Chapter 2

2187 Words
"Grabe totoo pala yung rumors about Andrea? Hindi ko akalain na magagawa niya ipagpalit si Cairo." Student 1 "Mukhang anghel sa labas pero may tinatago din naman pa lang landi haha." Student 2 "Anu kayang nagustuhan ni Cairo dun noh? Oh baka naman ginamit yung katawan-" Student 3 *Bogsshh* "Oh my gosh! Anu bang problema mo?" Student 2 *Slap!* "Don't you dare create any talksh*t" nakakapag-init ng ulo ang mga ito. First day of school magaguidance agad ako. "Ang kapal ng mukha mo para sampalin ang kaibigan namin! Totoo naman diba? Na malandi ka-" Student 3 *Tug!* "Who the hell are you to say that? Do you even know me?" Nakatayo lang ako sa harapan nila habang halos sila lahat ay umiyak na dahil sa sakit ng sampal, sipa at pag umpog ko ng ulo nila sa pader. Napangiti ako ng makakita ako ng dugo sa noo ng i-umpog ko sa pader ang isa sa kanila. "My god! Katie your head is bleeding!" Student 1. Nagpanic na sila at dahil sa lakas ng mga boses nila unti-unti nang dumadami ang mga studyante. Samut sari bulungan ang naririnig ko pero wala akong pakialam, tinalikuran ko na sila nang may tumawag sakin. "Andrea!" Oh pangalan pala ng kapatid ko, hinarap ko ang taong sumigaw nakatingin lang siya sakin ng masama. "What?" I said in a bored tone "Why did you that to them? Anu bang ginawa nila sayo?" Inis na tanong niya. Tiningnan ko yung tatlong babae saka tumingin sa kanya pabalik? Why did he even care? Are we close? "Why don't you ask them?" Lalo siyang nainis sa sagot ko. Inis na tiningnan niya yung tatlong babae. "Nag-uusap lang naman kaming tatlo dito tapos bigla nalang niya ako tinadyakan sa tiyan!" Student 1. Paiyak na sumbong nito na akala mo nagsusumbong sa daddy niya. "Hindi naman namin siya ginagalaw, tapos sinampal pa niya ko. Nang tanungin siya ni Katie kung anong problema niya bigla nalang niyang iniumpog si Katie sa pader." Student 2. Pagsumbong nito habang umiiyak at hawak ang pisngi. Para namang ang lakas ng sampal ko, parang pinitik ko nga lang siya sa pisngi. At yung pagsipa ko kontrolado ko pa nga iyon pero yung inumpog ko sorry but I lost my control. Tiningnan ako ng masama ni Cairo na para bang may pinatay ako as if naman meron! I better knock them out rather than to kill those bitches. "You change a lot Andrea, anu ba ang problema mo? Kung dahil to sa mga nangyari satin noon please wag ka nang mandamay ng iba!" He shout, bakit ba ako ang sinisisi niya? Naglakad ako papalapit sa kanya hanggang sa isang dangkal nalang ang layo namin sa isa't-isa. Nakita kung napaatras yung tatlo na nasa likod niya, pinipilit na hatakin ng isa si Cairo palayo sakin dahil baka ito naman daw ang saktan ko. "I changed? In what way?" Hindi ako nagpatinag kahit ang daming mata ang nanonood samin. "Hindi na ikaw yung Andrea na nakilala ko. Yung babaeng minahal ko, ibang iba ka na Andrea." "Do you even know what are you saying? I don't know you either.." kumunot ang noo nito dahil sa sinabi ko. "Andrea, anu ba ang sinasabi mo-" "I'M.NOT.ANDREA" nakarinig ako ng pag hugot ng hininga sa paligid kasunod ng sunod-sunod na bulungan. *** "Ms. Raven, first day of school nandito ka na agad sa guidance office." Dean said while resting his chin on the back of his hand. "Dean, bakit pati kami nandito?" Student 1 said, I look at them. What the heck! What did they expect na ako lang ang magaguidance? "As for you girls, ilang beses na ba kayo napupunta dito sa office ko? Anu na naman ang ginawa ninyo? Gusto niyo ba talagang ipatawag ko ang mga magulang niyo?" Napahilot ng sintido ang dean dahil sa tatlo. "Kung ipapatawag niyo ang parents namin dapat pati siya ipatawag din ang parents niya. I swear dean nanahimik kami nang bigla nalang kami sugurin ng babaeng ito." Student 3 said. "Dean, kahit tingnan mo pa po ang cctv sa hallway department namin siya talaga ang unang sumugod." Student 2. Tahimik lang ako habang pinapanood ng dean ang cctv. Habang ang tatlo ay nag ngingitian ng palihim. "So, Ms. Raven kitang kita naman dito sa cctv footage na ikaw nga talaga ang unang sumugod sa kanila." Aniya nito habang nakatingin pa rin sa computer. "Sabi ko na sa inyo dean siya ang sumugod sa amin kaya wala kaming-" Student 3 said. "Do I look like an idot? Sa tingin niyo pag aksiyahan ko nang oras ang tatlong 'to kung wala silang ginagawa?" Tiningnan ko ang tatlo na may inis sa mukha ko, na paayos sila ng upo at iniintay ang sasabihin ng dean. "Anu bang ginawa nila?" Itinigil nito ang video at tiningnan ako ng seryoso. "Do I need to answer that? I believe you know the answer to your question." I cross my arms under my chest and i look at him in serious face. Napaayos ito upo na tila ba alam ang pinapahiwatig ko, tumikhim ito at binalingan ang tatlo na naguguluhan sa nangyayari. "I'll call your parents, and make sure na makakapunta sila tomorrow." "But dean! Wala naman kaming ginagawa.." Student 1 "This is unfair bakit parents lang namin ang ipapatawag niyo, obvious naman na mas malaki ang kasalanan niya kesa sa amin." Student 3 "Kami ang na agrabyado dito! Dapat parents niya ang ipatawag at hindi ang parents namin" Student 1 Sila daw ang naagrabyado? Sa anung paraan? How dare them! Magsisinungaling at magsisinungaling talaga sila para lang sa reputasyon nila. "Ms. Raven you may go now, as for you three whole day community service." Aangal pa sana ang tatlo pero sinamahan sila ng tingin ng dean, nagpaalam lang ako at lumabas na din ng guidance office ng makita ko si Cairo sa gilid ng pinto. Hindi ko ito pinansin at nag tuloy-tuloy lang sa paglalakad hanggang sa nakarating ako ng rooftop. "What do you want?" Nakatalikod lang ako sa kanya, kahit hindi ko naman tingnan alam ko na sinundan niya ko hanggang dito. "Let's talk." About what? Anu ba ang gusto ng lalaking ito? "You said your not Andrea? Then who are you?" He asked. "What do you think? I'm not her, but somehow i resemblance of her were opposites. She's easy to solve and I am not. So who'd you think I am?" Tinignan lang niya ko na may naguguluhan mata at mga ilang segundo nagbago ang ekspresyon niya. "Her twin.." naupo ako sa pader na nagsisilbing harang sa paligid ng rooftop at hinayaang nakabitin ang mga paa ko. Kitang kita sa mga mata nito ang takot na baka malaglag ako, sinubukan nito na lumapit pero agad din bumalik sa pwesto niya. Ilang minuto din kaming nagtitigan bago niya naisipang magsalita. "Nasaan si Andrea? Bakit ikaw ang nandito? Bakit bigla nalang siyang nawala? Hindi ko na rin siya ma-contact pagkatapos ng-" "Pagkatapos ng ano? Nang away niyo?" I saw guilt in his eyes, he clenched his fist and trying not to be swallow by his emotions. "How did you know? Nag sabi na siya sayo? Anung sinabi niya sayo?" Naguguluhan man pero pinilit kung wag ipahalata. Sa pananalita niya para bang takot siya na malaman na baka may sinabi sakin si Andrea. "Someone's told me, i don't know about you and Andrea's love story pero isa lang ang sigurado ko, hindi suicide ang dahilan ng pagkamatay ng kapatid ko." Gulat na ekspresyon ang pinakita nito sa akin. Nakabukas ang labi nito na parang may gustong sabihin pero walang lumalabas na salita, unti unting naglandas sa pisngi niya ang mga luha na pilit niyang pinipigilan. "How come? Bakit wala akong alam? Bakit?" I tried to hide my emotions too but one tear drop came out to my left eye, i swipe it immediately and face him. "Pamilya lang namin ang may alam sa pagkamatay ng kapatid ko or maybe meron pang iba na may alam pero hindi lang nila sinasabi." Kitang kita ko sa mga mata niya ang sakit at paghihinagpis sa mga nalaman. Kahit ako noong nalaman ko halos hindi ako lumalabas ng kwarto ko at hanggang ngayon ay hindi ko parin talaga tanggap na mag isa nalang ako. "Kasalanan ko kasalanan ko 'to, I'm sorry im sorry, sorry." bulong nito habang nakaluhod at nakatungo habang ang mga kamay nito ay nakalapat sa sahig sinusuportahan ang bigat niya. Ilang minuto din siyang umiiyak at pa ulit-ulit na humihingi ng sorry, hindi ko alam kung para kanino ba siya nag s-sorry. Sa akin ba o sa kapatid ko? "My twin sister is fragile madali siyang mabasag kahit sa maliliit na bagay o salita. Pero kahit ganun matatag siya, kahit gaano na siya ka basag bubuuin at bubuuin parin niya ang sarili niya para sa taong mahal niya." Nakayuko parin ito at mahihinang hikbi nalang ang naririnig ko. Bumaba ako sa kinauupuan ko at naglakad papalapit sa kanya nang maramdaman niya ang presensya ko tumayo ito at hinarap ako na may bahid ng mga luha sa pisngi. "Katulad ng laging sinasabi ng kapatid ko 'regrets are always in the end'" *** THIRD PERSON'S POV Natapos ang buong mag hapon na tahimik lang si Adriane sa loob ng classroom nila. Kapag nagkakasalubong sila ni Cairo o nag tatama ang mga tingin nila ito agad ang unang umiiwas, siguro dahil alam nito sa sarili na may kasalan din siya sa mga nangyari. Matapos ang pag uusap nila sa rooftop ay tahimik lang ito at laging malalim ang iniisip, lagi itong na papansin ni Andriane dahil madalas niya itong makita dahil parehas ng department niya ang ilan sa mga kaibigan nito. "Dude ayos ka lang ba? Ang lalim ata ng iniisip mo?" Puna sa kanya ng kaibigan niyang si Liam "Baka may na mimiss? Sino pre? Si Andrea ba?" Tukso naman ni Lucas sa kanya. Tiningnan niya ito saglit pagkatapos ay bumalik ulit ang tingin sa kawalan. "Manahimik na kayo, imbis na pinag aaksayahan niyo ng oras yan panunukso kay Cairo bakit hindi nalang kayo mag review? May quiz daw bukas panigurado mangongopya na naman kayo." Saway sa kanila ni Mathew "Haha ayos lang yun pre kaya nga nandiyan ka eh, pakopya nalang kami." Pabirong sabi ni Lucas "Manahimik ka nga Lucas, bakit hindi mo gayahin 'tong si Marco tahimik lang." Seryosong sabi ni Liam pero halata din sa boses niya ang pang-aasar. Tiningnan lang sila ni Marco na para bang hindi siya makapaniwala na kaibigan niya ang mga ito. "Alis na muna ko, kita nalang tayo bukas." Agad na niligpit ni Cairo ang gamit niya at dire diretsong nagtungo ng pinto nang biglang dumaan sa harapan niya si Andriane. Hindi niya alam ang gagawin tila nawala siya sa sarili nang sundan niya ito ng tingin sa hindi malamang dahilan bigla nalang kumalabog ang dibdib niya. "Hindi siya si Andrea pero bakit ganito?" Naguguluhan tanong niya sarili at saka sinabunutan ang buhok. Habang sinasabunutan naman ni Cairo ang sarili pinagtatawanan naman siya ng mga kaibigan niya. "Sh*t anung nangyayari kay Cairo? Nabaliw na amputa!" Bulong ni Lucas habang pinipigilan ang tawa niya. "Babae yan panigurado.." kumbinsidong tugon ni Liam "Hayaan niyo siya magsasabi yan ng problema kung kailan niya gusto." Aniya ni Mathew habang isinarado ang binabasang notes at saka tiningnan ang kaibigan na kinakausap ang sarili. Habang si Marco naman ay na pa iling nalang sa nakikita. *** ANDRIANNE'S POV Kakauwi ko lang at nagkulong agad ako dito sa kwarto ko. Tinatamad ako bumaba.. "Nakakapagod.." *TUG* Napabangon agad ako sa kama ng makarinig ako ng kalabog sa kabilang kwarto, dali-dali akong lumabas ng kwarto ko at pinapakinggan kung saan nanggagaling ang mga kalabog. Napahinto ako sa pinto ng office ni daddy na nakaawang, kitang kita ko kung paano ibato ni mommy ang lahat ng mahawakan niya habang si daddy ay nakatayo lang at pinapanood siya. "Kasalan mo ito lahat! Napaka walang hiya mo! Paano mo nagawa sa amin ito ng mga anak mo?" Hawak-hawak ni mommy ang manggas ng damit ni daddy, ng hindi sumagot si daddy ay hinampas niya ito ng hinampas sa dibdib hanggang sa napaiyak nalang siya doon. "Sisihin mo lang ako hanggang gusto mo Raine pero hindi na natin maibabalik ang mga nangyari na. Hindi lang naman ikaw ang nawalan, nawalan din ako Raine hindi lang ikaw nasasaktan sa pagkawala ni Andrea pati rin ako at si Andrianne." Umiyak lang ng umiyak si mommy sa dibdib ni daddy habang pinakalma siya nito sa pag iyak. "May isa pa tayong anak Raine, hangga't maari ituon natin ang lahat ng atensyon at pagmamahal natin sa kanya. Dahil baka hindi ko na kayanin kapag pati si Andrianne nawala din sa atin." Bumalik ako sa kwarto ko nang umiiyak. Masakit, masakit na makita ang mga magulang mo na nag aaway pero mas masakit na malaman ko na may alam sila sa pagkamatay ni Andrea pero hindi nila sinasabi sa akin. "Andrea, ano ba talaga ang totoo? Ano ba talaga ang dahilan ng pagkamatay mo?" Napahiga nalang ako sa kama habang umiiyak at hindi ko na namalayan na nakatulog na ako dahil sa sakit, sakit na nararamdaman ko hanggang ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD