Chapter 9

1059 Words
THIRD PERSON'S POV "Huhu! Kuya~" "Oh? Andie, bakit umiiyak ka na naman?" "Kasi—sabi nila hindi daw ako anak ni daddy." "What? Who said that? Tell me?" "I heard Yaya, she said I'm not daddy's daughter. Is it true kuya? Ampon ba ko, hindi ba kita kuya?" "That's not true okay? We're siblings." "Really? Your the best kuya in the whole world!" "Of course! Whatever happens don't forget me? Okay? Kuya always here." *** "K-kuya–" "Andie, gising." Napamulat ako sa marahan na pag yuyog sa balikat ko. Bumungad sa akin ang di maipinta na mukha ni Ashton. "B-bkt ganyan mukha mo?" Kahit paos ay nagawa ko pa rin tumawa. Nginitian naman ako nito kasabay ng pag lingon ko sa gilid ko. "Ayos ka na ba?" "Nag aalala kami ng sobra alam mo ba yun?" "Akala namin mangyayari din sayo ang nangyari kina Lianne." Umiling lang ako sa mga ito at nginitian din. Akala ko din katapusan ko na nung mga oras na iyon, pero ang hindi ko maintindihan anung kasalanan ko para pagtangkaan niya akong patayin? Napatingin ako gawi ni Ashton ng guluhin nito ang buhok ko. "Don't think too much, everything will be fine." "I hope so." "Gusto ko nang lumabas! For Pete's sake 2 weeks na ko naka confine so please." Aniya ko. "Hindi pa nga pwede Andie, makinig ka naman muna. Mas makakabuti pa kung magpapahinga ka pa ng ilang araw dito sa ospital–" "Ilang araw pa? Bagot na bagot na ko dito sa ospital mukha at mukha mo lang naman ang nakikita ko." Aniya ko, tumawa naman ito sa hindi ko malaman na dahilan. "Walang nakakatawa! Lumayas ka na nga lang sa harapan ko." Tumigil ito sa pagtawa at pinulot ang unan na binato ko sa kanya, nakangiti itong bumaling sa akin. "Anu na naman?" Mataray na tanong ko dito. "May iba ka pa bang gustong makita bukod sa akin? Sa pagkakaalam ko ako lang naman ang pwedeng magbantay sayo kase nga diba literal na pinababantayan ka sa akin ng kuya mo." Saad nito habang taas baba ang mga kilay nito. "At sino naman?" "Sino nga ba? Hmmn??" Na pairap nalang ako sa inaasta nito kahit kailan talaga. "Si Cairo--" agad ako'ng napaayos ng pagkakaupo sa kama at masama siyang tiningnan. "Ano si Cairo?" "Naku Andie, alam ko yan yang mga ganyang galaw mo at pananalita." "Anu bang pinagsasabi mo huh?" "Andie, hindi sa masamang makagusto o makaramdam ng pagmamahal wag siya Andie, masasaktan ka lang–" Bago pa ito mtapos sa sasabihin niya ay inunahan ko na ito. "Hindi ako pumunta dito para sa mga ganyang bagay, nandito ako para sa kapatid ko–which is ex girlfriend ni Cairo." "Talaga ba? Sana nga totoo yan. Kasi kung hindi i-ngungudngod talaga kita!" Hinampas ko naman ito braso na siya namang pagtawa namin ng sabay. Pero kung mangyari man ang bagay na yun gagawin ko ang lahat mailayo lang ang sarili ko sa sakit sa lahat ng pwedeng manakit sakin, hinding hindi ko sila hahayaan na saktan din ako katulad ng ginawa nilang p*******t sa kapatid ko. Sari saring bulungan at gawa ng kwento at kung anu-ano pa ang naririnig ko pagtapak ko pa lang ng gate ng school, di ba uso sa kanila ang salitang keep it to yourself. "Grabe ano kayang kasalanan niya at gusto siyang patayin?" "Baka inagawan niya ng boyfriend" "Grabe maka ilang ulit daw siya sinaksak sa balikat." "Buti nabuhay pa, ang daming dugo kaya nawala daw sa kanya." "Ang tapang naman niya, ma'y gusto na nga pumatay sa kanya pumasok pa." "Anu ka ba once na masamang d**o always masamang d**o mahirap silang patayin." "Tama! Haha" Seryoso? Ako na naman topic nila? Pakialam ba nila kung pumasok ako bakit sila ba ang nanganganib ang buhay huh? Epal din eh sarap sampalin! Ihampas ko itong backpack ko ang dami pa namang laman nito puro makakapal na libro kasing kapal ng mga mukha nila! Isama na yung encyclopedia mas makapal pa sila dun pramis!! "A-aray! Anu ba?" "Sino na naman kaaway mo?" Umagang umaga bibwisit-in na naman ako sino pa ba walang iba kundi si Ashton the great!! "Wala." "Sabi ko sayo diba wag ka nang pumasok, ang kulit mo!" Para namang ma'y magagawa siya sa ugali ko. "At sabi ko din sayo di ba wag ka'ng makulit? Kaya ko nga pumasok nakapag pahinga na rin naman ako." "Talaga ba?" "Bakit ganyan na naman ang itsura mo? Anu na naman ba Ashton, ako'y tigil-tigilan mo diyan sa mga kalokohan mo sinasabi ko sayo malilintikan ka sakin!!" Agad naman nagtaas ng dalawang kamay ito at gulat na ekspresyon ng mukha sa halip na mag seryoso ito nagawa pa nitong ituro ang likod ko dahilan para tumingin din ako sa likod ko. "HAHAHAHA!!!" Isang hagalpak na tawa nito, magkasalubong na kilay ko itong hinarap at pinaghahampas. Tawa pa rin ito ng tawa kahit hinahampas ko sa inis ko tinalikuran ko na ito pero pinagsisisihan ko ang ginawa ko. "Ehem! Di ba sabi mo di yan ang pinunta mo dito?" Di ko pinansin ang sinabi niya nakatingin pa rin ako sa lalaking malandi habang ma'y nakasabit na coloring book sa braso nito. Hindi literal na coloring book, ito yung coloring book na buhay naglalakad at pagala-gala kung saan saan hindi rin ito maganda sa bata dahil nakakasama!! "Mag transform ka na ba?" *Pak* "A-aray Andie! Masakit, b-bitaw! bitaw na!!" Sigaw ni Ashton ng batukan ko ito at hilahin ang tainga niya, binitawan ko rin naman ito dahil sa namumula na ito at umiinit na rin tainga niya dahil sa pagkakahatak ko. "Masakit yun ah!" A-ambahan din sana ako nito ng batok ng maunahan ko siyang maglakad ang ending sa pader siya sumalampak. "Masakit kuya?" Pang iinis ko dito. "I-ikaw!" Saad nito habang nakahawak sa ilong niya na sumubsob sa pader. Kahit ngayon lang gusto ko muna makakilos ng normal. Bilang isang normal na itsudyante at bilang babae, magpapahinga muna ako pero hahanapin ko rin ang hustisya para sayo uunahin ko lang ang babaeng nagtangka sa buhay ko. 'Sino ka ba? Anu ba talagang kailangan mo sakin at anung kasalanan ko sayo?' "Lalim ng iniisip ah, share mo naman!" Bwisit panira ng moment kahit kailan! "Pero seryoso Andie, kahit anung mangyari nandito lang ako. Nandito lang si kuya para sayo." And with that word, smile flash to my face.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD