Chapter 4

1158 Words
Mabilis na lumipas ang araw at naging busy ang lahat para sa paghahanda sa Christmas party ng kompanya. Isasabay rin kasi rito ang launching nang new product ng company for next year. Gaganapin ang selebrasyon sa 25th of December. "Did you already sent the invitations to our investors and company associates at sa iba pang mahahalagang tao?" nakakunot ang noong tanong ni Dominic sa secretary niya. "Yes sir, I already sent the invitations. Sinunod ko po lahat ng mga nakalista sa visitors list." Pormal na sagot ni Santa rito habang nakatayo siya sa harapan ng desk nito. Tumango-tango si Dominic sa sinabi nito, mas lalong napakunot ang noo niya nang wala sa loob na masuri niya ang hitsura ng secretary. He could describe her as a one plain boring woman. Nakapuyod ang kulot nitong buhok, nakasuot ng malaking salamin sa mata. At nakasuot ng plain black slacks at white long sleeve na pinatungan lang ng blazer. That's why hindi niya ito napagtutuunan nang pansin dahil araw-araw naman ay ganoon palagi ang hitsura nito katulad ngayon, mas lalong nag-iba ang timpla ng mukha niya. Sanay siyang makakita ng mga babaeng maayos ang pananamit at paglalagay ng make-up. Siguro dahil na rin sa klase ng kompanyang meron siya. Sanay siyang mga high fashioned woman ang mga nakakasalamuha niya pero inaamin niyang nakakasawa rin. "You can go now." Walang emosyong pagtataboy niya sa secretary, kaagad naman itong tumalima at tila ayaw ring magtagal sa opisina niya. "Napaka-arogante!" bulong ni Santa sa sarili nang makalabas sa opisina ng boss. Napatingin sa kanya si Michelle ang newly-hired na PA ng boss. Bata lang ito sa kanya ng dalawang taon. Maganda rin at charming kung ngumiti saka mabait. Magaling din ito sa trabaho, nasa kabilang side lang ang table nito, katapat ng table niya. Hindi niya alam kung bakit nasa labas ito, kung tutuusin ay dapat nasa loob ito ng office, may bakanteng room sa loob for personal assistant pero sa labas ipinalagay ni Mr.Rivas ang table nito. "Napagalitan ka na naman ba?" tanong ni Michelle sa kanya, nakangibit pa ang mga labi nito. Tatlong araw pa lang ito sa trabaho ay nabulyawan na ito ni Mr. Rivas. "Hindi naman, hindi yata ni regla ngayong araw na 'to," turan niya, sabay pa silang napahagikhik nito. Napahinto rin sila kaagad sa pagtawa nang biglang bumukas ang pinto ng office at iniluwa roon ang boss nila. Muntikan na siyang masamid sa sariling laway. "Yes, Sir?" ani niya saka inayos ang pagkakatayo. Nagsasalubong pa rin ang dalawang kilay nito saka binalingan nito ang PA. "Be ready in five minutes, we have an outdoor meeting." Wala sa mood na saad nito kay Michelle saka isinara agad ang pinto. Muli silang nagtawanan ni Michelle. Kung tutuusin ay puwede namang tawagan na lang ni Dominic ang PA pero na-curious siya nang marinig niya ang tawanan ng dalawa. Lalo na nang marinig niya ang nakahahalinang tawa ng secretary niya. Napapailing na lang siya sa naiisip. Nakaupo na siya sa swivel chair nang tumunog ang telepono sa side table niya. Alam niyang ang secretary niya ang tumatawag. "Yes," sagot niya sa naiiritang boses sa kabilang linya. "Sir, may tumatawag kasi sa akin kanina pa, gusto kayong makausap. Her name is Stacy." Natutop niya ang noo, isa ito sa naka-lunch date niya rati. Anak ng amiga ng Tita Imelda niya. And most of all ay naka- one night stand niya na rin. Matagal na itong nangungulit sa kanya na lumabas sila ulit maski ang Tita Imelda niya ay kinukulit siya na e-date niya ito ulit. "Sabihin mong busy ako." Matigas ang boses na utos niya sa secretary. Narinig niya pa mula sa kabilang linya ang buntonghininga nito. "Pero Sir–" Muli na naman niyang pinutol ang sasabihin ng secretary. "It's your job Ms. Marquez para itaboy ang mga taong ayaw kong makausap! Lalo na kapag hindi tungkol sa business!" asik niya rito sa kabilang linya saka binabaan niya na ito ng telepono. Malalim ang buntonghiningang pinakawalan ni Santa sa dibdib pagkatapos siyang bagsakan ng telepono ni Mr.Rivas. "Relax Santa... Hindi ka puweding maubusan ng pasensya. Kailangan mo ang trabahong ito dahil malaki ang sahod." Mahinang bulong niya sa sarili. Nag-exhale and inhale siya para ikalma ang sarili. Muling tumawag si Stacy, ang maarteng babaeng naka-date ng boss niya, hindi niya matandaan kung kailan. "I'm sorry to inform you Ms. Stacy, Mr. Rivas is busy. Naghahanda po siya para sa outdoor meeting niya mamaya." Paliwanag niya rito. "What! Are you making an excuse? Katatawag ko lang sa Tita Imelda niya ngayon at sinabing hindi siya busy!" asik nito sa kabilang linya. Muli siyang napa-buntonghininga. Natanong niya tuloy sa sarili kung kasali pa ba sa job description niya ang sagutin ang tawag ng mga babae ng boss niya at gumawa nang paraan para maipaliwanag niya sa mga ito nang maayos na ayaw silang makausap ng boss niya! "You know what? Ang sinabi talaga ni Mr. Rivas ay ayaw niya na kayong makausap o makita pa. Kaya huwag ka nang tumawag!" naiinis na asik niya sa kabilang linya, kanina pa siya nagtitimpi at nauubos na ang pasensya niya. "How dare you to talk to me like that! You're just his secretary, b***h!" nanggagalaiti nitong asik sa kanya sa kabilang linya, halata sa boses nito na galit na galit. Bumuntonghininga siya, bakit ba kasi hindi na lang tanggapin ng mga ito na pampalipas oras lang sila ng boss. "I'll see to it that you will be fired!" muling asik nito saka binagsakan siya ng telepono. Nahilot niya ang sentido, walang araw na hindi natahimik ang buhay niya sa opisinang ito. Bigla rin siyang kinabahan sa huling sinabi nito pero binalewala niya na lang. Tumunog ulit ang telepono niya at mas lalo siyang kinabahan nang marinig ang boses ng boss. "Come to my office." Walang emosyong utos nito sa kanya. Nahampas niya ang noo, baka ito na talaga ang last day niya sa kompanyang ito. Kinakabahan siyang pumasok sa office. "Yes, Sir?" mahinang usal niya. "You shouldn't disrespect her! Alam mo bang tinawagan ako ng Tita ko at pinapatanggal ka niya sa trabaho dahil binastos mo raw si Stacy?" Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito, nagsumbong pala ang bruha sa tiyahin ng boss niya. "I-I didn't–" nauutal niyang saad at hindi na niya alam kung ano pa ang idudugtong sa sasabihin. "I need to deal my Aunt right now. So, get out!" mariin ang boses na pagtataboy nito sa kanya. Nagmamadali siyang lumabas sa office, saka bumigay na ang luha sa mga mata niya. Sumusobra na talaga ang napaka-walang puso niyang boss! So, maghihintay pala siya nang result kung matatanggal na siya sa trabaho o hindi pa? Sa isip-isip niya. Pinahiran niya ang mga luha saka naupo na ulit sa desk. Kung ganoon pala ay gagawa na siya nang resignation letter, hindi na rin siya makapagtiis! Ano bang nagawa niya? Bakit ba palaging siya na lang ang na pagbubuntunan nito nang galit? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD