Chapter 3

2093 Words
Panay ang tingin ni Dominic sa suot na Rolex watch, gusto na niyang matapos ang lunch date na ito. Napapailing na lang siya, hindi na niya mabilang kung ilang beses ng nagpadala ng mga babae sa office ang Tita Imelda niya para maka-date niya. Her Tita Imelda, his mother's only sister forcing him to get married. He is turning 30 next year kaya minamadali siya nitong mag-asawa which is–ayaw niya naman. Pinagbibigyan niya lang ito sa gusto na e-date ang mga babaeng in-recommend nito sa kanya. But not bad because some of the women– ay nakaka- one night stand niya pero hanggang doon na lang iyon. Ayaw niya ng commitments. He was only ten when his mother died in a car accident. Ang Tita Imelda na niya ang nag-alaga sa kanya hanggang sa ipadala siya ng daddy niya sa Amerika para doon mag-aral ng Business Management. Hindi niya binigo si Renato Rivas dahil naka-graduate siya with flying honors. Mas lalo niya pa itong pinaluguran ng mag- excel siya sa larangan ng business industry at mas napalago niya pa ang kompanya nila ngayon. May isa siyang kapatid na babae, mas pinili nitong manatili sa America–to pursue her modelling career. "Are you done?" tanong niya sa kaharap, halata sa boses niya ang iritasyon. Natigil naman sa pagsasalita ang babae. Nakalimutan na nga niya ang pangalan nito. "Oh, i'm sorry. May meeting ka ba ngayon? You seems eager to finish our lunch." Sabi ng ka-date niya, panay ang kuwento nito tungkol sa career, sa buhay, sa hobbies at tungkol sa lalaking type nito–which is hindi siya interesado sa mga kinukuwento nito. "Yes, i need to go. I have a lot of work to do in the office. Good bye." Sabi niya, napanganga lang ang kaharap niya ng tumayo siya at iniwan na ito sa table. Alam niya na bastos ang ginawa niya pero hindi niya matagalan ang kadaldalan nito lalo na hindi naman interesting ang sinasabi nito. Pagkalabas niya sa restaurant ay dumeretso siya sa kotse, hindi na niya hinintay na ipagbukas pa siya ng pinto ni James, ang personal driver at bodyguard niya. "To the office, James." Utos niya rito sa malumanay na boses. Tumalima naman ito at agad na binuhay ang engine ng sasakyan. Kasalukuyan na silang nasa biyahe ng mag-ring ang cellphone niya, he rolled his eyes. Alam niya na ang Tita Imelda niya ang tumawag. Nagsumbong na naman siguro ang ka-date niya. "Yes, Tita." "Dominic! What have you done? You know she is my friend's daughter, you shouldn't disrespect her!" Asik ng tiyahin sa kabilang linya. He sighed. "Tita, i am a very busy man. Wala akong panahon para makinig sa kuwento ng buhay niya." Nahahapong pagdadahilan niya. "Don't give me that damn excuses Dominic! She is a decent woman." Napapailing siya dahil halata naman sa babaeng hindi na ito inosente pa. Lantaran nga siya nitong inaakit in her own way. "Kaya nga may tinatawag na getting to know each other, diba?" dagdag pa ng tiyahin niya. "Tita–" "Shut up, Dominic! If i know, ang ibang mga babaeng nakaka-date mo ay nakaka-one night stand mo kaya nga hinanapan na kita ng matinong babae!" palatak ng tiyahin niya. Napapailing na lang siya. Alam niya na hindi niya kayang mag-dahilan pa rito. Mas lalong hahaba lang ang diskusyon nila. "I'll talk to you later, Tita." Sabi niya saka pinatayan niya ito ng cellphone, napapangiti siya dahil nai-imagine na niya ang nanggagalaiting reaksyon nito. Pagdating sa pamilya ay lumalambot ang puso niya lalo na sa tiyahin niya at nag-iisang kapatid na babae. Deretso siya sa privat elevator ng makapasok sa building ng kompanya–with a poker face. Maraming bumati sa kanyang mga staffs pero sadyang nasanay na siya na hindi pinapansin ang mga ito. Minsan isang simpleng tango lang ang ibinibigay niya sa iba. Nakita na niya agad ang secretary niya ng makarating siya sa 28th floor, nasa table na ito at busy sa laptop. May sinasagot na emails at kung anu-ano pa. For almost 4 years na itong nanilbihan sa kanya ay para itong hangin na walang buhay. She looked so boring, pero may kakaiba siyang damdamin na nakapa para rito. Hindi niya na lang binigyan pa ng pansin. Nang makita ang boss na paparating ay tumayo si Santa saka bahagyang yumuko, dumeretso lang ang boss niya sa office kasunod naman siya. "Sir, are you the one who will do the final interview para sa personal assist–" He cut her out, itinaas nito ang kanang kamay sa ire senyales na pinapatigil siya nito sa pagsasalita. Without turning around he said, " I am busy." "Okay." Usal niya saka pinakawalan ang malalim na hininga, lumabas na siya sa office ng arogante, cold hearted boss niya na animo'y parang robot na walang buhay! Para sa kanya ay isa itong boring na tao pero bakit crush niya ito? Gusto na niyang sampalin ang sarili. Crush lang naman. Padabog siyang naupo sa upuan niya kaharap ang laptop. Ibinalik na lang ang atensyon sa ginagawa pagkatapos ay tinawagan ang Vice President na ito na lang ang mag- conduct ng final interview dahil busy ang boss. Alas sais na ng mag-out siya sa office, kung may hindi siya natapos ngayong araw na ito ay nag-eextend siya ng oras. Ayaw niyang matambakan ng gawain bukas. Magmula ng maging boss niya ang anak ni Mr. Renato Rivas ay hindi na siya nagpapaalam pang mauna ng umuwi. One time ginawa niya iyon ay pinagalitan pa siya, nasanay kasi siya na sa tuwing out na niya ay nagpapaalam siya sa ama nito. Ngayon hindi na. "Surprise!" Napahawak siya sa dibdib nang may yumakap sa kanya habang nag-aabang siya ng taxi. "Honey!" hindi makapaniwalang bulalas niya, first time siya nitong sunduin galing trabaho. Sa loob ng isang taon nilang relasyon ay ngayon lang siya nasundo nito. Gusto niyang maiyak dahil sa tuwa o kilig na nararamdaman. "Mag-dinner tayo, my treat." Nakangiting sabi ng boyfriend niyang si Tony. Hindi na nito hinintay pa ang isasagot niya at iginiya na siya nito sa kotse. Agad siyang sumakay ng makapasok na ito sa loob ng driver seat. Akala niya ipagbubukas pa siya nito ng pinto, she felt disappointed but she doesn't want to ruin the mood kaya nagkibit-balikat na lang siya. Sa isang Chinese Restaurant sila nagtungo, half-Chinese ang boyfriend niya kaya mahilig ito sa mga chinese foods. "What do you want?" tanong ni Tony sa kanya habang binubuklat na nila ang kanilang menu. Hindi siya mahilig sa chinese foods kaya wala siyang magustuhan pero hindi niya pinapahalata sa boyfriend niya. Kahit kailan naman hindi siya nito tinanong kung saan niya gustong kumain pero okay lang sa kanya ang mahalaga ay magkasama sila. "Shrimp fried rice." Tipid na sagot niya sa boyfriend, tumigil ito sa pagbuklat ng menu saka hindi makapaniwalang tiningnan siya. "Santa, dinner ngayon hindi breakfast." Sabi nito sa kanya, napa-buntonghininga siya. Ano ba ang magagawa niya, iyon lang ang nagustuhan niya sa menu. Saka paborito niya ang shrimp fried rice. "Kung Pao Chicken." Mahinang usal niya na para bang nahiya sa unang sinabi ng kasintahan. Tumango-tango lang si Tony saka ibinaling na ang atensyon sa menu. "May nangyari ba sa trabaho mo? Mukhang masaya ka." Puna niya rito, muling ngumiti si Tony sa kanya. "Yes, honey. Na-promote ako as the Head of Advertising Operations." "Congratulations." Nakangiting bati niya sa boyfriend. Masaya siya para rito. "How about you? Hindi ka ba aalis sa work mo? Ilang years ka na sa kompanya ninyo pero secretary ka pa rin." Turan nito sa kanya na halata sa boses na minamaliit ang trabaho niya. Hindi nito alam na hindi biro ang maging secretary lalo na kung ang boss mo ay parang may regla lagi. Napalitan ang matamis niyang ngiti sa isang pilit na ngiti. "Mag-order na tayo, ayaw kong pag-usapan ang tungkol sa trabaho." Sagot niya kay Tony. Totoo naman talaga kapag magkasama silang dalawa ayaw niyang pinag-uusapan ang tungkol sa trabaho pero hindi niya maawat ang boyfriend dahil wala itong bukambibig kundi tungkol sa trabaho nito at sa mga achievements na nagawa sa buhay nito. Habang siya naman ay shock absorber nito sa lahat ng mga kinukuwento nito. Okay lang naman sa kanya na makinig pero habang tumatagal ganoon na lang lagi ang routine nila. "Hindi ka ba papasok sa loob ng bahay?" Tanong niya sa boyfriend nang ihatid siya nito sa bahay nila, hindi niya pa ito naipakilala sa pamilya. "Next time na lang siguro honey, it's late." Pagdadahilan ni Tony saka tiningnan pa ang suot na relo. "Okay, thanks for the dinner." Nakangiting turan niya, kung hindi pa handa ang boyfriend niya na makilala ang family niya ay naiintindihan niya. Palabas na siya sa kotse ng pigilan siya nito. "How about my kiss?" Napa-buntonghininga siya saka hinalikan sa pisngi ang boyfriend. "A real kiss Santa." She rolled her eyes and give him a kiss on the lips. Smack lang iyon. Lagi namang ganoon, either sa pisngi or smack sa lips ang binibigay niyang halik dito. Nagtangka si Tony dati na mas palalimin pa ang halik na iyon pero bago pa nito magawa ay iniiwas na niya ang sarili. Hanggang kiss sa pisngi at smack lang muna ang maibibigay niya sa kasintahan bukod sa holding hands at yakap. Alam niya kapag lumalim ang halikan nila ay mag-iinit lang ang buong katawan nila baka mauwi pa sa kung saan na siyang pinakaiiwasan niya. Nagbuga ng hangin si Tony sa bibig pagkatapos siyang halikan ni Santa sa lips. Hindi niya nga halos ito maramdaman. Kailangan niyang habaan pa ang pasensya kung gusto niyang makuha ang tiwala ni Santa. Sa malaon at madali'y alam niyang bibigay rin ito. Lihim siyang napangisi sa sarili. "Good night honey." Malambing na paalam ni Tony kay Santa, para namang teenager si Santa na kinilig ng makalabas sa kotse. Hindi siya umalis sa kinatatayuan hangga't hindi nawawala sa paningin niya ang sasakyan ng kasintahan. Pumasok na siya sa loob ng bahay at naabutan niyang nagkakagulo ang pamilya sa sala. "Kumain na ba kayo?" tanong niya sa mga ito. "Ewan ko ba riyan kay Nanay Ate hindi man lang nakapagluto ng hapunan." Reklamo ni Sandara habang binibihisan ang bunsong anak. Napatingin siya sa suot na relo. "Hindi ba't may groceries pa riyan at may lulutuin naman diyan sa ref. Anong oras na ang mga bata wala pang kain." Turan niya sa kapatid at nahahapong umakyat sa itaas. Naririnig niya pa ang sigawan ng kapatid niyang si Jeff at ang Kuya niyang si Leo. Ang Nanay niya naman ay na busy sa cellphone ng madatnan niya kanina sa sala. "Ate, Ate!" Habol ni Jeff sa kanya nasa loob na siya ng kuwarto. Napakunot ang noo niyang tumingin dito. "Nagpa-Grab food na lang kami ate, tinatamad ng magluto si Nanay eh, busy naman si Ate Sandara." Sabi nito. Tumango na lang siya. Napapadalas ang pag-order ng mga ito sa Grab Food. Magkano na naman kaya ang mababayaran niya sa pagkain na in-order ng mga ito? Muli na naman siyang bumuntonghininga, okay lang naman kasi pagkain naman ang in-order. Pero sayang kasi ang mga groceries nila kung hindi lang din lulutuin baka mabulok. Nag-shower muna siya saka nag-ayos bago bumaba sa sala. Dala niya ang wallet niya. Husto namang dumating na ang order ng pamilya niya. Nagbayad siya ng dalawang libo sa Grab Food na nag-deliver. Napangiti na lang siya ng makitang tuwang-tuwa ang mga ito sa pagkain. Sa Shakeys nag-order ng pagkain ang mga ito. "Nak, sino ba iyong naghatid sa'yo kanina? Nasilip ko sa bintana." Tanong ng Nanay niya. "Si Tony po Nay, boyfriend ko." "Aba biruin mo hindi pa kayo naghiwalay." Sabat naman ni Leo, inirapan niya lang ito. "Aba'y kung matino naman eh mapagtitiisan niya si Santa." Sabi ng Nanay niya. "Grabe naman kayo Nanay, maganda naman si Ate Santa ah kulang lang sa ayos." Saway ni Sandara sa ina. "Puwede ba kumain na nga kayo riyan. Last niyo ng order iyan! Kailangang magtipid tayo ngayon lalo na malapit ang pasko." Naiiritang sabi niya sa mga ito. "Aba Ate December ngayon, may 13th month pay ka ngayon diba saka christmas bonus? Baka naman mai-shopping mo ang mga pamangkin mo." Nakangising hirit ni Sandara sa kanya na ang tinutukoy ay ang mga anak nito. "Ako rin Ate!" Segunda naman ni Jeff. "Aba anak cash na lang sa akin." Nakangising sabi ng Nanay niya. "Sa akin Santa kahit bagong motor lang." Hirit naman ng Kuya Leo niya. Talagang kabisado na nito ang sahod niya kapag pasko! Hindi niya rin naman mahihindian ang pamilya. ~•~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD