Chapter 3

2653 Words
It's been a month simula nang pumasok ako dito sa school and wala pa rin akong makuha na kahit anong evidence sa pagkamatay niya. Kahit na may mga nalalaman ako na konting detalye hindi ko pa rin alam kung anung connect ng mga yun sa pagkamatay ng kapatid ko. Nandito ako ngayon sa rooftop nakaupo sa barrier maaga akong pumasok dahil masyadong akward sa bahay, halata naman na ka iiyak lang ni mommy pero hindi niya ipinahalata sakin habang si daddy tahimik lang na nag babasa ng newspaper. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw nila sabihin sakin ang problema, may karapatan din naman ako bilang miyembro ng pamilya. Napabuntong hininga nalang ako at saka itinuon ang atensyon sa mga papel na hawak ko na naglalaman ng impormasyon ng mga taong naging malapit kay Andrea. >Cairo Luis Anderson - 20 years old - The heir of Anderson group of company - Boyfriend of Andrea Louise Raven - in a relationship for 2 years >Marco Lim - 19 years old - second son of Lim family -SSG Vice President - a chess player >Mathew Lim - 20 years old - SSG President - first son of Lim family (older brother of Marco) >Lucas Nathaniel Saavedra -19 years old - team Captain of basketball team - a playboy and chick magnet >Liam Juarez III - 20 years old - A chess player - Playboy heartthrob >Jane Arielle Juarez (Janelle) - 19 years old - younger sister of Liam Juarez - bestfriend of Andrea Etc. "Anu bang koneksyon ng mga taong ito sa kapatid ko?" Marami pang mga nakasulat na pangalan katulad ng mga nakaaway at mga naging malapit kay Andrea. *Kring*kring* Janelle's Calling Who's Janelle? Oh the best friend of Andrea. "Hello?" [A–andrea! I'm really sorry, sorry!] Napuno ng iyak at hikbi ang kabilang linya. I don't know who's this Janelle but my inner self told me I know her. "Where are you?" Bumaba ako ng rooftop habang nasa tainga ko parin ang cellphone. "Sa abandonadong–" naputol ang sasabihin niya at nakarinig ako ng malakas na sampal. Kasunod ng sunod-sunod na daing, hindi ako mapakali kaya umikot ako sa buong school. "Abandonadong ano? Saan ba 'yon?" Mas lumakas lalo ang mga daing na may kasama na ngayong pagmamakaawa. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya kahit may mga na babangga na ako na ibang studyante wala akong pakialam. *Bogssh!* "What the fvc–" hindi ko pinansin yung nabangga ko at tuloy tuloy pa rin sa pag lakad takbo na ginagawa ko, makalalabas na sana ako nang building ng biglang may humila sa braso ko. "Anong problema?" Tiningnan ko lang siya saka dumako ang tingin ko sa kamay niya na nakahawak sa pulsuhan ko. Sunod naman na humahangos ng dating ang apat pa niyang mga kaibigan dahil sa paghabol sa kanya. "Where's abandoned place here?" Tinignan lang nila ako ng mga nagtataka nilang mga mata. "Why are you asking?" Mathew asked. "May t-tagpuin ka doon noh?" Lucas said habang taas baba ang kilay nito. Sa inis ko hinatak ko ang kamay ko at lumabas ng building. Wala akong mapapala sa kanila, sinasayang lang nila ang oras ko. "Andriane!" Napalingon ako sa boses na pinanggalingan noon. Tumatakbo papalapit sa pwesto ko sila Cairo. "Ano na naman ba? Pwede ba tigilan niyo ang ka susunod sa akin, na sasayang ang oras ko sa inyo." Nag papadyak ko silang tinalikuran pero na ka ilang hakbang palang ako nang banggitin nila ang taong hinahanap ko. "Hinahanap namin si Janelle dahil nauna siyang pumasok sa akin. Hindi ko naman siya ma-contact, kaklase ka niya hindi ba?" Saad ni Liam na may pag aalala sa boses. "T–tumawag siya sa akin, i mean dito sa cellphone tapos.." pinakita ko sa kanila ang call log sa cellphone ng bigla akong hilahin ni Liam. "Nasaan siya? Sabihin mo sa akin?" Nanghihinang umiling ako sa kanya gusto kung magsalita pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. Agad akong hinila ni Cairo at pinakalma naman agad ng tatlo si Liam ng bigla makarinig kami ng sigaw sa dulong parte ng school. Dali-dali kaming tumakbo sa pinanggalingan ng sigaw at halos manlumo ako sa nakikita ko. "JANELLE!!" sigaw nila Liam agad nilang nilapitan ito habang sila Mathew ay tiningnan ang buong paligid ng abandonadong building. Gusto kung lumapit at tingnan ang kalagayan niya pero napako ang mga paa ko sa mismong kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang gagawin bigla nalang nag unahang tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan sa pagpatak, tila bumalik sa akin ang lahat ng sakit sa pagkawala ni Andrea. Binuhat ni Liam si Janelle at itinakbo agad papasok ng building.. "Tara na." Hinila ako ni Cairo pero ayaw gumalaw ng mga paa ko, wala pa rin tigil ang mga luha ko sa pagpatak sinalubong ni Cairo ang mga tingin ko at saka pinunasan ang mga luha ko gamit ng daliri niya. "Hindi mo kasalan." Sa tatlong salita na sinabi niya mas lalo akong naiyak, itinakip ko ang mga palad ko sa mukha ko at nagpatuloy sa pag iyak. Kahit hindi nila sabihin, alam ko sa sarili ko na may kasalan ako. "Kasalan ko, w–wala na naman akong nagawa. Katulad ng nangyari kay Andrea wala rin akong nagawa para tulungan siya. K–kasalan ko." Niyakap lang ako ni Cairo habang hinaplos ng mahina ang likod ko. "Tara na." Nang hindi ako umimik binuhat niya ako, ipinulupot ko nalang ang mga kamay ko sa leeg niya habang nakasubsob din ang mukha ko sa gilid ng leeg nito. *** Nagising ako sa ingay na naririnig ko. Inilibot ko agad ang paningin ko sa loob ng kwarto.. 'Nasaan ako?' Agad nahagip ng mga mata ko si lucas at Cairo na nag aaway sa sofa. Bigla akong na paupo sa pagkakahiga ko nang maalala ko ang mga nangyari. "Magpahinga ka nalang muna, sabi ng doctor masyado ka daw na gulat sa mga nangyari kaya i-pagpahinga mo nalang muna." Hindi ko pinansin ang mga sinabi ni Cairo. "S–si Janelle? Ayos lang ba siya? Nasaan siya?" Sunod-sunod na tanong ko. Nagtinginan si Cairo at Lucas bago itinuon ulit ni Cairo ang atensyon niya sa akin. "Nasa ICU siya.." Bumaba ang tingin niya sa mga kamay ko na nilulukot ang kumot na nakatakip sa kalahati ng katawan ko. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at saka pinisil ng marahan. "She's in a coma." Bigla kung na higit ang hininga ko para bang may kung ano ang nakaharang sa lalamunan ko. "N–no, she's not.." muling naglandas sa pisngi ko ang mga luha na wala na namang katapusan sa pagpatak. "Teka lang! Naguguluhan ako." Napatingin kami kay Lucas nang bigla na lang itong sumigaw. "First of all nakakagulat ang nangyari kay Janelle, dahil alam naming lima na walang kaaway yun, tapos ikaw sabi ni Cairo hindi daw ikaw si Andrea pero sh*t! Kamukhang-kamukha mo siya? Tapos simula nang dumating ka dito sunod-sunod na ang mga nakakatakot na pangyayari sa school. Yung tatlong studyante na kasama mo pumunta ng guidance office pagkatapos nila sa community service nila bigla nalang silang nawala at nakita sila pagkalipas ng tatlong araw, doon din sila nakita sa building kung saan natin nakita si Janelle." Mahabang paliwanag nito. "What do you mean? Anung nakita din sila doon?" Naguguluhan ko din na tanong. Napaupo ito ulit sa sofa at pinag saklop ang mga kamay. *Flashback* THIRD PERSON'S POV Inis na naglilinis ng school grounds ang tatlong itsudyante, inis na inis naman na binubunot ni Katie ang mga d**o sa grounds at inihahagis ito kung saan-saan. "Nakakainis talaga ang babaeng iyon! Tumawag tuloy si daddy, grounded daw ako nakakainis." Tumayo ito umupo sa isang bench malapit sa pwesto nito. "Katie, wag kanang maupo lalo tayong hindi matatapos eh!" Reklamo naman ng isa pa na kasama nito habang nag pupulot ng mga kalat at inilalagay sa trash bag. "My god! Gusto ko nang umuwi, kanina pa ko nagwawalis hindi naman maubos ubos itong mga dahon na ito!" Reklamo pa ng isa nilang kasama. "Na guidance na naman kayo?" Agad na napalingon ang tatlo sa pinanggalingan ng boses. "Ano ang ginagawa mo rito?" Student 2 "Kinakamusta ko lang naman kayo, masama ba yun?" Aniya nito sabay ngiti. Tila nakaramdam ng takot sa katawan ang tatlo kaya umatras sila para hindi sila malapitan ng dalaga. "Anu ba talagang kailangan mo? Wala na kaming atraso sayo hindi ba?" Matapang na sambit ni Katie kahit alam niya sa sarili ang takot na lumukob sa buong katawan niya. "Well, let just say kailangan ko makasigurado na mananahimik kayo sa lahat ng alam niyo." Humakbang ito papalapit sa kanila at tumigil ng isang dipa ang layo mula sa tatlo. "Wala kaming pinagsasabihan ng mga alam namin promise!" Aniya ni Katie. "Really?" Humakbang pa ulit ito ng isang hakbang kaya na paatras ulit ang tatlo hanggang sa napasandal nalang sila sa puno, nangangatog na tumango ang tatlo bilang sagot. "Then, how about you?" Tumingin ito sa isa nilang kaibigan na umiiling sa takot. "What do you mean 'how about her'?" Naguguluhan tanong ni Katie. "Why don't you ask her?" Aniya ng dalaga saka iniwan ang tatlo na naguguluhan. Nakahinga ng maluwag ang tatlo pero hindi pa rin nawawala sa isip ang tinuran ng dalaga sa kanila. "Liane anong sinasabi niya?" Tanong ni Katie sa kasama. "Anung ginawa mo Liane? Magsalita ka!" Tanong ng isa pa nilang kaibigan. Yumuko nalang si Liane at umiyak habang hindi makapaniwala ang dalawa sa isiping may pinagsabihan pa ito na iba. Lumapit si Katie at hinawakan ang magkabilang balikat ni Lian, kitang kita sa mga mata nito ang takot at pangangamba na kung ano ang pwedeng mangyari sa kanila. "Liane, sinong pinagsabihan mo? Anung sinabi mo Liane?" Inuga ni Katie ang balikat ng kaibigan na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin. "Katie, lalo mo lang siyang tinatakot. Wala naman na tayong magagawa kung may na pagsabihan na siya ang alalahanin natin kung may pinagsabihan ba na iba yung taong kinausap ni Liane." Aniya ni Aria ang pinsan ni Liane. "Sorry, narinig ko kasi siya may alam siya p–pero hindi lahat. Nandoon siya nung araw na yun. Ipinaliwanag ko lang ang side ko..yung side natin, nakokonsensya na ko sa ginawa natin." Nangangatal na saad nito sa dalawa. Hindi naman makapaniwala ang dalawa sa mga naririnig nila. Bigla-bigla na lang silang nakaramdam ng takot, takot na baka sila naman ang isunod nito. Sa isang dako naroon ang isang tao na nakamasid lang sa kanila. May ngisi ito sa labi na nakakapangilabot. Nakasandal lamang ito sa poste ng ilaw habang sumisipsip ng inumin nito. "Lahat ng sagabal, dapat mawala. Wag kayong mag-alala hindi ko pahahabain ang paghihirap niyo." Ngumisi ito na para bang naglalaro na sa isipin niya ang gagawin sa tatlo. *Reality* Andriane's POV "Natagpuan sila na walang malay, punong puno sila ng sarili nilang dugo. Lahat sila nakagapos sa upuan may tali sa bibig, kamay at paa." Aniya ni Lucas na nangilabot sa ikinuwento. "Sino ang may gawa? Asan na sila ngayon?" tanong ko dit. Tila may nagsasabi sa akin na puntahan ko ang tatlo pero natatakot din ako sa pwede kung malaman. Madaming tumatakbo sa isip ko sa sobrang dami parang gusto ko nalang sumabog. "Walang nakakaalam kung sino ang may gawa, walang nakita sa cctv. Ang sabi ng mga pulis mukhang ilang araw na daw nandoon ang tatlo dahil sa mga natuyong dugo sa mga katawan nila." Saad muli ni Lucas. "Adriane, mag pahinga ka nalang muna. Wag munang isipin pa ang mga sinabi ni Lucas, ang mga pulis na ang bahala doon." Tumango nalang ako at saka muling humiga. Pagkatapos niya masigurado na maayos na ang lagay ko saka sila nagpaalam sakin na pupuntahan lang daw nila sila Liam. "Kakayanin ko pa ba? Nagsisimula pa lang ako pero bakit parang gusto ko nang sumuko." *** Kanya kanyang usapan ang mga miyembro ng Student council, hindi sila makapaniwala sa mga nangyayaring sa loob ng paaralan. Natigil lamang sila nang pumasok ang SSG President at Vice President. "Bakit kayo lang? Nasaan si Cairo?" Tanong ng 4th year representative. "Nasa ospital siya at may inasikaso, sa ngayon tayo nalang muna ang mag uusap." Saad ni Mathew at naupo sa pwesto nito at gayon din si Marco. Tahimik lang ang ibang miyembro habang nakikinig sa mga sinasabi nila Marco at Mathew. "Sa ngayon lahat ng studyante ay hindi muna maaring pumunta sa likod ng school kung maari lahat ng representative ay siguraduhing lahat ng studyante ay nasa kani-kanilang room kapag oras na ng klase." Saad ni Mathew habang tinitingnan isa-isa ang mga representatives. "May mga dinagdag din na securities sa lahat ng sulok ng school at nag dagdag din ng mga cctv cameras. Pinapayuhan din na kung maari lahat ng studyante ay hatid sundo ng mga magulang nila o mga driver nila, pinagbabawal na rin ni Cairo ang mga taong pumapasok ng school na hindi naman dito nag aaral. Wala na rin munang mga big events kailangan matapos muna ang kaso bago maibalik sa dati ang school." Saad ni Marco na nakaharap sa laptop nito at nag tatype. "Ibig sabihin din ba ititigil din ang preparations para school festival?" Tanong ng 2nd year representative. "Sa ngayon ititigil muna ang lahat ng preparations para diyan. Maari kasing sa mismong event may mangyari na naman na hindi maganda." Tugon ni Mathew. "Alam niyo na ba ang tungkol sa pag tatransfer ng ibang studyante? Kumakalat na sa ibang school ang nangyari, at ang iba na nakapasa sa entrance exam ay umurong na dahil sa kaguluhan na nangyayari dito sa loob ng school." Saad ng 3rd year representative. Kanya-kanya naman bulungan ang iba pang representatives. Na pahilot na lamang si Mathew sa sintido, hindi niya akalain na may ganitong kalaking problema siya na kahaharapin. Matapos ang meeting naiwan sila Mathew at Marco sa conference room. Bagsak na i-sinandal ni Mathew ang katawan sa sofa matapos ibilin sa iba pang representatives ang mga kailangan nito gawin at ireport sa kanya. " Sino sa tingin mo ang salarin?" Tanong nito kay Marco na tuktok na tutok sa laptop nito. Itinigil nito ang video sa laptop at saka sumandal sa sandalan ng upuan habang ang isang daliri ay pinaglalaruan ang labi habang itinutuktok ang iba pang daliri sa lamesa. "Ang tamang tanong ay, sino talaga ang tinatarget ng taong ito." Sabay turo nito sa laptop. Agad na tumayo si Mathew at tiningnan ang sinasabi ni Marco agad na piniplay ni Marco ang video at doon nakita nila ang isang pigura na hindi madaling makita dahil sa dilim ng paligid. Nakasuot ito ng jacket na itim, pantalon na itim, pati ang sumbrero at mask nito ay itim kaya hinding hindi talaga ito agad makikita. "Parang alam na alam niya talaga ang ginagawa niya, nawala na siya dito sa kabilang area na ito hindi na siya nahagip ng cctv." Saad ni Mathew at saka pinaka titigan ulit ang video. "Mukhang sanay na sanay na siya sa ginagawa niya, kahit ang nangyari sa tatlong studyante ni walang bakas niya. Hindi rin matukoy kung babae ba o lalaki siya." Saad ni Marco at saka i-pause ulit ang video. "May nakakita na ba ng cctv footage na yan?" Tanong ni Mathew na nakatitig pa rin sa na ka pause na video. Umiling lang si Marco at saka sinara ang laptop. "Pupunta ka ba sa ospital?" Tanong ni Mathew habang inaayos ang mga gamit niya. "Oo, mauna kana may mga aayusin pa ko, susunod nalang ako sa ospital." Aniya ni Mathew saka madaling lumabas ng conference room. Sa kabilang dako nagdadrive na si Mathew papuntang ospital nang bigla sumagi sa isip nito ang pigura ng taong nasa video na pinakita sa kanya ni Marco. "Imposible! Hindi niya kayang gawin yun. Hindi siya yun tama!" Napatawa nalang si Mathew ng mapakla sa isiping na baka ang taong yun nga ang nasa video. "Sigurado akong masasaktan si Marco kapag nagkatotoo ang hinala ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD