Chapter 4

1990 Words
Andriane's POV Simula nang malaman nila daddy ang nangyari kay Janelle sa abandonadong building hindi na muna nila ako pinapasok sa school. Tatlong araw na ko nakakulong dito sa kwarto ko, gustuhin ko man lumabas may parang pumipigil sakin na huwag na lamang. Sumasagi din sa isip ko kung ligtas pa ba ang pumasok ako sa paaralan na iyon, natatakot din ako sa pwedeng mangyari sakin pero paano kung may kinalaman ito kay Andrea? *Tok!*tok!* "Andriane, nandito ang mga kaibigan mo. Bumababa ka na at nag iintay sila sayo sa baba." Bigla akong napatayo sa pagkakadapa ko sa kama at dali daling nag ayos ng sarili at lumabas ng kwarto, pero pag ka sarado na pag ka sarado ko ng pinto ng kwarto ko saka ko lang na realize ang isang bagay. "Friends?" Doon ko na pag tanto na naloko na naman ako ng mommy ko. Kaya dali-dali akong bumaba ng hagdan at daredaretso pumunta sa kusina at doon ko nadatnan ang mommy ko na naghahanda ng meryenda. "Mom, para kanino yan? Parang ang dami naman ata? May bisita ba?" Sunod-sunod na tanong ko. Inilagay niya ang tray na may laman na meryenda sa lamesa na nasa harapan ko, tinaasan ako nito ng kilay at saka pinitik ang noo ko. "Andrianne hindi ko alam kung kulang ka lang sa tulog o nasobrahan, malamang para yan sa mga bisita mo nasa living room sila hindi mo ba nakita?" Aniya ni mommy. Tinalikuran ako nito at inasikaso naman ang mga baso na nilalagyan niya ng juice. Tinitigan ko lang ang likod ni mommy sabay tingin sa mga baso na sinalinan niya ng juice. Biglang humarap si mommy sa gawi ko at mabilis na lumapit sakin at saka pinitik ang noo ko ulit. "Andrianne hindi maglalakad yang pagkain sa kanila, dalhin muna yan doon sa mga kaibigan mo." Napakamot nalang ako sa noo ko na pinitik ni mommy saka binuhat ang tray at naglakad palabas ng kusina, nakita ko pa si mommy na napailing na lang dahil sa kilos ko. Malapit na ko sa kinaroroonan ng mga bisita ko raw ng mapagtanto ko kung sino ang mga iyon halos madapa ako ng nag lingunan ang mga ito sa pwesto ko. "Hi Andrianne!!" Sigaw ni Lucas at saka tumayo at lumapit sa pwesto ko pero imbis na tulungan ako nilagpasan lang ako nito at kinuha ang tray na dala-dala ni mommy. Napatawa nalang si mommy sa itsura ko dahil sa akalain ko na kukunin ni Lucas ang tray na hawak ko. Na pabalik ang tingin ko sa harapan ng biglang tumayo si Cairo at binatukan muna si Lucas bago kinuha ang tray na hawak ko. "Ako na." tumango nalang ako saka sumunod kay Cairo. "Anung ginagawa niyo dito?" Mataray na tanong ko sa mga ito, na patingin sakin ang tatlo maliban kay Lucas at Liam na maganang kumakain ng mamon at umiinom ng juice nila. "Binibisita ka." tugon ni Marco at saka kumagat sa mamon na hawak nito. "Wala naman akong sakit.." mataray na aniya ko sa kanila habang nakatayo at na ka cross arm pa sa harapan nila. Bigla naman ako naman akong na pa ngiwi ng kurutin ako ni mommy sa tagiliran ko at saka pinagalitan. "Mag pasalamat ka nalang at binisita ka nila, ikaw talagang bata ka ayaw na ayaw mo na pinupuntahan ka dito sa bahay. Ang gagwapo ng bumibisita sayo tapos sinusungitan mo lang. Hay nako don't mind her mga iho kumain lang kayo meron pa sa kusina magpakuha nalang kayo Andriane." Aniya ni mommy saka umalis at umakyat sa second floor. "Wala ka ba balak umupo? Nag papatangkad ka ba?" Saad ni Cairo na may ngising mapang asar sa mukha. Inis akong umupo sa single sofa at halos batuhin ko na si Lucas dahil sa pagpigil niya ng tawa niya, hinampas pa niya si Liam nasa tabi niya na umiinom kaya halos maibuga nito dahil sa lakas ng hampas ni Lucas kaya lalong natawa si Lucas at umalingawngaw iyon sa buong living room. Kumuha nalang ako ng juice at saka uminom nang bigla magsalita si Liam. "May balak ka bang pumunta ng ospital?" Aniya ni Liam habang kumakain. "Hindi pa ko sure natatakot kasi ako, baka–" napatigil ako ng biglang hawakan ni Cairo ang kamay ko. Napatingin ako dito at saka ako nginitian, na pabalik ang atensyon ko kay Liam ng magsalita ulit ito. "Nandito kami wag kang mag-alala." Aniya ni Liam at nginitian din ako. Nag sang ayunan naman sila Marco, Mathew at Lucas saka ako na pagtingin kay Cairo na nakahawak pa rin sa kamay ko. "Poprotektahan ka namin..kahit ano ang mangyari." Hinigpitan nito ang hawak sa kamay ko saka binitawan at nakisali na rin kina Lucas at Liam na naghaharutan. Napangiti nalang ako. *** Third Person's POV Sa isang dako, tahimik lamang na nakaupo sa damuhan ang isang babae habang nakatitig sa isang lapida. "Nawala na ang isang sagabal sa buhay natinnakala ko magiging okay na, pero may isa na namang dumating. Kahit kailan hindi talaga sila mawala sa buhay natin pangako ko igaganti kita sa mga ginawa nila sayo. Ipaparamdam ko sa kanila kung paano mawalan, nawalan na sila ng isa at isusunod ko naman ang natitira nilang anak pangako yan." Aniya nito. Inilapag niya ang bulaklak na hawak at saka tumayo at naglakad papalayo.. Andriane's POV "Anu ba! Wag nga kayong OA!" Nakapamewang na sabi ko sa kanila habang sila ay kanya-kanya ang sandal sa mga kotse nila. Kanina pa dapat ako nakapasok sa school pero dahil sa limang ugok na ito malapit na ko malate. "Hoy! Nauna ako, Andriane sa akin kana sumabay." Nakangiting aniya ni Lucas na binuksan pa ang shotgun seat agad naman siyang binatukan ni Liam at tinulak pa likod. "Sa akin kana sumabay kaskasero yang si Lucas saka babaero yan baka isama ka pa niya sa listahan ng mga babae niya." Aniya naman ni Liam na pinipigilan si Lucas sa likod niya. Napangiwi nalang ako saka tiningnan ang tatlo na tahimik lang na nakasandal sa kanilang kotse at hinihintay ang sasabihin ko. "Una na ko, may mga report pa kung aasikasuhin." Aniya ni Mathew bago ako nginitian at sumakay sa kotse niya. "Una na rin ako nahatak lang naman ako dito." Aniya naman ni Marco, kumaway ito sa akin na siya ko namang tinanguan. "Ah hehe kami rin, ang totoo niyan si Cairo lang naman ang may gustong–" Binatukan ito ni Liam bago pa ito matapos sa sasabihin. Nagbabangayan pa ang dalawa bago ito sumakay sa kani-kanilang sasakyan. "So, tara na?" Napailing nalang ako saka lumapit at sumakay sa shotgun seat, saka ito umikot ito papunta sa driver seat. Ilang minuto na ang nakakalipas pero hindi pa rin niya pinapaandar ang kotse kaya tiningnan ko ito. Halos madikit na ako sa pintuan ng kotse dahil bigla-bigla nalang itong lumapit nang walang pasabi, mariin nalang akong napapikit at napa mulat din ng mabilis ng bumulong ito sa tainga ko. "Seatbelt." Then he smile. Bumalik ito sa pwesto niya at pinaandar na ang kotse. Buong biyahe yata akong nakatulala diyos ko! Nakalimutan ko na po yata kung paano ang huminga, hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang epekto sakin ng lalaking ito ganoon hindi ko pa rin naman ito ganun kakilala. "Ang lalim ata ng iniisip mo." Saka lang ako nagising sa pag-iisip ko nang makita ko ito sa gilid ng pinto kung saan ako mismo nakaupo. "Ah, andito na pala tayo." Aniya ko sabay kamot sa noo ko kahit hindi naman makati. "Tanong ko lang kung may balak ka bang bumaba ng kotse, malelate na tayo." Na pa hampas na lang ako ng noo ko sa isipan ko. Tumabi ito sa gilid para makadaan ako saka kinuha ang bag ko. Habang naglalakad kami sa hallway hindi ko maiwasan na pagmasdan ito. Matangkad, may katamtaman lang na katawan, maputi, brown na buhok, dark brown na mga mata, matangos na ilong at mapulang labi. Kung dati hindi ko napapansin ang mga ito sa kanya, ngayon halos lahat yata ng gawin niya napapansin ko na. Napailing nalang ako sa mga naiisip ko hindi nga pala ako nandito para sa mga ganitong bagay. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad nang bigla nalang ako mabunggo. Napaangat ako ng tingin at bigla din napaatras dahil sa sobrang lapit na naman niya sa akin. Seryoso? Hindi ba alam ng lalaking ito ang salitang space? Sh!t yung angas ko nawawala pakihanap! "Lutang ka na naman, ayos ka lang ba talaga?" Aniya nito at saka inilagay ang kamay sa noo ko at leeg para tingnan kung may sakit ba ako. Wala akong sakit, pero sa ginagawa niya para mag ka kasakit yata talaga ako. Tinanggal ko ang kamay niya sa leeg ko at nginitian lang siya kahit alam ko na parang tanga ang ngiti kung yun. "Ayos lang ako, nabigla lang siguro ako ng gising." Pagdadahilan ko. Inabot nito sakin ang bag ko at saka itinulak papasok ng room namin. Ni hindi ko rin alam na nasa tapat na pala kami ng room ko kaya siya tumigil, anu bang nangyayari sakin! Andriane yung angas mo na saan? "Ms. Raven your late!" Halos tumalon ang puso ko dahil sa lakas ng sigaw ng prof namin. Tiningnan ko ito saka yumuko para humingi ng sorry dahil na late ako. Isasara ko na sana ang pinto pero ayaw masara nito kaya inis akong humarap dito bwisit! Bakit nandito pa rin ang lalaking ito? Akala ko umalis na siya pagkatapos niya ko itulak ano bang trip niya sa buhay? Pumasok ito at dire-diretso ang paglakad papasok ng room, pero tumigil din ito nang nakitang nakatayo pa rin ako sa may pintuan. "What are you still doing there?" Nakakunot ang noo nitong lumapit sakin at hinila ako papunta sa likod ng room at saka pinaupo, humatak din ito ng upuan papunta sa tabi ko at umupo. Magtatanong pa sana ako ng bigla itong magsalita. "We're classmates." Then he smiled, lahat naman ng kaklase namin ay tahimik lang na akala mo ay nanonood ng K-drama. "Mr. Anderson, that's not your seat, please go back here in front." Malumanay na aniya ng prof namin. Napataas naman ako ng kilay dahil sa inasta nito kay Cairo samantalang sa akin halos lumabas na ugat niya sa leeg. Napatingin ako dito, nakangiti ito at nakakagat sa ibabang labi. Seryoso ba siya? Parang kanina lang highblood siya sakin tapos ngayon kung ngumiti siya Wagas. Lumapit ako kay Cairo at bumulong dito, nakita ko kung paano nagbago ang itsura ng prof namin. Halos baliin na nito ang ballpen na hawak niya, so may gusto siya kay Cairo? "I think she likes you, kanina highblood siya sakin dahil late ako, tapos ngayon halos mapunit na ang bibig niya sa ngiti niya." Umayos ako ng upo at pinag-krus ang mga braso ko sa dibdib ko. Narinig ko na napatawa si Cairo sapat lang para marinig namin at ng prof namin. "I'm fine here Ms. Macati, I will be seated here from now on." Ipinatong ni Cairo ang kamay niya sa ulo ko at saka ginulo ang buhok ko. Inis ko itong tinanggal at saka kinagat, tiningnan ako ng masama ni Cairo pero na ngalumbaba na lang ako at di na ito pinansin pa. Gusto kung manapak! Ng dahil sa lalaking 'to nawawala ang angas ko. Kanina pa ko kinukulit at kung may laserlight lang ang mga mata ng prof namin kanina pa ko siguro lusaw. Hindi ba pinagbabawal ang teacher-student intimacy eh bakit parang hindi yata uso yun sa prof namin? Gurl halata siya sobra, ma'y pag pilantik pa ng daliri at buhok si prof with matching sweet talks pa. Puro ngiwi ang ekspresyon ko yung ibang itsudyanteng lalaki tuwang tuwa samantalang ako awang awa sa kanya, todo kung todo effort para lang mapansin nitong lalaking katabi ko na walang ginawa kundi ang paglaruan ang dulo ng buhok ko o di kaya ang daliri ko. Dumating ako dito na may angas pero mukhang uuwi ako nang may bangas!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD