Lincoln POV:
Mula rito sa kinauupuan ko ay kita ko ang mukha ni Eirene na tulog, napailing nalang ako ng naalala ko ang nangyari kanina. Kita ko sa mukha niya kanina na nagtitimpi lang sa babae, buong akala ko ay sasapakin niya ito pero hindi niya ginawa. Maybe she thought, I get mad.
Eirene is not that bad, she can kick your ass if you mess her. Pero 'yong mga panahon na 'yon hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya. Eirene is a kind of girl, I investigate her but I want the full info, pero magaling sila mag tago hindi basta-bastang mahahalungkat lahat.
Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa dahil mag umaga na at hindi ko pa ito natapos. Kukunin ko sana 'Yong ballpen ng narinig ko ang sigaw niya.
Mabilis akong lumapit sa kanya, sana ay hindi ito Traumatic attack. Ilang buwan na ang nakalipas na hindi niya ito naranasan. "H-Hey Eirene?" Tapik ko sa pisngi niya. "Eirene wake up!" Sigaw ko ulit pero umiiyak lang siya habang tulog. s**t this is bad! Damn it!
Inalog-alog ko siya para magising, napahinga ako ng bumukas ang mata niya pero takot ang makikita sakanya.
"Wag! Huwag kang lumapit please! Nagmamakaawa ako!" Sigaw niya at dinampot ang basong nasa tabi at tinutok sakin.
"It's me Eirene! I'm Lincoln— wake up, I know your strong." Saad ko at unti unting lumapit sa kanya dahil medyo binaba niya ang Baso na hawak. Isang hakbang nalang sana—nang sumigaw nanaman siya.
"Hindi ako naniniwala! Please kuya let me go! I'm just a fifteen years old girl! Please!!" Sigaw niya at napaupo at umiyak.
Lumuhod ako para mag pantay kami, "Eirene, you're safe, I keep you safe promise." Mahinang saad ko.
"Really, Hindi mo na ako sasaktan kuya?" Sabi niya at pinipigilan huwag mapa hikbi.
Tumango ako para sumang-ayon at napatigil siya pero—nagulat ako ng bigla siyang tumawa at umiyak nanaman. Dahil sa sobrang pagwawala niya ay kung ano-ano na ang nabasag niya kaya niyakap ko siya patalikod, at nag hu-humm ng isang kanta para mapa-hinahon ko siya...
Ganito lagi ang nangyayari samin tuwing mag traumatic attack siya, unti unti ko naman naramdaman na kumalma siya at bumigat, maybe she fall asleep again. Mahina lang ang galaw ko na nilapag ulit siya sa sofa. Pagkalapag ko sa kanya ay malalaking ginhawa ang pinakawalan ko.
Bumalik ako sa table at dinampot ang cellphone, I dialed the number of Eirene's psychiatric personal doctor. 3x ringing and finally she pick up.
"Hello Mr. Cooper? What can I help you with?" Tanong niya sakin.
"Hello Ms.Agpayan goodmorning, it's about Eirene, umatake nanaman ang PTSD niya," saad ko.
"What happened Mr.Cooper?—na stress nanaman ba siya?" Tanong niya.
"No, Doc. hindi siya stress, bigla bigla lang umatake ngayon habang natutulog siya." Saad ko at umupo.
"Ano ang ginawa niya? Tulad parin ng dati nag wa-wala?" Dr. Agpayan asked.
"Yes, Pareho lang noon," malumanay kung saad.
"Okay, Pumunta kayo mamaya rito sa clinic, para ma check ko siya," She said.
I nodded kahit hindi niya naman ako nakikita, "Okay, doc thank you." I said and cut the call.
Sumandal ako sa swivel chair at pumikit, minasahe ko ng kaunti ang noo sumakit ito bahagya, siguro dahil umaga na at di parin ako natulog.
Tumayo ako para mabuhat si Eirene papunta sa parking lot, kailangan na naming umuwi sa mansion, para makapag pahinga siya nang maayos doon. Binitbit ko siya na parang bagong kasal papunta sa groundfloor andon kasi ang sasakyan ko.
I started the engine pero hindi man lang siya nagising hanep tong babae na'to. Mabilis ang takbo ko dahil hindi pa naman traffic, malayo layo pa ang lalakbayin namin. From nueva Ecija to Batangas is two hours and twenty two minutes to drive.
Dumaan rin ako sa drive thru para makabili ng makakain niya. Dahil kapag magising ito ay makakain na at tuloy tuloy lang ang pag maneho ko at nang nasa kalagitnaan ako sa pag maneho ay umayos siya sa pag-upo. Kita ko sa peripheral vision ko na nagpalinga-linga siya.
"Pauwi na tayo?" Tanong niya.
"Hindi ba halata?" balik tanong ko, hindi siya umimik at tumingin nalang sa labas ng bintana. Tsk!
After one hour ay sa wakas nakarating na kami, pi-nark ko ang sasakyan ng huminto kami sa entrance ng mansion. Lumabas ako at naunang naglakad at pagbukas ko sa pinto nang—
"Surprise!!" Sigawan nilang lahat at may pa balloon pa. Aba't kompleto pa silang pito. Aeson, Evander, Apollo, Eros, Cadmus, theseus at Castor. That's my friend. The idiot squad.
"Idiot! Tsk!" Ani ko at tuluyan nang pumasok sa pamamahay ko nang biglang—naalala kong ni-lock ko ang bahay bago kami umalis. Tumingin ako ng masama sa kanila at ang mga loko nag kanya kanyang iwas ng tingin.
"Tell me, sino ang nag bukas ng pinto?" Tanong ko at lumapit ng bahagya sakanila.
"Si Aeson nag sabi na akyat kami sa balcony!" Sabay na sabi nila at tinuro pa si Aeson. Kawawang Aeson napagbintangan nanaman.
"Ha? Bakit ako? Diba si shdhhsbsh."Sabi niya habang tinakpan ni Evander ang kanyang bunganga.
Napailing nalang siya dahil sa kulit ng barkada, tinignan naman niya ang pintuan kung saan niya nakita ang babae kanina, pero walang kahit anino ang nakita niya. Siguro umakyat na siya para makapag pahinga ng maayos.
Napag desisyonan ng lahat na mag barbeque sa tabi ng pool, pumayag ako dahil minsan lang kasi silang pumasyal rito sa mansion, dahil sa sobrang busy rin nila sa kanya kanyang buhay nila.
Habang nag-ihaw ako rito sa tabi ng pool ay biglang lumapit si Aeson sakin, "Pre can I ask about Eirene?" Tanong niya at umupo sa tabi ko.
"Yes, ano?" sagot ko.
"Diba mag asawa na kayo? so magkatabi na kayo matulog?" Pa inosenteng tanong niya, tama nga ako at wala talagang matino itong itatanong.
"Gusto mo'ng dumugo ilong mo?" Bara ko sa kanya at iniwan siya don.
"Ito naman di mabiro, pero totoo nga pre!" Sigaw na saad niya at nag dive sa pool takot batukan ang lintik.
Napailing nalang ako, dahil sa tanong ni Aeson. Hindi ko talaga maisip na magkatabi kami ng babaeng 'yon. Imposible para sakin na magtabi kami. Baka mag p*****n pwede pa.
"Pre!" Tawag sakin ni Evander, kaya masama ko siyang tinignan, sana matino ang itanong niya dahil kung hindi bigwasan ko talaga to.
"Ano? Siguraduhin mong matino 'yang itatanong mo sakin Evander!" Balik sigaw ko sa kanya, natawa naman siya. Nasa kabilang side kasi siya ng pool, nag martsa siya papunta sa puwesto ko.
"Pre, Narinig ko ang nangyari kagabi, okay lang ba si Eirene?" tanong niya. Tumango ako para sabihin na okay lang.
"Why?" I asked. Hindi ko alam pero parang gusto kong malaman kung bakit siya concerned pagdating kay Eirene.
"Ha? Anong why? Malamang magtanong ako asawa mo 'yong tao na pinahiya, ano kaba naman pre," Saad niya at natawa nalang.
"K, tawagin mo na 'yong mga abnormal dahil tapos na 'to, pwede na tayong kumain," pag-iiba ko nalang sa topic.
Mabilis naman siyang umalis at tinawag ang mga abnormal, nag salin ako para kay Eirene at para naman matikman niya ang barbeque. Noong bago pa lang kasi si Eirene rito sa mansion ay nakilala niya ang mga idiot squad, pero hindi talaga siya nakipag kaibigan sa mga ito. Maybe she find it weird? umiling nalang ako at nag hain para makakain na.
Di ko pa nga naibaba ang dala ng nag si kanya kanya na silang kuha, galit ko silang tinignan.
"Di ba kayo pinakain 'don sa kanya kanya niyong pamamahay?" Tanong ko sa kanila at natawa nalang.
Kumakain kami ng biglang may bumagsak o na nabasag, dumagundong kaagad ang kaba ko.
"Pre! si Eirene!" Humahangos na sigaw ni Aeson galing sa loob ng bahay at sobrang putla niya dala pa niya ang pitcher na may laman na tubig.
"What happened?" Tanong ko at tumayo nag uusap kami habang tumatakbo papasok sa bahay.
"I-i don't know, habang kumukuha ako ng tubig sa kusina ay may narinig akong sigaw tapos may bumagsak na parang nabasag ewan ko kung ano 'yon." Humahangos parin niyang sabi at pilit sinasabayan ang takbo ko.
Nagmamadali akong tumakbo paakyat patungo sa kwarto niya, sana ay hindi bumalik 'yong traumatic attack niya na stress ba siya? tanong ko sa sarili habang tumatakbo patungo sa taas.