Kabanata 5-Painting
Nagising ang dalaga dahil tinamaan siya ng sinag ng araw, kusot-kusot pa niya ang dalawang mata dahil hindi maraming ng maayos ang paligid, ilang sandali ay nag pasya siyang bumangon para makapag simula sa bagong araw na naman.
Naglakad siya papunta sa banyo para makapag ligo at kung ano-anong ka ek-ekan sa umaga. Nakaharap siya sa malaking salamin niya sa loob ng banyo at tinitigan ang sarili, mula sa kulay jet black niyang buhok, hanggang sa matangos niyang ilong at matang kulay chocolate at pisngi niyang kulay rosas, dagdagan pa ang labi niyang kulay pink. When she put her dress, she heard knock. “Wait lang po.” Sagot niya at inayos muna ang suot na bestida siyaka pinagbuksan ang pintuan.
“Bakit po?” Anika niya sa katulong at lumabas ng kunti. “Ma'am tumawag po si sir Lincoln, huwag po daw kayo mag skip ng almusal niyo po at kami po ang malalagot.” Aniya ng katulong at yumuko ng kunti.
“Baba nalang po ako maya-maya may kukunin lang ako sa loob ate.” Sagot niya at pumasok ulit maglakad na sana siya papunta sa kama niya para kunin ang imbitasyon. Nang may na sanggi siya sa sahig, agad niya itong pinulot at naka fold pa ito. “Ano to?” Aniya sa isip at binuksan.
“Sulat kamay 'to ni Yelo ah.“ Naguguluhan saad niya sarili at binasa ang nakasulat.
“I'm going to Dubai and take care yourself, do not skip your meal, and by the way your dress for birthday of Mrs. Suarez is ready. Tanungin mo nalang ang katulong kung saan nakalagay. Babalik ako sa mismong kaarawan kong maaga akong matapos sa Dubai.“
by: Lincoln C.
“O-okay,” Sagot ng dalaga kahit na wala namang makarinig sa kanya at lalong hindi siya nakikita ng binata. Inilapag niya ang sulat at dadamputin na sana ang imbitasyon ng naalala niya ang sulat ni Lincoln tungkol sa kaarawan ni Mrs. Suarez.
Bumaba ang dalaga upang makakain na at magsimula sa araw-araw niyang ginagawa na pag didilig ng mga halaman sa garden. Eirene notice that the two maid is busy, kaya nagtaka siya at tinanong ito. “Ate, busy kayo—may bisita ba?” Tanong niya sa katulong. Napahinto naman ang isang maid at yumuko ng kunti.
“Opo ma'am darating po ang isang kaibigan ni sir Lincoln at dito raw po muna mag stay.” Saad ng katulong at pinag patuloy ang kung ano ang ginagawa. Tumango ang dalagang si Eirene at tuluyan ng pumunta sa kusina para makapag almusal.
Habang nag-aalmusal ay tumunog ang kanyang telepono, kaya mabilis niya itong hinigit sa bulsa ng short niya. “Si Lincoln?” Ani ng dalagita at sinagot ang tawag.
“H-hello?” Aniya at umupo ulit. Walang umimik sa kabilang linya—“Baka na pindot lang niya?” Sa isip ng dalagita at papatayin na sana ang linya ng biglang nag salita ito.
“Eirene it's me.” Usal nito at Tumikhim muna bago nag salita. “Darating ang kaibigan ko ngayon, kilala muna 'yon it's Aeson remember him?” Anito sa dalagita.
Hindi umimik ang dalagita, dahil inaalala kong sino 'yong Aeson, nang naalala ay siyaka palang siya sumagot. “Yes I remember him.” Aniya at tinapos ang kinakain. “Why?” Tanong niya sa binata.
“Nothing…sinasabi ko lang sayo baka magulat ka at may ibang tao ang dumating.” Ani ng binata at hindi man lang pinasagot ang dalaga at pinatay ito.
Binalewala nalang ng dalagita at hinugasan ang kinainan. Pagkatapos ay dumeretso sa garden kung saan siya mag simulang mag dilig. Habang nag dilig siya ay may narinig siyang sasakyan na huminto. “Maybe that's Aeson?”
Ibinalik ng dalaga ang atensyon sa halamang di-niligan at kumakanta habang ginagawa ang pag dilig. I-ikot na sana ang dalaga para makapunta naman sa ibang side ng halaman nguni't—“Wazzup, Eirene!” Anito ng bagong dating na lalaking si Aeson.
“kabuti ba siya? magkaibigan nga sila ni yelo—pasulput-sulpot kung saan.“
Tinignan lamang ito ng dalaga at pinagpatuloy ang ginagawa, napakamot naman ng ulo ang lalaki dahil sa asta ng dalaga sa kanya. “Eirene pansinin mo naman ako.” Awang ani ng lalaki at nag puppy eyes pa.
“Eww...”
Hindi parin siya pinansin ng dalaga kaya pumasok nalang ito sa mansyon at makapag pahinga. Habang papasok ang lalaki sa mansyon ay siyaka palang ito tinignan ng dalaga at napailing pa, para bang may nakitang hindi kanais-nais ang dalaga sa lalaki.
“Kilan kaya uuwi si yelo? Makakadalo kaya siya sa kaarawan ni ginang Suarez? Oh baka naman pina stay niya itong lalaki rito para ito ang kasama kong dadalo?”
Napailing ang dalaga sa naisip at tinapos ang ginagawa, bumalik ulit siya sa mansyon at kukunin ang kagamitan para sa painting. Mapag desisyonan niyang mag pinta para sa magiging regalo niya para kay Mrs. Suarez. Bubuksan na sana niya ang pinto ng painting room ngunit naka lock ito, kaya hinanap niya ang susi para mabuksan ito. inabot siya ng 30 minutes sa paghahanap ng susi, ngunit hindi niya ito mahanap. Nakita niya ang isang katulong na nagwawalis sa isang kwarto kaya't nilapitan niya ito para matanong.
“Ate, nakita mo ba 'yong susi ng painting room?” Ani ng dalaga sa katulong. Nguni't nagtaka siya ng hindi ito mapakali kaya't “Ate, tinatanong kita nakita mo ba 'yong susi?” Tanong ulit ni Eirene sa isang katulong.
“A-ah M-maam, bilin po kasi ni sir Lincoln na huwag muna raw po kayo pumasok sa painting room dahil makalat pa raw po.” Kinakabahan saad ng katulong kaya't nag duda agad si Eirene kung ano ang tinatago roon.
“Wag, mo nalang po sabihin kay Lincoln ate, ako na po ang bahala sa kanya.” Kumbinsi ng dalagita sa katulong upang mapasunod ito. Ilang sandali lang ay pumayag na nga ito at pinangako pa ito na huwag niya itong ilaglag dahil importante nito ang trabaho.
“Makaka-asa po kayo ate.” Saad ng dalaga bago tinanggap ang susing kanina niya pa hinanap.
Dali-daling binuksan ni Eirene ang painting room, pagkabukas nito ay tumambad sa kanya ang maayos at malinis na painting room, maraming mga painting rin ang nakasabit at mga organize na mga painting brush at iba't ibang kulay ng tinta. Napahinto ang tingin niya sa isang painting na sobrang ganda, kung titignan mo lang ito ay parang drawing ng limang taong gulang na bata, ngunit kung pag katitigan mo ito ng matagal ay makikita mo kung ano nga ba ang laman ng drawing na'iyon.
Mahinang hakbang ang ginawa ni Eirene papunta sa painting na nakasabit sa pader, lumapit siya at hinaplos niya ito, “This painting is beautiful and full of effort—ang mga linya ay maramdaman mo ito kapag hinaplos at ang kulay na tamang pag timpla—ang ganda!”
“Sino ba ang nag paint nito? Si yelo ba?” Napatingin si Eirene sa bandang ibaba at nakita ang letrang—“H?”
Na padako naman ang kanyang tingin sa isa pang painting, ito ay mga batang naglalaro—ang mga kulay ay matingkad at ang quality ng pag pinta ay sobrang ganda. May napansin siyang maliliit na mga linya para bang sinadya itong sinulat sa pinong-pino na mga letra, pikit niyang binabasa ito kahit na sobrang liit.
Habang binabasa niya ito ay biglang sumakit ang kanyang ulo—“Ba't ang sakit?” Pilit nilabanan ng dalagita ang sakit ng ulo nguni't hindi niya ito nakayanan at naluluha nalang, hindi maintindihan ang sarili bakit may nakikita siyang mga batang naglalaro at paiba-iba pa mga ang senaryo.
“Anak…makinig ka kay mama, sabi ko naman sayo huwag mo nang uulitin Yong pagtakas di'ba?” Anita ng isang ginang habang sinuklay ang ukon ng batang babae.
“Heather! sabi ni papa ay hindi ka raw anak niya.” Ani ng isang batang lalaki.
“Anak, alam mo naman ang setwasyon natin di'ba? kailangan mo munang mag tago tiya-ka kana mag papakilala sa mga tao kapag okay na ang lahat. Naiintindihan mo ba ako anak ko?” Sabi ng isang ginang.
“Sino sila? hindi ko sila kilala, “mawalang galang na'po sino po kayo.” sabi ng dalaga habang nakatingin sa isang ginang at isang bata.
“Maam sino po kayo?” Tanong ulit ng dalaga nguni't wala itong naging sagot.
Kinabahan siya ng biglang nag iba nanaman ang senaryo, nakaharap siya sa isang batang lalaki at babae, ang batang babae na natutulog at ang lalaking nakatayo at nakatingin sa babae.
Ang batang lalaki ay may hawak na panyo at masamang nakatingin sa babaeng natutulog. “Kung sana hindi ka dumating, ako parin sana ang mahal ni-na mama.” Usual ng batang lalaki at nilapitan ang babae.
“Anong gagawin niya? bakit may panyo siyang dala, could it be? patayin niya ang babae? Lalapitan sana ng dalagang si Eirene ang mga bata ngunit napa sigaw nalang siya ng tuluyan ng tinabunan ang ilong ng babae.
Nag-iba nanaman ang senaryo, madilim na kwarto para bang basement ito, ang batang lalaki ay nakaharap sa hindi katandaan na lalaki nay dala pa itong tabaco at bumubuga sa harapan ng bata.
“Mr. Ortega andito na, ipangako mo sakin na ilayo mo kila mama itong babae.” Anas ng batang lalaki.
Tumawa naman ang tinatawag na Ortega at nilapitan ang batang lalaki at pa simpleng pa tampal sa pisnge nito.“Magaling bata—magaling ang ginawa mo.” Saad ng matanda at tumatawa pa itong parang demonyo.
Litong nakatingin ang dalagang si Eirene sa mga senaryo at walang magawa dahil hindi niya naman ito nahahawakan. Nag-iba nanaman ang senaryo, nasa malaking bahay at ang ginang ay umiiyak sa harapan ng lalaking hindi rin katandaan andon rin yong batang nakita niya kanina.
“Israel, 'yong anak ko, ibalik mo!” nagwawala na saad ng ginang at napaupo nalang sa sahig.
“Mag relax ka Amanda, hinihintay ko ang balita.” Kalmadong saad ng lalaki ngunit sa loob nito ay nag pa-panic na'rin dahil sa nawawalang anak.
“Anak—di mo ba talaga nakita ang batang kapatid mo?” tanong ng ginang sa batang lalaki.
“Mama, hindi ko po siya nakita, nasa kwarto lang po ako't nagbabasa.” naiiyak na saad ng batang lalaki.
“Israel, ano na!” sigaw ng ginang at nawalan ng malay.
Nag-iba ang senaryo ngunit walang nakikita si Eirene. “Asan ako? Anong lugar 'to?” Saad nito sa sarili at naglakad ng paunti-unti nguni't para bang isa itong daan na kay-haba dahil hindi matapos-tapos.
“Hello!! may tao po ba? naririnig niyo ba ako!” Sigaw ng dalaga't ngunit walang sumasagot sa kanya.
“Maam…” Tawag ng katulong, dahil pag pasok niyo kanina sa painting room ay naabutan niya ang amo na nakahiga sa malamig na semento.
“Maam gising po, bakit po kayo natulog rito sa painting room, ma'am?” Yug-yog ng katulong at sinusuri kung may sugat ba ang amo. Unti-unting minulat ng dalaga ang mga mata at may bahid ng luha pa ang kanyang pisnge, dulo't sa kaiiyak niya, “Totoo palang umiyak ako.”
Bumangon ang dalaga at hindi pinansin ang katulong at tulala na naglakad paakyat sa kwarto niya. Ang katulong naman ay naguguluhan sa inasal ng amo. pagkarating ng dalaga sa kwarto niyo ay agad niyang hinalungkat ang drawer kong saan niya nakita Yong katulad sa nakita niya sa painting. Letrang H ngunit kong titigan mo ito ng maayos ay makikita mo ang nakaukit sa likod nito “H—Del F?” Basa ng dalaga sa isang pendant at tinignan ng maayos. Hindi mo ito makikita ang letra kung hindi mo titigan ng maayos.
Dali-dali niyang kinuha ang Cellphone at pumunta sa f*******: nag search siya ng Heather, 'yon ang natatandaan niyang pangalan na nabanggit doon sa panaginip.
Nguni't wala siyang makita, nanlumo na napa-upo ang dalaga sa paanan ng kama at yumuko.
“Sino ba talaga ako?”