Chapter 25

1032 Words
Third person's POV "A-andrea? Imposible nakita ko siyang patay at–" "Talaga ba Andriane? Ikaw ang pumatay! Pinagplanuhan mo ang lahat Andriane killer ka!" Lumapat sa mukha ni Andriane ang palad ng dalaga. Wala na ito sa sarili, tila isa itong takas sa mental sa inaasta nito. Walang humpay ang pagsipa nito sa dalagang si Andriane na umiiyak dahil sa sakit ng katawan nito. "Masakit ba? Kulang pa yan! Nawala sa akin ang lahat ng dahil sayo! Dapat ikaw na lang ang nawala, sakim ka Andriane, sakim ka!" "T-tama na hindi ikaw ang kapatid ko! Kahit kailan hindi ka magiging si Andrea!" "Manahimik ka! Ako si Andrea!" Sigaw ng dalaga. Kinuha nito ang isang kahoy at inihampas sa bintana, tumama ang ibang piraso nito kay Andriane. "Agrhh!!" Daing nito dahil sa piraso ng bubog na bumaon sa hita niya. Umagos ang dugo mula sa hita niya pababa sa sahig ng kwarto. "Ako naman Andriane, hayaan mo ko na sumaya kapatid kita hindi ba dapat gagawin mo ang lahat para sumaya ako." "Tumigil ka sa kahibangan mo! Hindi ikaw si Andrea, pinagamit lang sa iyo ang mukha niya baliw ka na!" "Baliw? Pero ikaw itong pumatay para lang sa ikasasaya mo. Pinatay mo si Andrea, pinatay mo ko Andriane pinatay mo kami!" Tumayo ang dalagang nagpakilalang Andrea at iniwan ang nanghihinang si Andriane sa loob ng madilim na kwarto. "Dito ka muna, wag kang mag alala ako nang bahala sa kanila." Aniya nito habang kinadena ang labas ng pinto. Walang pa rin tigil sa paghahanap sila Lexus at Ashton. Habang ang ama naman ng dalaga na si Andy ay nagtungo sa head security ng village para panoorin ang kuha ng footage bago nawala ang anak, matapos ang ilang oras na paghahanap ay bumalik sila sa bahay. "Hindi ko siya nakita sa mga lugar na pinuntahan niya." Aniya ni Ashton. "Humingi na ako ng tulong sa mga kaibigan ko, tatawagan nalang nila ako kapag nakita nila si Andriane." Tugon naman ni Lexus. "Anong nakita mo sa cctv Andy?" Tanong ni Raine, kanina pa ito hindi mapakali gustong gusto niya umalis ng bahay para hanapin ang anak pero sumasagi sa isip niya na baka biglang umuwi ang anak at walang madatnan na tao sa bahay. "Nakita lang si Andriane na nakatayo sa veranda ng kwarto niya. Mga ilang segundo pumasok na ulit ito sa loob ng kwarto at hindi na ulit lumabas." Dismayadong tugon ni Andy. "Kung ganun sa mismong pinto siya dumaan palabas. Tiningnan niyo ba nang mabuti ang dugo na sinasabi niyo tita?" Tanong ni Lexus. "H-hindi, nag panic na ako dahil wala doon si Andriane at may bakas pa ng dugo sa kwarto niya." Agad naman nilang tinungo ang kwarto ng dalaga at sinuri ang sinasabing bakas ng dugo. "Mukhang hindi 'to dugo tita." Aniya ni Lexus, umupo sa tabi nito si Ashton para tingnan din ang pulang likido sa lapag. "Mukhang pintura lang ito–" "K-kuya." Lahat sila ay napalingon sa pinto ng kwarto ng marinig nila ang boses ng taong hinahanap nila. "A-andriane, anak!" Sigaw ng ina nito at agad na nilapitan ang anak. "M-mommy." Naiiyak na tugon ng dalaga at saka yumakap sa ina. "Andriane anak saan ka ba galing?" Tanong ng ama nito ng makalapit sa pwesto nila, tumingin ito sa ama, agad na nangilid ang mga luha nito. "Andriane, anung nangyari?" Tanong muli ng ama nito. "Nakita ko s-sila gusto nila kung kunin ulit. Kukunin nila ako ulit, ayoko! Ayoko sumama sa kanila, mommy wag niyo ko ibibigay sa kanila please." Nagmamakaawang sagot nito yakap ito ng ina habang hinahaplos ang buhok. "Huminahon ka Andriane." Seryosong tugon ni Lexus. Iniupo naman ng mag asawa ang anak sa kama, habang si Ashton naman ay tahimik na lumabas ng kwarto ng kapatid. Hinintay nila na makatulog si Andriane bago lumabas ng kwarto, nagtungo ang mag asawa sa kanilang kwarto habang si Lexus ay tinungo ang kwarto ng pinsan na si Ashton. "Anung kailangan mo?" Seryosong tanong ni Ashton. Nakahiga ito sa kama at nakatakip ng isang braso ang mga mata nito. "Ang tahimik mo yata, hindi mo man lang kinausap si Andriane." Komento ni Lexus, umupo ito sa sofa at i-sinandal ang ulo. "Wala lang." Tipid na sagot nito. "Kilala kita Ashton parang hindi tayo sabay na lumaki." Pahayag ni Lexus. Bumangon si Ashton sa pagkakahiga at umupo paharap kay Lexus. "Kung kilala mo nga ako, siguro naman alam mo kung anung iniisip ko." "Hindi ako manghuhula Ashton, pero alam ko kung anong ibig mong sabihin. Umakto ka na lang na walang alam, kailangan natin mag ingat sa mga kilos at pananalita." "Susubukan ko, pero kapag ako pumitik–pasensyahan na lang." Napailing na lamang si Lexus sa inaasta ng pinsan. "Kasasabi ko lang mag ingat sa pananalita, tandaan mo Ashton hindi natin alam ang pwedeng mangyari." "Tsk! Oo na." Sa isang madilim na kwarto nakahiga ang dalagang si Andriane, walang buhay ang mga mata nitong nakatingin sa pulang likido na nagkalat sa sahig mula sa kanyang sugat sa binti. Binunot nito ang piraso ng basag na salamin sa kanyang hita at inihagis sa kung saan parte ng kwarto, tila wala itong nararamdaman na sakit dahil tuwid itong nakatayo at maayos na naglakad patungo sa pinto. "Kasalanan mo Andriane, namatay siya ng dahil sayo. Ikaw ang pumatay sa kanya." "Mamamatay tao ka, pinatay mo ang sarili mo ang kapatid." "Bakit hindi nalang ikaw? Ikaw nalang dapat ang namatay." "Sino ka? Mommy bakit may ibang bata dito? B-bakit kamuha ko siya?" "Tumigil ka, hindi ikaw si Andrea–hindi kita kapatid!" "Andriane! Tulungan mo ko! A-andriane please." "Hindi kita kapatid, wag mo kung tawagin ng ganyan. Patay na ang kakambal ko! Patay na si Andrea!" "T-tama na! Hindi—hindi ako! Hindi ako ang pumatay!" Sigaw nito, nag-umpisa itong magwala sa loob ng kwarto, naapakan nito ang mga basag na bubog na nakakalat sa sahig. Naupo ito sa sulok ng kwarto habang hawak ang isang piraso ng matulis na salamin. "Hindi—hindi ako." Paulit-ulit na saad nito na may kasama pag iling at pag sabunot sa buhok. Wala itong pakialam sa nag dudugong paa, kahit daing ay hindi nito ginawa at tila nawalan ng koneksyon sa realidad.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD