Chapter 15

1272 Words
Hindi ako mapakali sa higaan ko dalawang araw akong nakatulog at kagigising ko lang kanina, isang napaka malas na araw dahil sermon ang breakfast ko galing kay kuya. Pag kamulat ko ng mata ko ay mukha agad ni kuya Lexus ang bumungad sa akin salubong ang mga kilay nito at nakakunot din ang noo. "First day of school guidance agad meron ka ng first offense dahil sa pambugbog mo ng tatlong itsudyante, second offense ng nakipag away ka sa cafeteria at third offense ng muntikan mo nang bugbugin ang aspirant student ng school." Tugon nito habang hawak ang papel na naglalaman ng record ko sa school, buti nga hindi na isinama ng dean yung iba kundi susugurin ko siya. "Let me explain kuya–" "Hmm." Aniya nito at inayos ang reading glass na suot, umupo ito sa single sofa at nag cross arm na at na kadikwatro pa. "Sabihin na natin na kasalan nila." Tumaas ang kilay nito. "Kasalanan nila? Is that your reason kung bakit mo sila sinipa, sinampal,iniuntog, at sinabunutan. Kasi kasalanan nila?" Napakamot ako sa ulo ko, masyadong sarcastic ang pagkakasabi niya. Pero totoo naman kasi kung hindi nila ko ininis eh di sana di ko sila nasaktan. "Kung yan ang magiging reason mo everytime na mapa-away ka sorry to tell you pero ibabalik kita ng US." "Kuya." "I'm warning you Lilith, kapag nalaman ko pa na nakipag away ka aahitin ko yang kilay mo at kakalbuhin kita! Or worse lalagyan kita ng bodyguard at hatid sundo ka sa school at bahay." seryosong paliwanag nito at padabog na isinara ang pinto ng kwarto ko. "Kawawang kilay at buhok pati kayo napagbuntunan ng galit ni kuya." Napabuntong hininga na lang ako at muling humiga sa kama ko. *** *Tok*tok* "Andriane, baba ka nandito ang mga kaklase mo." "Saglit lang po mommy!" Agad akong nag ayos, makailang ulit ko pa sinuklay ang buhok ko at damit na suot ko, tumingin pa ko ulit sa kabuuan ko bago tuluyang bumaba. "Hi Andriane!" Nanlaki ang mata ko sa taong bumungad sa akin pagkababa ko ng hagdan. Naka wheel chair ito, may mga pasa at may benda ang ulo. "J-janelle." Di makapaniwalang nilapitan ko ito, nakangiti ito sa akin at tila naluluha pa. "K-kamusta ka?" Tanong ko. "Ito na i-stuck sa wheelchair haha." Di ko na napigilan ang sarili ko at maluha-luhang niyakap ko ito, niyakap din ako nito pabalik. "Ang aga naman ng drama niyo." Malokong tugon ni Liam na hindi ko napansin kanina, siya pala ang nagtutulak ng wheelchair nito. "Andyan ka pala? Di kita napansin haha!" Mapang asar na tugon ko dito "Ang sama mo Andriane, pasalamat ka at mabait ako ngayon." Napailing nalang ako sa tinuran nito naupo kami sa sala at nagkwentuhan ng biglang tumunog ang doorbell. "May inaasahan ka pa ba na ibang bisita?" Tanong ni Liam. Umiling lang ako at dumako ang tingin ko sa pinto ng bahay. Pumasok dito si kuya Lexus kasunod si Ashton at ang dalawa pang asungot si Mathew at Lucas. "Hi Andriane!! You woke up like that?" Natatawang komento ni Lucas. Inirapan ko lang ito, naupo naman ito sa tabi ni Liam ganun din si Mathew at binati ako samantalang si kuya naupo sa single sofa sa unahan namin. Naupo naman si Ashton sa tabi ko, naguguluhan na tiningnan ko ito na ka face mask kasi ito at naka suot ng eyeglasses. "Anung trip mo?" Kunot noong tanong ko dito. "Nerd look." Kibit balikat naman na sagot nito, bumukas ulit ang pinto at pumasok ang lalaking kanina pa hinahanap ng mata ko. "Oh Cairo, ang tagal mo naman pumasok." Tugon ni Lucas. "May inayos lang ako sa kotse." Naupo na ito sa tabi ni Liam. "Bakit ba nagsisiksikan kayo diyan?" Tanong ni kuya. Napatingin ako sa kanya, seryoso ang mukha nito dumako ang tingin nito sa akin kaya mabilis akong na paiwas ng tingin at napalunok ng laway. "Pre dun ka na ang luwag pa sa tabi ni Mathew." Aniya ni Lucas. Itinulak ni Liam si Lucas dahilan para napatayo ito, umusod naman si Liam para bigyan ng space si Cairo. "Nasaan si Marco?" Tanong ko sa mga ito. "May emergency daw kaya di na siya makakasama." sagot ni Mathew sa tanong ko. Dumating ang mga kasambahay namin at inilapag ang mga pagkain at inumin, unang kumuha ng pagkain at juice si Ashton at prenteng nakaupo sa tabi ko, kumuha ako ng platito at nilagyan ng pagkain at iniabot ko kay Janelle nakangiti naman nitong inabot ang pagkain pagkatapos ay ako naman ang kumuha ng sarili kung pagkain ganun din si kuya. "Hindi lalapit sa inyo ang pagkain kahit titigan niyo yan magdamag." Malamig na boses na tugon ni kuya, sa sobrang lamig kailangan ko ata ng jacket. Nagtutulakan pa si Lucas at Mathew sa pagkuha ng pagkain habang si Cairo ay inintay na matapos ang dalawa saka kumuha ng kanya. "It's been a long time no see." Pag uumpisa ni kuya ng usapan, nakangiti ito pero nakakatakot para bang may naiisip na siyang kalokohan sa utak niya. "Yeah, it's been 3 or 5 years if I'm not mistaken." Pormal na sagot ni Cairo. Tumango naman si kuya at dumako ang tingin sa akin, na painom tuloy ako ng juice ko at halos masamid ako sa pag-inom ko. "Easy Andriane hindi ka naman mauubusan ng juice ang dami pa oh!" Natatawang tugon ni Liam at pinakita pa sa akin ang pitsel na may lamang juice. Sinamaan ko lang ito ng tingin pero tumawa lang ito, na kitawa na rin si Janelle at ang iba pa. "Takot kasi siya kay Lexus, haha–aray!" Isang malakas na batok ang natanggap ni Ashton mula kay kuya. "Masakit yon!" Tinaasan lang siya ni kuya ng kilay. "Wala ka talagang modo kahit kailan! Imbis na kuya ang itawag mo sa akin Lexus lang? Kelan pa tayo naging magkaedad para tawagin mo ko ng pangalan lang??" Galit na tanong ni kuya, pero kahit galit ito ay nagagawa pa rin nitong maging mahinahon. Hindi naman papatalo si Ashton kaya na kipag-titigan pa ito kay kuya pero sa huli ay si kuya din ang nanalo. "Cairo." tawag ni kuya dito. "Oh?" Ay bastos! Kapag ako ang sumagot ng ganyan isang malakas na pitik sa bibig ang nag-aabang sa akin, napahawak tuloy ako sa labi ko habang nakakunot. "Did you kiss my cousin?" Kunot noong binalingan ko ng tingin si kuya ganun din ang ginawa nito. "I'm asking you Cairo." Na paayos naman ito ng upo at tumingin sa akin saglit na parang nanghihingi ng tulong. Anu naman ang maitutulong ko? Kung ako nga isang pabalang na sagot lang matinding pingot na sa tainga ang makukuha ko. "Y-yes–" *BLAG!!* Lahat kami ay nagulat sa pagbagsak ni kuya ng baso sa lamesa. "K-kuya." masamang tumingin ito sa akin. Napayuko nalang ako at na ka ngiwi na tiningnan ang mga kasama namin, ngumiti sa akin si Janelle pero nagmukha itong pilit. "She kissed me back—aray!!" Agad kung hinampas si Cairo sa braso. Sinipa ko pa ito malapit lang naman siya sa akin kaya abot kamay ko lang siya. "Kindly explain it to me, Lilith?" Yumuko ito at pinag saklob ang mga palad niya. Alam kung galit yan kasi Lilith Ang tawag nito sa akin, parang wala yata akong matandaan na tinawag ako nito sa unang pangalan ko. "Ano– kasi ano, k-kuya." Kinakabahan kung tugon. "Later." Maikling tugon nito. Mas lalo tuloy akong kinabahan sa salitang iyon dahil noong unang sinabi niya iyon ay halos maghapon niya kung sinermunan sa loob ng kwarto, partida walang upo-upo yun nakatayo lang siya non at pirmi na nakakunot ang noo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD