"Ate, mahal ko po si Kristel," ani ni Jeff kay Santa. "Hindi ko naman hinahadlangan iyang pagmamahalan ninyo eh! Ang sa akin lang dapat nag-control kayo!" singhal ni Santa sa bunsong kapatid Pumiyok na ang boses niya. Halos wala na nga siyang lakas at hindi pa siya nakaka-recover sa nangyari sa kanya, dumagdag pa ang pamliya niya. "At ikaw Kuya? Bakit hindi mo pa aminin na anak mo iyang dinadala sa sinapupunan niya?" usal niya sa Kuya Leo niya, saka tinuro niya ang babaeng malaki ang tiyan. "Mag-trabaho ka na kasi!" Naisuklay niya ang kamay sa buhok. Pati sarili niya gusto na niyang sabunutan. "Anak, hayaan mo na lang anak." Alo ng nanay niya. "Nay, anong hayaan? Kaya naging batugan iyang si Kuya Leo eh kasi kinokonsente ninyo!" asik niya, humulagpos na ang tinitimpi niyang hinanak