Kabanata 3

1375 Words
Nightmare Bakit ba nila ako hinahabol? usal ko at patuloy sa pagtakbo, takot na baka maabutan at kung ano ang gawin sakin. Kahit na hinihingal ay patuloy parin ako sa pagtakbo, takbo sa daan na hindi ko alam kung bakit hindi ito matapos tapos para bang ang layo nito. Pagod na ako, pagod na pagod—hindi ko na kaya, hindi ko na pansin ang isang kahoy na nakaharang at 'yon ang dahilan kung bakit ako natumba ko, "Ouch!" saad ko at pilit tumayo. Pero—huli na ang lahat dahil nahawakan na ako sa isa nilang kasamahan. Kahit anong gawin ko ay hindi niya ako mabitawan. Ano ba ang naging kasalanan ko? Bakit ako pa, "K-kuya, maawa po kayo!" Sabi ko na napahagulgol. "Bwiset kang bata ka!!" Sigaw niya at sasampalin ako. "Huwaaaag poooo!!" Sigaw ko at tuluyan nang kinain ng kadiliman—hindi ko alam kung asam ako tinitigan ko lang ang sariling repleksyon, puro dilim lamang ang nakita ko at ang repleksiyon ko sa parang salamin na para ding tubig. "S-sino ka?" Takot kong tanong. Ngumiti siya na parang demonyo, demonyo na nasa-yahan sa nakikita. "Ako ay ikaw, ikaw ay ako." Sabi niya kaya nanindig agad ang balahibo ko. "H-Ha? Hindi po kita maintindihan," naguguluhan kong saad. "Sa tamang panahon, malalaman mo na ang lahat ng nakapaligid sa'yo ay hindi totoo, mag iingat ka," saad niya at unti-unting nawala,,, Lincoln POV: Naabutan ko siyang hawak ang salamin na nabasag, "Eirene! huwag mo 'yang hawakan!" Sigaw ko at mabilis lumapit sa kanya. Nagulat ako ng tinutok niya ito sakin, " Huwag kang lumapit!" Sigaw niya at hinigpitan ang pagkakahawak sa basag na salamin, her hands started to bleed. "Okay, Okay, Please relax Eirene." Malumanay kong saad at itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko. "Bakit ako? Bakit ako? Kuya bakit po ako?" Sigaw niya at umiyak nanaman pero hindi niya parin binaba ang basag na salamin. Ilang sandali lang ay parang nawalan siya ng lakas at nakapikit na ulit ang kanyang mata, kaya mabilis ang ginawa kong pagsalo sa kanya, she fall asleep again na para bang walang nangyari. Pinahiran ko nalang ang mga luhang dumaloy sa pisngi niya. Ano ang nangyayari? Sunod-sunod na itong nangyari. Mukhang kailangan ko na talagang siyang dalhin sa psychiatric para mapa-tignan kong ano ang nagyayari, sunod sunod na kasi. Inihiga ko siya ulit sa kama niya at tinabunan ng kumot, bumaba ako para kumuha ng walis at dustpan kailangan kong linisan ang kwarto niya at palitan ulit ang lampshade na nabasag kanina, ganito ang ginagawa ko dahil kapag gigising kasi siya ay hindi niya alam na nag wa-wala siya dahil feeling lang niya ay panaginip lang ang lahat, binalaan narin ako ni Doc.Agpayan sa ganitong pangyayari. Pagkababa ko ay nakita ko silang lahat na tahimik na nakaupo sa sofa at nag ala-lang mga mukha. "Pre, ayos na ba siya?" Sabay sabay nilang tanong at nagkatinginan pa. "Yes, she's okay for now, dadalhin ko siguro siya mamaya o bukas sa psychiatric niya kapag magising." Malumanay kong saad at dumeretso sa kusina para makakuha ng walis at dustpan. Umakyat ulit ako para malinis ang mga kalat, habang nag wa-walis ako ay narinig ko siyang huma-gulgol, she's having a nightmare again. umi-iling kong saad at hinaplos ang mukha at hawak sa kamay niyang nakasara para maramdaman niyang ligtas siya. Pinagpatuloy ko ang paglilinis at pagkatapos ay lumabas at bumaba na rin. Nakita ko ulit ang pito at tahimik na nakaupo, para bang hindi makapaniwalang may PTSD si Eirene. "Pre! Okay na ba talaga siya?" tanong ni Aeson, alam ko ang nararamdaman niya dahil siya ang unang nakarinig hindi nga halos maipinta ang mukha niya kaninang tumatakbo papunta sa pool kong saan ako. "Yes, she's alright don't worry Aeson, and thank you, salamat at narinig mo siya kanina," nagpapasalamat na saad ko. "Your welcome pre, na gulat lang talaga ako kanina," sagot niya at huminga ng malalim. "Madalas bang mangyari 'yan pre?" Tanong ni Apollo at tumingin sakin. "No, pero pangalawa niya na 'yan, kanina kasi doon sa nueva Ecija habang natutulog rin inatake siya," Sagot ko at umupo ng maayos. "Kailangan muna nga talaga siyang madala sa psychiatric niya pre," tumango na saad ni Apollo. Tumahimik na silang lahat at nag kanya kanyang nag cellphone, ilang sandali lang ay umungol sa galit si Aeson. "Holly s**t—bakit nakalimutan ko 'to? Mapapatay na talaga ako ng babaeng 'to!" Sigaw ni Aeson habang nagmamadaling pinulot ang mga gamit. Pinagmasdan lang namin siyang nataranta, mapapatay talaga siya ni Coney, lagot kang bata ka. Si Aeson at Coney ay mag fiance, kahit na laging nag-aaway ang dalawa ay hindi ito mapag-layo. Bilib rin ako sa fighting spirit ni Aeson dahil na papantayan niya ang kakulitan at kademonyitahan ni Coney, iba talaga ang magagawa nang pag-ibig, pasimpleng saad ko sarili at umiling. Tuluyan na nga siyang nakalabas, kaya natawa kami at biglang sumingit si Apollo, "Oh tatawa lang kayo diyan? nakalimutan niyo yata na isang sasakyan lang ang ginamit natin papunta rito?" Saad niya at nagpatiuna na lumabas ng bahay. "Hala! Busit ka pre! Hoy Aeson wag mo naman kaming iwan!" Nag histirical sigaw ni Theseus. Nagtawanan nalang kami sa inasta niya at sinundan silang lumabas, andon si Aeson at hawak ni Apollo ang kamay, may balak nga yata itong iwanan ang mga kasama. "Aba't balak mo pa talaga kaming iwan rito Aeson," nag in-arte na saad ni Eros. "Bakit ba kasi ang bagal niyong kumilos, bitawan mo nga ako Apollo," pakiusap niya hawak parin kasi siya sa leeg at patalikod na hinawakan ang dalawang kamay. Binitawan na siya ni Apollo at nag si pasok na silang lahat, huminga ako ng malalim bago nilapitan ang driver side, si Evander kasi ang mag maneho. "Dahan dahan lang sa pag maneho pre, huwag mong pansinin ang baliw na 'yan," saad ko at nguso sa bandang likod kong saan naka upo si Aeson. Nagtawanan kaming lahat, except kay Aeson na parang natatae na ewan... Pinaandar na ni Evander ang sasakyan at tuluyang umalis, tinignan ko muna sila hanggang sa makalabas sila sa gate. Nang nawala na sila sa paningin ko ay bumalik na ako sa loob ng bahay at niligpit isa isa ang mga kalat at sinali ko narin ang kalat doon sa pool. Pagkatapos kong maglinis ay umakyat ako sa kwarto para maligo at mag ready kung sakaling pupunta na kami sa psychiatric. Pagbukas ko sa pinto ay isa-isa kong tinanggal ang saplot at boxer na kulay itim lamang ang iniwan ko, naglakad ako patungo sa banyo at pumasok. I turn on the shower... and looked at myself in the mirror, pansin kong kuma-kapal na ang balbas kaya kumuha ako ng cream at shaver. Ibinabad ko muna ang cream na nilagay ko sa kung saan ang balbas, ilang minuto lang ay sinimulan ko nang e shave ito. everytime I shave it nakikita ko ang mukhang malinis na namumula dahilan sa pag shave ko. Pagkatapos ay agad akong pumunta sa shower at humawak sa pader na tiles, pumikit ako para e relax ang sarili, ramdam ko ang lamig ng tubig na bumabagsak sa ulo papunta sa katawan ko. Pagkatapos kong maligo ay naka bath-rob lang akong lumabas sa banyo at pumunta sa kabinet at para makapag bihis na... Eirene POV: Nagising akong humahangos, hindi ko alam kong ano 'yong napanaginipan ko dahil blurred lang ito. Tinignan ko ang labas ng bintana, hapon na? Kaya nag desisyon nalang akong tumayo at dumeretso sa banyo para maligo at bihis, hindi naman ang tagal ay natapos na ako,, Bumaba ako at pumunta sa kusina para ma check kong may pagkain ba, pagkarating ko ay nakita ko ang lamesa na may tinakpan. Pagbukas ko ay nagningning agad ang mata ko dahil sa nakita, it's barbeque. Kumuha ako ng pinggan at kutsara at tinidor para maka-sandok ng kanin at 'yong ulam na barbeque. Masaya akong ngumuya ng may tumikhim sa likod ko—Pagtingin ko ay si Lincoln na titig na titig sakin. "M-mr. Lincoln, pasensya na at kinain ko ang barbeque," mahinang saad ko at yumuko. Paano kong sigawan niya ako? "That's for you Eirene, kumain ka nalang diyan at pagkatapos punta ka sa library may paguusapan tayo." saad niya at tumalikod sakin. Nagtaka man ay pinagpatuloy ko nalang ang pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD