Chapter 36

2047 Words

"Wala akong gamit kaya kailangan kong umuwi ngayon sa bahay," naiinis na saad niya kay Dominic. Nasa loob na sila ng kotse nito at nasa biyahe na. Magkatabi silang dalawa sa passengers seat. Sumiksik siya sa pinaka-dulo na para bang may nakadidiring sakit ito na takot siyang mahawaan. "May mga damit ka na sa bahay, nasa kontrata–" "Pwede ba, tigilan mo ako?" putol niya sa sinasabi nito. Naiirita na siya sa paulit-ulit nitong binabanggit ang tungkol sa kontrata. "What's wrong with you?" Napailing siya at namamanghang napatitig dito. Hindi naman ito nakatingin sa kanya dahil busy na naman ito sa cellphone. Parang sinasadya na lang nito na ituon sa ibang bagay ang atensyon. "Are you afraid?" tanong nito, kumunot pa ang noo nito na para bang may nakitang hindi maganda sa cellphone nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD