Chapter 17

964 Words
Pasok sa kabila, labas sa kabila iyon ang gawain ko sa tuwing nag seseremoniya si Kuya Lexus. Nandito kami ngayon sa Salas, at magpuputak na naman siya na parang manok kanina pa yan at hindi na tumigil wala naman akong naiintindihan sa mga sinasabi niya dahil halos yung iba ay pa ulit-ulit lang din naman. "Nakikinig ka ba Lilith? Umpisa pa lang sinabihan na kita diba? Ang sabi mo ay magtitino ka pag pinayagan kitang umuwi dito sa Pilipinas dahil ang sabi mo ay mas kailangan ka dito at may responsibilidad ka sa pamilya mo pero ano? Ilang Linggo ka palang dito ay kung anu-ano na ang pinapasok mo na g**o napaka tigas talaga ng ulo mo!" Galit na sermon ni Kuya Lexus. "Lexus napagsabihan na naman namin siya at hindi na raw niya uulitin." Aniya ni mommy, agad naman akong tumango ng paulit-ulit bilang pag sang-ayon sa sinabi nito. "Talaga ba tita? Pero alam niyo ba ang iba pang ginawa nito sa US?" Nanlaki ang mga mata ko ng sabihin ni kuya iyon. Walang alam sila mommy sa mga pinag gagawa ko sa ibang bansa, dahil una sa lahat wala talaga akong balak ipaalam sa kanila. "At ano naman ang ginawa ng batang ito?" Nakakunot noo na tanong ni daddy, napalunok nalang ako ng laway sa paraan ng pag tingin nito sa akin. "She's been expelled at her school, kinausap ko ang mga teacher niya doon at pinagbigyan siya na tapusin hanggang 1st semester at yan din ang dahilan kung bakit nandito yan ngayon." Napangiwi nalang ako sumbungero si kuya kahit kailan! "Andriane." Mahinang tawag sa akin ni daddy, nakahawak naman si mommy sa braso nito. "Ah hehe! D–daddy—" *BLAG!* Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko ng hampasin ni daddy ang side table malapit sa kanya. "Ang sabi mo ay matiwasay mong natapos ang 1st semester sa US yun pala ay na expelled ka? Anong kalokohan na naman ba ang ginawa mo?" Galit na tanong nito. "Pero sila naman ang nag umpisa–" "Wag ka nang mangatwiran pa Andriane, ang sabi mo ay aayusin mo ang buhay mo sa US pero mukhang mas lalo ka pa yatang lumalala." Muling saad nito. "Pero hindi naman talaga ako ang nag umpisa! Bakit ba walang nakikinig sa akin!!" Sigaw na sagot ko. "Lilith!" Saway sa akin ni Kuya Lexus "Hindi niyo alam! Wala kayong alam sa mga nararamdaman ko, naguguluhan ako sa pagkatao ko hindi ko maintindihan ang sarili ko minsan parang hindi a–ako." Tumulo ang luha ko at hindi ko mapigilan ang sarili ko na sumagot. Gusto kung maintindihan nila ako, gusto kung pakinggan nila ko. "Anu ba ang pinagsasabi mo Andriane?" Tanong ni mommy, naguguluhan itong tumingin sa akin. "May mga panahon na naguguluhan ako kung sino ba talaga ako. Iba eh! Hindi ko maintindihan, kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko kung anu-ano ang naririnig ko kahit wala namang tao sa paligid ko." Paliwanag ko sa mga ito hindi sila nagsalita at nanatiling nakatingin lang sa akin. "Dito! Marami akong naririnig, iba ibang boses. Masakit sa ulo! Naguguluhan ako mommy ayoko ng ganito." Turo ko sa ulo ko habang umiiyak. Lumapit si mommy at niyakap ako, hinagod nito ang likod ko na lalong nagpaiyak sa akin. Gusto kung ilabas lahat ng hinanakit ko sa kanila pero hindi ko magawa gusto kung magsumbong na parang bata, gusto kung mawala lahat ng iniisip ko lahat ng sakit gusto kung mawala. Third person's POV Matapos nilang kausapin si Andriane ay tahimik nilang tinitingnan ito na mahimbing na natutulog. Nakatulog ito dahil sa kakaiyak, pinagmasdan nila ang mukha nito na ngayon ay maaliwalas na kahit na may bahid ng mga luha ang mukha nito hindi katulad kanina na para bang ang laki-laki ng dala nitong problema. "Dapat ba ipatingin natin siya sa doctor?" Tanong ni Raine "Panahon na siguro para harapin na ni Andriane ang kinatatakutan niya." Komento naman ni Lexus, kahit istriktong kuya ito kay Andriane bilang kuya dapat niya itong protektahan at alagaan na parang isang tunay na kapatid. "Tatawagan ko si Alvarez, para makapunta tayo agad ng ospital." Aniya naman Andy. Matapos mag usap ay iniwan na nila si Andriane na mahimbing na natutulog at agad na siniguradong nakasara ng mabuti ang pinto nito. Ashton's POV "Ayos lang ba siya?" [Kung umuuwi ka kaya?] Masungit na sagot sa akin sa tawag ni Lexus. "Para namang makakauwi ako? Eh di pinaghahampas ako ni daddy ng dyaryo." pa bagsak akong umupo sa dulo ng kama habang pinupunasan ang basang buhok ko. [Dapat lang! Magkapatid talaga kayo ni Lilith, parehas kayong sakit sa ulo.] Parang hindi rin siya naging sakit sa ulo dati ah mas malala pa nga siya! "Ikaw ang nandiyan kaya ikaw muna ang bahala sa kanya okay? Salamat Lexus!" Aniya ko. At saka ibinaba ang tawag sigurado akong nagmumura na naman yun dahil inuutusan ko siya at ang pagtawag ko sa kanya sa pangalan imbis na kuya as if naman sobrang tanda niya eh buwan lang naman ang agwat namin dalawa. Ibinababa ko ang towel na hawak ko at pinagmasdan ang dibdib ko isang malaking pilat. Hinagod ko ito ng daliri ko, sa paglapat palang ng mga daliri ko ay tila bumalik ang sakit na dinulot sa akin nito. Sakit na halos ika-manhid ang buong katawan ko, halos ikamatay ko. Pero kapalit ng pilat na ito ay ang buhay ng kapatid ko. Na hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko, kahit ilang pilat pa ang matanggap ko mailayo at mailigtas ko lang siya sa mga taong gustong manakit sa kanya ayos lang. "Nandito lang ako lagi sa tabi mo Andriane hindi ko hahayaan na gawin niya ulit ang ginawa niya noon, ilalayo kita sa kanya sa kahit anong paraan. Hindi ko hahayaan na makalapit ulit sayo si Andrea."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD