Hindi alam ni Santa kung ano ang gagawin. Parang naging lutang siya dahil sa nangyari no'ng christmas party. Pero hindi naman siya dapat kabahan dahil may kasunduan naman sila. One year lang ang pagpapanggap nila. No strings attached lalo na pagdating sa s*x, kaya nga gusto niya hiwalay ang kwarto nilang dalawa dahil ayaw niyang matukso rito. "You should read the contract before you signed it," turan ni Dominic. Matalim ang tinging ipinukol niya rito, saka muli siyang tumayo sa upuan. "Dapat hindi mo ako tinakot! Hindi sana ay binasa ko ang kontrata!" angil niya rito. Tumaas ang isang kilay nito, pati na ang isang sulok ng labi nito. Para bang pinipigilan nito na hindi ngumisi dahil sa galit na hitsura niya ngayon. "Hindi kita tinatakot, Santa. Ikaw lang ang nagmamadaling pirmahan a