Chapter 16

844 Words
Matapos ang nakakakabang interview kay kuya ay tumayo ito ng walang pasabi at lumabas ng bahay, naiwan dito ang mga asungot na masayang kumakain. "Bakit kailangan mo sabihin yun?" Napatingin sakin ang mga ito, pero kay Cairo lang ang atensyon ko. "Ang alin?" Patay malisya na sagot nito. Umamba ako na ha-hampasin ito sa ulo ng pinag cross nito ang mga braso niya, inirapan ko nalang ito at muling mayos ng upo. "ehem!" Na pabaling naman ang tingin ko kay janelle ng tumikhim ito. "Pwede ba kitang makausap?" "Oo naman, anu ba ang sasabihin mo?" tumingin ito sa mga kasama namin at pabalik na tumingin ulit sa akin. "Kung pwede sana yung tayong dalawa lang, kung okay lang?" Ngumiti ito pero nag muhka itong ngiwi. "Sige, doon tayo sa kwarto ko." Aniya ko. Tumayo ako at pumunta sa likod niya para itulak ang wheelchair niya hindi pa kami nakakalayo sa pwesto namin ng maisip ko kung papaano ko i-aakyat si janelle ng na ka wheelchair sa hagdan. "Ah sa tingin ko maganda kung hindi nalang sa taas." Mukhang nakuha niya ang ipinahihiwatig ko kaya tumango na lang ito bilang tugon. Inikot ko ang wheelchair at tinungo ang isang bakanteng kwarto malapit sa salas, matapos masiguradong sarado na ang pinto ay agad kung hinarap si janelle. "Sila ang may gawa sa akin nito." panimula niya. "sino?" "Yung tatlong itsdyanteng nakaaway mo, sila ang may gawa nito sa akin." Naalarma ako ng mag likot ang mga kamay nito at kinakagat ang mga kuko. "Paanong sila? Na ka confine din sila sa ospital kagaya mo." Pumantay ako sa paanan nito at naupo, tuloy-tuloy ang luha nito at panay din ang pag li-likot nito sa upuan niya. "Narinig ko sila, may kausap pa silang isang babae. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil nakatalikod ako sa kanya yung tatlo lang ang na ta-tadanaan ko." "Kung maririnig mo ba ulit yung boses maalala mo ba?" "Hindi ko sigurado, masyadong mahina ang pagsasalita niya." Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at hinanap ang isang recorded voice. [Oh now you scared? A while ago your shouting I'm not scared to you but now your shaking like a inoccent kid.] Namatay ang recorded voice at tiningnan ko ang reaksyon niya, nakakunot ang noo nito at seryosong nakatingin sa cellphone na hawak ko. "Kilala mo ba? Naboboses-an mo ba siya?" "Kay Rica ang boses na yan, bakit magkausap kayo?" Tanong nito. "Hindi mo ba alam? Muntikan na rin ako mamatay sa abandonadong gusali na yon, sinaksak ako sa balikat." Na pa takip ito ng bibig at tila hindi makapaniwala sa narinig. "Sinaksak ka? Si Rica? Napaka imposible naman niyan!" Malakas na pahayag niya. "Paanong imposible? Nakita ko siya mismo nung araw na yun, ilang beses niya ko sinaksak sa balikat kaya–" "Imposible! Patay na si Rica! Halos isang taon na rin nung namatay siya, kaya imposible talaga yang sinasabi mo!" Napatayo ako sa kinauupuan ko, imposibleng patay na ang taong yun dahil hinuli pa siya ng mga pulis. "Andriane sa tingin ko dapat ka talagang mag ingat, lalo na ngayon na hindi mo naman talaga alam kung sinong gustong manakit sayo." "Ang gusto ko lang naman ay malaman ang pagkamatay ng kapatid kovbakit ba kailangan pa mangyari ito?" "Mahahanap mo rin ang gusto mo, sa ngayon kailangan mo makausap ang tatlo pang biktima kailangan natin malaman kung sino ang may gawa noon sa kanila." "May bantay sa kwarto nila magkakasama sila sa isang private room kaya mahirap pasukin." "May kilala ako para makausap natin sila." matapos ang pag uusap namin ay agad namin tinungo ang pinto. *TUG!* *BLAG!!* Agad na bumagsak ang apat na bulto ng katawan sa sahig. "Nakikinig kayo?" Tanong ni Janelle sa kanila kanya-kanya naman itong iwas ng tingin. Itinulak ko naman ang wheelchair ni Janelle para makalabas na kami, kusa naman nagsi-alisan ang mga ito at sumunod sa amin pabalik ng salas. "Uuwi na pala kami Andriane, kailangan rin kasing magpahinga ni Janelle." Aniya ni Liam at saka kinuha ang hawakan ng wheelchair ng kapatid. "Kami rin uuwi na rin, salamat sa pagkain ah! Sa uulitin Andriane." Magiliw na komento ni Lucas, binatukan naman ito ni Mathew. "Ikaw, wala ka bang balak umuwi?" Tanong ko sa asungot na prenteng nakaupo sa sofa, at tinuro pa nito ang sarili. "Malamang sino pa ba? Uuwi ka ba o uuwi ka?" Tanong ko dito. "Tsk!" Wow! Ang haba ng sagot! Palakpakan naman diyan. "Ikaw ang bahala, mamaya nandito na rin si Kuya Lexus–" "Mauuna na ko, naalala ko may gagawin pa nga pala ako." Mabilis na putol nito sa sasabihin ko, mabilis itong tumayo at lumabas ng pinto. Natawa naman kaming naiwan dito sa loob, hinatid ko naman sila hanggang sa gate. "Tatawagan nalang kita Andriane." Aniya ni Janelle bago ito alalayan ni Liam pasakay ng kotse sumakay na rin sa kani-kanilang kotse ang tatlo, kumaway at bumusina bago mabilis na pinatakbo ang sasakyan. "Anung pinag usapan niyo?" Tanong sakin agad ni Ashton. "Isang sekretong malupet!" Mataray na sagot ko dito saka pumasok sa loob ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD