Chapter 18

1644 Words
Third person's POV "Takbo! Wag kang titigil, wag kang lilingon! Takbo!!" Mabilis na tumakbo ang batang babae, matapos siyang tulungan makatakas ng sinasabing ina niya sa kinakasama nitong lalaki. Isang madilim at masukal na gubat ang pinasok ng bata dahil sa taranta para hindi maabutan ng lalaking gustong manakit sa kanya. Masakit ang buong katawan niya dahil sa panibagong sugat at pasa na natamo mula sa pagkakasuntok at sipa sa kanya, kung meron lang makakakita sa kanya ay talagang ka kaawaan siya dahil sa kanyang itsura na putok ang kilay, may black-eye, sugat sa noo at putok na labi at nag durugong ilong pati sa ibang parte ng katawan niya ay may mga sugat rin siya at ang ibang sugat na naghihilom ay muling dumugo. Mangiyak ngiyak na lakad takbo ang ginawa ng batang baba habang tinatahak ang madilim na gubat. "T-tulong, please tulungan n-niyo ko–ahh!" Daretsong sumubsob sa maputik na lupa ang bata, lalo itong napaiyak dahil sa sakit ng mukha ng matalisod ito sa isang bato. Tumayo ito ngunit muling napaupo dahil sa matinding sakit na lumukob sa kabilang binti niya. Punong puno ng dugo ang binti niyang iyon sa sobrang takot ay hindi na nagawang ma-ikilos ito ng bata. "Labas na! Nasaan ka huh? Pag nakita kita papatayin kita!!!" Isang nakakatakot na sigaw ng lalaking humahabol sa kanya. Muling niyang sinubukang igalaw ang binti ngunit katulad ng kanina ay masakit pa rin ito at tila may nabali pang buto. Isang kamay ang humila sa kanya at dinala siya sa isang malaking puno. Kahit iika-ikang lumakad ay nag pahila siya dito. Muling tumulo ang luha nito ng mapagtanto kung sino ang taong humila sa kanya. "K-kuya—kuya hinanap mo ko." "Wag ka nang mag alala tumawag na sila mommy ng pulis, kailangan natin umalis dito bago pa niya tayo--" Bago matapos ng kapatid na lalaki ang sasabihin ay bigla nalang lumitaw ng isa pa nilang kapatid galing kung saan, hawak nito at braso ng kapatid na namimilipit pa rin sa sakit. "Saan mo siya dadalhin?" "Tumigil ka na, anu ba ang problema mo huh? Bakit mo ba ito ginagawa?" "Siya! Sawang-sawa na ko na ko sayo, ako lang dapat ang totoong Raven pero hindi! Dahil sa iyo napunta ang lahat. Ako dapat ang kaisa-isang anak na babae ng mga Raven pero lagi kang epal, papansin lagi kang pa awa sa lahat lagi nalang ikaw! "Magkapatid t-tayo ate bakit ba ganyan ang iniisip mo–" "Manahimik ka! Hindi kita kapatid!!!" "Nandito ka lang pala! At May mga kasama ka pa." Hinila ng isa pa'ng batang babae ang nakababatang kapatid at itinulak sa mismong harapan ng lalaki. Tumagilid naman ulo nitong tinignan ang tatlong bata tila iniisip kung paano papatayin ang mga ito. Nilukob na ng matinding epekto ng droga ang lalaki at kung anu-ano na ang naiisip nito, habang ang batang lalaki at batang babae ay nag aaway nilapitan nito ang isa pang batang babae na nakadapa sa lupa at hinawakan sa pulsuhan saka hinila pataas. Nakalambitin ang katawan ng kaawa-awa na bata habang pinipilit na makawala sa kamay ng lalaki. "Bitawan mo siya—parating na ang mga pulis!" Sigaw ng batang lalaki habang hina-harangan naman siya ng isa pa'ng batang babae na makalapit sa pwesto ng dalawa. Pero tinabig ito ng batang lalaki dahilan para mapaupo ito sa lupa. Agad na sinugod ng batang lalaki ang lalaking ma'y hawak sa kapatid at sinipa ito sa tuhod at pinagsusuntok ngunit tila baliwala ito. Malakas na sipa sa sikmura ang natanggap ng batang lalaki mula rito, walang awa nitong pinag sisipa ang bata hanggang sa mawalan ito ng malay, binuhat niya ito na parang sako ng bigas ganun din ang batang babae. "Saan mo sila dadalhin?" Takot na tanong ng nakaupong batang babae. Kumunot ang noo ng lalaki sa tanong ng batang babae tila iniisip kung matatawa ba siya o sadyang tanga lang ang batang babae sa tanong niya. Hindi na lang ito pinansin ng lalaki at nagsimula nang maglakad buhat ang dalawang bata, sa di kalayuan ay nakapwesto na ang mga pulis habang tinitingnan ang buong lugar. Kasama nito ang mag asawang nag aalala para sa kanilang mga anak. "Nawawala daw ang dalawang bata, umalis daw ng mansyon." "Sigurado akong kasama nila ang kapatid nila kukunin natin sila, wag ka nang ng mag alala nandiyan ang mga pulis. Ililigtas nila ang mga anak natin." "Kasalan ito ng batang iyon, simula ng dumating siya sa buhay natin ay nagkakagulo lagi." "Wag mo nang sisihin ang bata Raine, kahit siya ay naguguluhan din naiipit siya sa g**o ng mga pamilya natin." Wala naman magawa ang mag asawa kundi ang mag dasal at ipanalangin na ligtas ang tatlong bata. Bumalik sa lumang bahay ang lalaki buhat ang dalawang batang walang malay kasunod nito ay ang batang babae na tahimik lang sa likod nito. Tinungo nito ang kwarto kung saan niya iniwan ang walang buhay na babae ang tunay na ina ng bata. "A-anung ginawa mo sa kanya!!" Lumapit ang batang babae at hinawakan ang kamay ng ina. Nanginginig ang buong katawan niya dahil sa sinapit ng ina niya sa kamay ng lalaking kinakasama nito. Ibinaba naman ng lalaki ang dalawang bata sa gilid ng kwarto at saka sinarado ang pinto at nilagyan ng padlock. Tinungo nito ang kusina at hinalungkat ang lahat ng gamit kinuha nito ang galon na may lamang pulang likido at isinaboy sa bawat sulok ng bahay, matapos ang pagsasaboy ng likido ay lumabas ito at nagsindi ng sigarilyo habang prenteng nakaupo sa may batuhan. "Magsama-sama tayo sa impyerno! HAHAHA!!" Malakas na Saad nito sabay tapon ng upos ng sigarilyo sa mismong basang d**o. Mabilis na sumiklab ang apoy kinakain unti-unti ang parte ng bahay. "T-tulong!!! *Cough* *cough* tulungan n-niyo kami!" "May tao po rito! *Cough* t-tulong!!" Sigaw ng dalawang bata sa loob ng kwarto. Yakap-yakap ng batang lalaki ang batang kapatid na babae na nakatulala lang at tila wala sa sarili. Nanginginig ang buong katawan nito. "Andriane, kailangan natin lumabas *cough*dito." "Naririnig mo ba ko? Andriane–" Tumayo ang batang babae at malakas na itinulak ang kapatid na lalaki. Natatakot itong lumayo sa pwesto ng kapatid at nag sisigaw na huwag lalapit. Yakap nito ang sarili habang pinipilit na isiksik ang katawan sa isang sulok ng kwarto. "A-andriane, ako ito si kuya–ahh!!!" "L-lumayo ka! Wag kang s-sinabing lumapit! Halimaw ka!!" Sigaw ng batang babae, hawak naman ng batang lalaki ang dibdib habang idinadaing ang kirot dala ng malaking sugat nito. Tumama sa kanya ang isang matulis na dulo ng bubog na i-winasiwas ng batang babae kanina. Sa kabilang dako nakasalubong ng mga pulis ang isang lalaki na mag isang tumatawa ito ang lalaking suspek sa pagsunog ng lumang bahay. Agad naman nila itong hinuli at tanungin kung nasaan ang mga bata. "Nasaan ang mga bata?" "Nasa impyerno HAHA!!" "CHIEF! May nasusunog daw na bahay malapit sa gubat." Agad naalarma ang lahat at mabilis na pinuntahan ang sinasabing bahay. Halos lamunin na ng apoy ang buong bahay, kung titingnan ay parang walang makakaligtas dito sa tindi ng sunog. Walang ginawa ang ina ng mga bata na si Raine kundi ang umiyak at isigaw ang pangalan ng mga anak. Tulong tulong ang ibang pulis sa pagpatay ng apoy pero hindi sapat para mawala ito ng tuluyan. Makalipas ang halos isang oras ay unti-unting humina ang apoy dahilan para mapasok ito ng mga bumbero, sa paglabas ng mga ito ay dala nila ang tatlong batang na puro lapnos sa katawan ganun din ang batang lalaki na may malaking sugat sa dibdib at namumutla. Inilabas pa ng isang bumbero ang katawan ng isang babae na halos hindi na makikilala dahil sa sobrang pagkasunog nito. Agad na isinugod sa ospital ang mga biktima na pare-parehong itinakbo sa E.R ng ospital, kausap naman ng mga pulis ang mag asawa tungkol sa kaso at tungkol sa babaeng patay na nakuha kasama ng tatlong bata. *** Napabangon ako ng wala sa oras, nanginginig ang buong katawan ko tila kilalang-kilala ng katawan ko ang takot na yun. Bumaliktad ang sikmura ko ng bumalik sa isip ko ang sunog na katawan na imahe ng babae, mabilis kung tinungo ang CR ng kwarto at doon nagsusuka. Napasandal na lang ako sa pader at pa dausdos na napaupo sa sahig, yakap ko ang sarili ko habang nanginginig pa rin sa takot. Kahit malabo ang mga imahe ay parang totoong totoo ito para sa akin, aligaga akong na pabaling sa pinto ng kwarto ko ng may sunod-sunod na katok akong narinig mula dito. "S-sino yan?!" Nauutal na tanong ko, tuloy pa rin ang pagkatok nito. Hanggang sa unti-unti na itong bumukas at dumungaw ang ulo ni kuya Lexus. Nakakunot ang ulo nito na nilibot ang tingin sa buong kwarto ko hanggang sa ma padako ang tingin nito sa akin na nakaupo sa gilid ng banyo. "Anong ginagawa mo diyan?" Nakakunot na noo pa rin na tanong nito sa akin. Pumantay ito sa akin at sinilip ang mukha ko.. "Umiyak ka ba?" "K-kuya." tanging nasabi ko saka ito niyakap ng mahigpit. "What happened?" Niyakap din ako nito at hinimas ang likod ng ulo ko. *** Lexus POV "What do you mean Lexus?" Tanong ni tita Raine. Naikuwento ko kasi ang nangyari kanina kay Andriane ng madatnan ko itong nanginginig sa gilid ng banyo, ma-putla ang mukha at tulala. "Hindi ko alam ang totoong nangyari sa kanya pero tulala lang siya at kapag tinatanong ko naman kung anung nangyari hindi siya sumasagot at umiiyak lang." "Dalhin na natin siya sa psychiatrist, nakausap ko na rin ang asawa ni Alvarez." Aniya naman ni tito, napatingin naman ako sa pwesto ni Andriane na hanggang ngayon ay tulala pa rin. Natuyo na ang ibang bakas ng luha sa mukha niya. "Ihahanda ko na po ang sasakyan." Tumango lang sakin ang mag asawa at dumaretso kay Andriane para ipaalam ang pag alis namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD