Kabanata 4

1794 Words
Kabanata 4- Invited Pagkatapos kumain ng dalaga ay agad niyang hinugasan ang pinagkainan at pagkatapos ay umakyat na siya sa itaas para mapuntahan ang library, dahil 'iyon ang tinugon sa kanya ng binatang si Lincoln. Pagkarating niya sa harap ng pintuan ay agad siyang kumatok para humingi ng pahintulot na pumasok, nang narinig niya ang sagot galing sa loob ay agad niyang tinulak ang pinto at hinanda ang sariling pumasok. Nakita niya ang binata na nakaupo sa malapit na lamesa at maraming papel at folder na nakapatong sa harapan nito, tinignan niya ang binata, nakasandal ito sa swivel chair na kulay itim at may reading glasses pa itong suot—ang panga nitong hulmang-hulma na parang galit lahi, dagdagan pa ang kilay nitong palaging nakakunot na kulang nalang magdikit ito. “Gwapo siya at maganda ang pangangatawan niya,” Ani ng isip nang dalagita at lumapit na ito sa harapan ng lamesa kung saan nakaupo ang binata. “Sit down, ayokong sasakit ang leeg ko kaka-tingala ko sayo,” saad nang binata habang nasa papel parin nakatutok ang mga mata. Mabilis namang umupo ang dalaga at takot na baka sigawan siya. Tumikhim muna ang binatang si Lincoln bago nagsalita, “Palagi ka parin bang nanaginip tulad 'nong dati?” Tanong nito at siyaka niya palang tinignan ang dalaga. “P-Po?” Utal na saad ng dalagita at umayos pa ito ng upo. “Don't call me po—mas matanda nga ako sayo pero ayokong pino-po ako,” Matigas na saad ng binata sa kanya dahilan para napa-higit ito ng hininga ang dalaga at umayos ulit ng upo baka malaglag siya dahil sa kaba. “Noted, Mr.Lincoln,” Sagot ng dalaga at hinintay pa ang ibang sasabihin ng binata. Tumingin siya sa binata at laking gulat ng masama siya nitong tinignan. "You can call me, Lincoln kung andito lang tayo sa bahay, pero kapag nasa event or meeting, call me honey katulad parin kagabi." Saad nang binata at masama parin siyang tinignan. "Noted, L-lincoln," Utal na sagot ng dalaga at tumango pa ito dahil sang-ayon siya sa sinabi ng lalaki. Pormal naman talaga kapag tatawagin niya itong Mr. Lincoln o Cooper. “By the way, 'Yong tanong ko, nanaginip ka parin ba tulad ng dati?” Tanong ng binata. “Minsan lang Lincoln,” Sagot naman ng dalaga at nag likot ang mata na parang may tinago ito na ayaw niyang malaman ng binata. “Tumawag kasi si Doc. Agpayan at kinakamusta niya ang kalagayan mo, kailangan nating pumunta sa clinic at bukas nalang siguro dahil gumagabi na rin.” Saad ng lalaki at sinarado ang binabasa na folder. “Okay Lincoln,” Sagot naman ng dalaga at hinintay pa ang ibang sasabihin ng binata. “What? hindi ka paba aalis?” Supladong saad ng lalaki at kahit na gulat siya ay mabilis naman siyang tumayo at kumaripas na lumabas. “Stupid,” saad nang lalaki at pinagpatuloy ang pagbabasa. Mabilis naman lumabas ang dalaga, “Ang suplado tagala niya. Para bang lagi may regla. O baka nga ni-regla?” Usap ng dalaga sa sarili habang bumaba ito sa hagdanan. Pag labas ng dalaga ay nakita niya kaagad ang magagandang bulaklak at ang langit na parang paraiso—ang ulap na magkakaiba ang hugis at ang langit na kay ganda, pinag halo itong kulay orange at pula, ang mga ibon na masayang nag habulan na parang kumakanta pa ito habang lumilipad. Dagdagan ang ang lamig ng simoy nang hangin, pumikit ang dalagita para maramdaman ang lamig ng hangin. "Beautiful," Usal ko at umupo sa duyan. Tahimik lang na pinag masdan ng dalaga ang kalangitan, huminto ang kanyang tingin sa kulay pulang rosas, tumayo ito at humakbang patungo sa bulaklak. "Ang ganda mo," Haplos niya rito, "Pero sa likod ng gandang 'yan ay ang sakit naman dulot sa matinik mong katawan," Usal ng dalaga at hinawakan ang katawan ng rosas agad naman dumaloy ang kanyang dugo, dulot sa tinik ng rosas na kanyang hinawakan. Kahit na ramdam niya ang sakit dahil sa tinik ay hindi niya inalis ang kamay at pinagmasdan niya lang ito, para bang blangko ang kanyang utak at walang makita, hinayaan niya lang na dumaloy ang dugong galing sa kamay at siyaka lang niya ito binitawan ng dumagundong ang langit. "Umaambon na, parang uulan ngayong gabi," Usal niya at siyaka palang niya naisipan na pumasok sa bahay, pag pasok naman niya ay dumeretso kaagad ang dalaga sa kusina para makakuha ng gamot. Pagpasok ng dalaga sa kusina ay napatigil pa siya, dahil andon pala si Lincoln, napatingin naman ang binata sa kamay niyang may bahid ng dugo. Nag simula ng kabahan ang dalaga dahil biglang nag iba ang expression ng binata sa kanya. "Dahil ba nakita niyang dumudugo ang kamay ko?" Usal ng dalaga sa kanyang isip. Kinakabahan man siya ay nanatili rin siyang nakatingin sa lalaki at nakita niyang palapit na ang lalaki sa kanya, kaya tumalikod na siya at handa ng tumakbo palayo. “Stay right there!” Dumagundong na sigaw ng lalaki. Napahinto naman siya at nag dasal na sa lamunin nalang ng sementadong sahig. “What did you do Eirene? Bakit may sugat 'yang kamay mo?” Mahinahon ngunit may bahid parin itong galit na tanong ng binatang si Lincoln. Pumikit naman ang dalaga at huminga ng malalim, “Na-na dapa lang ako,” Tangang palusot ng dalaga at yumuko. “Sino ba kasing tanga ang maniniwala na nadapa tapos ganito ka rami ang dugo?” Usal rin ng isip niya, jusko day! “Dapa? I'm not blind Eirene. So, tell me the truth!” Matigas na sabi ng lalaki at tinignan siya ng masama. Wala ng kawala ang dalaga, dahil sino ba kasing tanga ang gagamit ng rason na sobrang babaw, “Hinawakan ko lang ang katawan ng rosas.” Saad ng dalaga at napangiwi pa itong tumingin sa lalaki, kita naman niya ang gulat na gumuhit sa mukha nito, pero agad rin itong nawala at napalitan ng masamang tingin, “Hinawakan lang? Seriously Eirene„ Hinawakan mo lang?” Walang emosyon na saad ng lalaki at mas dumilim ang mga mata nito. “Oo nga….kaya tumabi ka nga diyan at kukuha ako ng gamot.” Lakas loob na ani ng dalagita. At hindi nalang pinansin ang masamang tingin ng lalaki. Hindi nalang ito tinignan ng dalaga at dumeretso nalang ito sa lababo at nag hugas ng kamay, para magamot niya na ang sugat. Dahil ramdam na niya ang hapdi nito. Pagkatapos mag hugas ng kamay ng dalaga ay hinalungkat naman nito ang—first aid kit box, para makuha ang tamang kagamitan at makaakyat ito sa sariling kwarto at doon nalang gamutin ang sugat. Mabibilis ang hakbang ng dalaga pa akyat patungo sa kwarto niya at pag pasok naman niya sa kwarto ay agad niyang pinakawalan ang hiningang kanina pa pinipigilan. Umupo ang dalaga sa paanan ng katre niya at inumpisahan na gamutin ang sariling sugat. Kumuha siya ng alcohol prep at pinahid niya ito sa sugat at pagkatapos ay kumuha naman siya ng betadine at nilagyan niya ng kaunti ito at ginamitan niya ng cotton at Guaze bandage. Nilagyan na rin niya ng adhesive bandage ang gasgas lang na sugat niya. Tumihaya si Eirene sa kama at pi-pikit na sana ng may kumatok. “Sandali lang,” Mahinang usual niya at tumayo galing sa higaan at naglakad papunta sa pinto. Pagbukas niya ay tumambad sa kanya ang katulong na si Maria—si Maria ay matagal na bilang kasambahay rito sa mansyon at 30+ na yata siya. “Bakit po ate?” Tanong ng dalaga sa kasambahay. “Ma'am Eirene invitation po,” Aniya at nilahad ang isang kulang gold na invitation. “Kanino galing?” Tanong ng dalagita at kinuha sa kamay ng katulong. “Hindi ko po alam ma'am.” Sagot nito at yumuko. Tumango naman ang dalaga at…“Salamat po ate.” Aniya at sinarado na ang pintuan. Binasa niya ito habang papunta sa kama. “Birthday invitation?” Basa ng dalaga sa likod ng invitation. Kanino galing naman to…At binuksan para makita kong kanino galing. From:Mrs. Suarez I would like to invite you to my 50th birthday on March ***** At Golden hotel venue blah blah blah… Tumaas agad ang kilay ng dalaga at nilagay ito sa lamesa na katabi lang ng kama niya at tinitigan niya ito habang umupo. Iniisip niyang dadaluhan ba niya o hindi. Humiga siya ulit at tinitigan ang kisame na parang masagot ang katanungan niya. “Paano ako makakadalo kong may sugat ako sa kamay?” Anas niya sa sarili at ipinikit ang mga mata. Ngayon lang niya naisip ang katangahan na ginawa sa kamay. “Ano ba kasi ang pumasok sa isip ko't hinawakan ko 'yong mga tinik?” Tanong niya sa sarili at pumikit. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya, siguro ay effect 'yon sa gamot na ininom niya. Lincoln- “What's happened Aurora?” Tanong ng binata sa kabilang linya. Tumawag kasi ang secretarya niyang si aurora, dahil nagka-problema sa isang branch niya doon sa Dubai. “Mr. Santiago pull out his investment s-sir!” Utal na balita ng secretarya niya. “Oh God! Bakit ngayon niya lang naisipan niyan!” Sigaw na saad ng binata dahil sa galit. “Ang sabi ng secretarya niya sir, ay dahil raw nalaman na may asawa kana pala, ireto ka sana nito sa anak na babae.” Mababang saad ng secretary niya at tumahimik. “Ridiculous!” Na-usal nalang ng binata dahil sa narinig na naging rason ng investor. “Make an appointment for Mr. Santiago.” Anito ng binata at umupo ulit sa swivel niyang kulay itim. “Yes sir!” Sagot ng secretarya at pinatayan niya na ito ng tawag. Tumayo siya para makausap ang dalagang si Eirene. Pagkarating niya sa tamang kwarto ng dalaga ay kumatok siya pero walang naging sagot. Kaya umalis nalang siya at pumasok sa sariling kwarta, tinignan niya ang kanyang closet at hinanap ang tamang mga dapit na gagamitin niya sa pag punta sa Dubai. Lincoln pressured about the issue of his marriage. Iba talaga ang takbo ng utak ng ibang tao, at hindi ito pare-pareho. Umi-iling na dinampot ni Lincoln ang mga damit na napili at ini-isang nilagay sa maleta na kulay abo. Wala na siyang sinayang na oras at tinawagan ulit ang secretarya. Kailangan niya ng umalis ngayon din para makadalo sa kaarawan ni Mrs. Suarez. Ngayong susunod na araw. Nang na confirm na ng secretarya niya na handa na ang private plane niya na gagamitin ay agad siyang tumayo. Lumabas siya at napatingin sa kwarto ng dalaga. Agad siyang nag labas ng papel at sinulatan ito. Pagkatapos ay agad bumaba at sakay sa sariling sasakyan papunta sa airport dahil nakahanda na ang plane.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD