Napansin ni Santa ang pagbaba at pagtaas ng adams apple ni Dominic. Bahagyang napabuka ang mga labi niya nang masilayan ang mukha ng boss sa malapitan. Wala pa siyang suot na salamin sa mata pero ang guwapo na nito sa paningin niya. Napakunot naman ang noo ni Dominic, gustuhin man niyang alisin ang paningin sa mukha ng secretary niya ay hindi niya magawa. He was captivated by her beautiful eyes. Wala itong nakalagay na kahit anong make-up sa mukha at ang pinkish nitong labi ay natural lang, parang kay sarap halikan at haplusin ang pisngi nito. Her beauty is undeniable. Si Santa ang unang umiwas nang tingin, muling ibinaling ang mukha sa kabilang side. Nakakaramdam siya nang init ng katawan kahit malakas ang aircon. Hindi niya alam na ganoon din ang nararamdaman ni Dominic lalo na nang m