Ilang taon siyang nagtiis sa anak nang dati niyang boss pero sadyang wala talaga itong puso. Ayaw niyang mag-resign dahil bukod sa malaki ang sahod ay tumatanaw rin siya nang utang na loob kay Mr. Renato Rivas. Kung hindi dahil sa kabaitan nito ay malamang hindi siya na- absorbed ng kompanya. Ang tanging hiling lang nito ay maging loyal siya sa kompanya. Pero hindi niya na talaga matiis ang anak nito! "Are you okay?" nagtatakang tanong ni Michelle sa kanya. Nadatnan siya nito na namumula ang mga mata, galing ito sa bathroom nag- retouch nang make-up. Sasagot na sana siya nang lumabas ang walang puso niyang boss. His aura radiates power and authority, kaya nakakatakot. He was very intimidating. "Let's go," ani nito sa malamig na boses na ang sinabihan ay ang PA. Nagkandarapa naman si