kung nasaan siya!" Muling sigaw nito. "Totoo ba anak? Sabihin mo sa amin nasaan ang kapatid mo?" Malumanay na tanong ni Raine. "Bakit ba hinahanap niyo pa siya? Andito naman ako, wag niyo na siya hanapin kasama na niya ang mama niya!" Napasinghap si Raine sa tinuran ng bata. "Anong–sinong mama? Anak saan mo dinala ang kapatid mo?" Napataas ang tono ng boses ni Raine. Muling napaiyak ang batang babae at inulit-ulit ang salitang 'ako nalang'. "Ashton bumababa ka at sabihin mo sa mga pulis na ma'y lead na." Agad naman bumaba si Ashton para sabihin sa pulis ang sinabi ng ama, muli namang nagsisigaw ang bata. "Hindi! Kasama na niya ang mama niya, hayaan niyo na siya doon." Nakaluhod ito at umiiyak. "Anak anu ba ang nangyayari sa iyo? Paano mo nagawa ito sa kapatid mo?" Umiiyak na saad ni Raine. Nasa likod naman nito ang asawang si Andy at pinagmamasdan lang ang mga kilos ng anak. *** "Sumusobra ka ng bata ka!" "A-aray! Tama na p-po--" "Iyan na nga lang ang pagkain itinapon mo pa! Wala ka talagang kwentang bata ka!" Pinagpapalo ng amain ang batang babae walang pakialam kung saan man niya tamaan ang bata. "Anu na naman ba iyan?" Sigaw ng ina ng bata. "Iyang anak mo, tinapon ang pagkain! Pagsabihan mo yan wala na ngang naitutulong na mu-mwerwisyo pa!" Tumayo ito at sinipa pa ang bata kahit namimilipit na ito sa sakit. "Sinabihan na kita diba wag na wag mo nang ginagalit ang tito Nestor mo, oh iyan tuloy ang napala mo. Linisin mo yan pag balik ko wala na dapat kalat riyan." Aniya ng babae at sinundan ang kinakasama nito. "M-mommy." walang tigil sa pagtulo ang luha ng bata habang nililinis ang pagkain na natapon sa sahig. Niligpit niya rin ang mga bote ng alak na nakakalat sa lamesa lahat iyon ay inilagay niya sa isang tabi ng basurahan. Muling lumabas ang ama-in niya at tila may hinahanap ito. "Sinong naglagay nito dito?" Turo nito sa bote ng alak na sarado pa. "A-ako po–" "HINDI KO PA NGA NABUBUKSAN ITATAPON MUNA AGAD? TANGA KA BA HUH??"sigaw nito, hinablot nito ang leeg ng bata at itinaas, walang awang inuga uga nito ang bata na halos hindi na makahinga. "S-sorry a-ackk po–" hinampas hampas ng bata ang kamay nito di sinasadyang nasagi niya ang boteng hawak nito at tuluyang nabasag. Sa inis ng lalaki ay inihagis nito ang bata sa aparador at pinag sisipa. *Cough*cough* "A-ahh tama n-na po." Nagmamakaawang aniya niya pero walang tigil ang lalaki hanggang sa awatin ito ng babaeng kinakasama nito. "Bakit ba kasi kinuha mo pa ang batang iyan! Wala na ngang pakinabang perwisyo pa bwisit!!!" "Anu na naman ba ang ginawa mo?" Aniya ng babae itinayo nito ang bata at inalalayan niya itong umupo at kinuha ang medicine kit mula sa aparador. "Gusto ko na po umuwi, parang awa niyo na po ibalik *cough* niyo pa ko." "Ayaw mo ba kung kasama?" Malungkot na aniya ng babae. "Iuwi niyo na po ko." Tugon ng bata. Walang nagawa ang babae kundi gamutin nalang ang sugat ng bata mula ulo nito leeg at mga braso't binti ay ma'y sugat. Huli nitong itinaas ang tshirt na suot nito, bumungad sa kanya ang pasa nito sa tagiliran pero ang ikinagulat niya at wala itong peklat. "Nasaan ang peklat mo?" Kinakabahan na tanong nito sa bata. "W-wala po *cough* ako'ng peklat." mahinang tugon ng bata "Pero may peklat ka nung bata ka pa nakuha mo yun nung–oh diyos ko!" Naluluhang tiningnan niya ang kabuuan ng bata doon lamang niya napagtanto na hindi ito ang totoong anak niya. "Hindi i-ikaw ang anak ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD